UNANG TAGPO

167 10 0
                                    

Tumakbo ka wag kang hihinto! yan ang mga katagang umiikot sa aking isipan, halos lagutan na ako ng hininga para lang matakasan ang nilalang na humahabol sa akin, kung hindi ako mag mamadali ay tiyak na maabutan niya ako

Bakit ba kasi hindi pa mapagod ang isang to sa kakahabol sakin, kung hindi gagana ang naisip naming plano ay maaring huli na ang lahat para maisakatuparan ang aming misyon. Bigla tuloy pumasok sa aking isipan ang mga ala ala kung bakit ang isang simpleng estudyanteng tulad ko ay napunta sa isang buwis buhay na sitwasyon.

                      ---ARIES POV---

Tahimik ang unang araw ko dito sa paaralan. gaya ng dati ay gugulin ko na naman ang halos isang taon ng mag isa dahil sa kaibahan ko sa mga estudyante,  kung tutuusin ay para lang akong hangin dahil walang sino man ang may nais makipagkaibigan sa isang tulad kong kumakapit lang sa scholarship para makapag aral kung ituring nila ako ay parang isang insekto na kaya nilang tapaktapakan at paglaruan.

Kung bakit ba kasi lumaki ako sa isang ampunan kung saan tinatrato kaming parang mga robot na sunod sunuran sa mga mayayamang tao na nag bibigay ng sustento at tulong sa amin. At dahil nga lumaki ako sa ampunan ay wala akong sapat na kakayanan upang bayaran ang matrikula ng paaralang pinapasukan ko ngayon mabuti nalang talaga at naipasa ko ang scholarship kung kayat malaya akong nakakapag aral gaya ng iba pang estudyante

nung una inakala ko na magiging pantay pantay na ang tingin saamin dahil parepareho lamang kami ng tinatapakan na paaralan ngunit ang masayang ngiti sa aking mga labi ay unti unting nabura ng mapatunayan kong nagkamali ako, ganun nalang ang pagkadisgusto ng ibang estudyante sa akin dahil sa antas ng aking pamumuhay

kung sila ay karaniwan na ang mga mamahaling gamit gaya ng damit, gadgets, at iba pa. kabaligtaran naman non ang sa akin, salat ako sa mga materyal na bagay at sa madaling salita luma na ang lahat ng aking gamit, mga pinagpasapasahan na ng mga tao bago paman mapunta sa mga kamay ko, mula sa damit sapatos at ultimo gamit sa paaralan ay galing sa mga pinaglumaan ng mga mayayaman.

Ito ang buhay ko at kung pag bibigyan man ako ng isang pagkakataon ay mas gugustuhin ko ang maging isang normal na bata na kung saan lumaki sa isang buong pamilya na kahit mahirap basta may matatawag akong mama at papa.

Nawala ang aking pagmumuni ng tumama ang isang binilot na papel sa aking ulo na syang ikinalingon ko nag simula na naman silang pagtripan ako naiinis kong saad.

imbis na magalit ay ipinagsawalang kibo ko nalamang ang nangyari sapagkat wala rin naman akong mapapala kung lalabanan ko sila kaya imbis na patulan ay mas pinili ko nalang ang manahimik sa aking upuan at hindi na sila bigyan pa ng pansin total naman sanay na ako sa mga ganyang trip nila at isa pa kung kailan nasa huling taon na ako ng aking pag aaral sa kolehiyo ay ngayon paba ako mag papaapekto sa mga pang mamalabis nila.

Pero bago ko pa malimutan ako nga pala si Aries Salvador 19 taong gulang at kasalukuyang 4th year college dito sa LUCENIAN UNIVERSITY kumuha ako ng kursong architecture dahil bata pa lang ay hilig ko na talaga ang mag disenyo ng ibat ibang bahay pinangarap ko din na maipaayos ang ampunan kung saan ako lumaki dahil dama ko kung gaano kami nag hirap sa munting tirahang yon at kung  sakali mang makahanap ako ng isang magandang trabaho bilang engineer ay nais ko sanang mapabuti ang kalagayan ng mga batang naka tira dun na itinuring ko nang pamilya

Habang nasa ganon akong pag iisip ay sya namang pag pasok ng aming guro na si ginang Stacy na naging hudyat upang tumayo ako sa aking kinauupuan at mag bigay galang sa kanya si ginang stacy ay isa lamang sa mga paborito kong guro dito sa paaralan sapagkat  labis ang kabaitang ipinapakita nito sa akin at base nga sa aking obserbasyon ay masasabi kong nasa 40 taong gulang na sya ngunit hindi mababakas sa mukha nito ang katandaan. Magandang araw aries maari kanang maupo masayang bati naman nito sakin na sinuklian ko naman ng isang matamis na ngiti. Normal na ang hindi pag tayo ng ibang estudyante dahil lumaki silang mga senyorito at senyorita at para sakanila hindi importante ang pag aaral dahil kahit na wala silang matutunan ay maayos na ang kinabukasan nila, ako nga lang kanina ang nag iisang nag pakita ng pag bibigay galang sa pag dating ni ginang Stacy kung kayat ako ang naging paborito nitong estudyante at ganun rin naman ako sakanya. Nag simula ang pag tuturo na kung saan matyaga akong nakinig habang may ibang mundo naman ang ibang estudyante sa likod hindi ko na pinansin ang mga maiingay na tawanan at takbuhan ng ilan sa kanila  dahil ang importante sa akin ay ang pag aaral ko. Minsan nga ay nakakapag taka sapagkat daig pa nila ang mga batang pinag kaitan ng kalayaang makapag laro dahil sa kanilang inaasta kumbaga taliwas ang kanilang pag iisip sa kanilang edad.

Naging normal naman ang lahat bagamat may pa ilan ilan parin akong dinadanas na pang titrip kanina ay masasabi kong naging maayos naman ang lahat. Kasulukuyan akong nakaupo ngayon sa likod ng school building kung saan nakatayo ang isang matandang puno ng acacia masarap ang simoy ng malamig na hangin kaya madalas akong nakatambay dito upang mag palipas oras at umiyak narin sa tuwing hindi ko na kinakaya ang mga hamon na aking kinahaharap. At habang nasa ganun akong pag iisip ay isang  lalaki ang bigla nalamang sumulpot mula sa likod ng halaman na nag bigay gulat sa sakin, sa postura pa lang nito ay alam kong isa sya sa mga estudyante ng paaralang ito dahil sa suot nya pero ang ikinagulat ko lang ay may hawak syang isang espada na wari moy galing sa isang labanan dahil sa dugong nakakapit dito ngunit sa isang kisap mata ko palang ay bigla nalamang itong naglaho na parang bula.

Pero imbis na matakot ay natawa nalang ako sa aking nasaksihan sapagkat maaring pinag lalaruan na naman ako ng aking utak at malamang nag hahalucinate lang ako dahil kagabi pa akong hindi kumakain kaya imbis na isipin pa ang kakatwang pangayayari ay minabuti ko na lamang na kalimutan ito dahil imposibleng mangyari ang mga nakita ko. Nilisan ko nadin ang likod ng school building upang pumunta ng library dahil magtratrabaho ako ngayong araw dito rin kasi ako kumukuha ng pera upang tustusan ang mga pangangailangan ko sa araw araw kahit maliit na halaga lang ay malaking tulong na yun para sakin. Pagdating ko sa library ay naabutan ko si lola Salome na nag aayos ng libro. Magandang tanghali po lola tulungan ko na po kayo malambing kong saad dito sapagkat para ko na rin syang lola. Naku apo ako nang bahala dito kumain ka muna dyan dahil alam kong dika pa kumakain simula umaga nakangiting sagot naman nito, nahihiya man ay tama sya sa kanyang inusal sapagkat hindi pa talaga ako nakakapag almusal simula kaninang umaga. Sige po lola mabilis lamang po ito at tutulong din agad ako sainyo nakangiti kong saad, isang tango naman ang ibinigay nito sa akin hudyat upang tumungo ako sa maliit na kwarto ng library kung saan ito ang nag sisilbing kusina at kwarto ng mga tagapagbantay ng silid aklatan. Nagsandok ako ng kanin at isang piraso ng isda na pinaresan naman ng mainit na sabaw ng munggo grabe ang sarap mabubusog na naman ako masayang lintaya ko. Agad ko din naman tinapos ang pagkain dahil mag isa lang si lola salome sa labas at tiyak kong kanina pa yun nag sasalansan ng mga libro. Matapos hugasan at impisin ang aking pinag kainan ay agad din akong lumabas upang tulungan si lola at saktong pag labas ko naman ay isang babae ang kausap ni lola at malamang nag tatanong patungkol sa isang libro kaya hindi ko na ito pinag tuunan pa ng pansin at nag simula na akong magayos ng mga nagulong libro. Inabot ako ng halos ilang oras bago maayos lahat ng libro dito sa silid aklatan sa lawak ba naman nito ay talagang kulang ang mga kamay ko para mapabilis ang pagtratrabaho idagdag mo pa ang mga pilyong estudyante na basta basta nalang kumukuha ng libro at kung saan saan nalang iniiwan. Habang prenteng nagaayos ay umagaw ng pansin ko ang isang kulay itim na libro na halos ilang dipa lang ang layo mula sa akin nakakapagtaka sapagkat sa halos tatlong taon ko dito sa silid aklatan ay ngayon ko lang napansin ang librong iyon kaya agad akong tumayo upang tingnan at basahin ang libro dahil mukhang interisante ang nilalaman nito aabutin ko na sana ang libro ngunit tinawag naman ako ni lola salome kaya naantala ang pag kuha ko dito. Apo mauna na ako mabuti pa mag ayus kana ng gamit mo para makauwi ka narin paalam nito. Opo lola ingat kayo sa pag uwi sagot ko naman sabay punta sa kwarto ng silid aklatan.

Hapon na ngayon at oras na ng uwian mag isa akong nakatayo sa labas ng school at pinag mamasdan ang ibang estudyante na sinusundo ng kanilang mga magulang at driver. Isang buntong hininga ang aking pinakawalan bago mag simulang maglakad, siguro kung may magulang rin ako ay masaya akong uuwi at hindi malungkot gaya ngayon. Agad din naman akong nakauwi dahil hindi ganun kalayo ang tinutuluyan ko mula sa school, sa ngayon nakatira ako sa isang barong barong na kubo hindi man kasing ganda ng ibang bahay ay nag papasalamat parin ako dahil meron akong  natitirhan, naalala ko pang pinakiusapan pa ni sister Mila si mang Kanor para lamang magamit ko ang bahay na ito dahil masyadong malayo ang ampunan sa paaralan at hindi ko kakayanin kung lalakarin ko lamang ito. Pasalamat nalang ako dahil pumayag si mang kanor sa pakiusap ni sister Mila na duon muna ako pansamantala hanggang makapag tapos ako ng pag aaral, kaya mahal na mahal ko si sister dahil lahat ginagawa nya para lang mapabuti ako siya ang nag silbing ina sa loob ng ampunan at madalas nya akong pangaralan at pasiyahin sa tuwing may pinag dadaanan ako. Iwinaglit ko sya saaking pagiisip upang tumungo sa kusina at mag ayus ng makakain. Konting panahon nalang at magiging maayos narin ang lahat nakangiti kong bigkas.

DIRE'S The Hollow SpiritTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon