IKA LABING LIMANG TAGPO

32 3 0
                                    

IZAAC! SUMAGOT KA KUNG NARIRINIG MO AKO! pag sigaw ko habang binabaybay ang masukal na kagubatan, napaka dilim ng aking dinaraanan at tanging liwanag nalang ng buwan ang nag sisilbing liwanag upang makakilos ako ng maayos, ilang minuto narin ang nakalipas mula ng mag hiwa-hiwalay kaming tatlo upang hanapin si Izaac at sa mga lumipas na oras ay halos mapaos na ako sa kakasigaw para lang marinig ni ako Izaac, asan ka na ba talaga izaac please kung nasaan ka man sana'y ligtas ka nag aalalang bulong ko bago luminga linga sa paligid umaasang mahahagip sya ng aking mga mata.
Izaac ikaw ba yan! Masigla kong pahayag ng maka rinig ng isang kaluskos na nag mumula sa likod ng puno kaya naman dali dali tinahak ang daan para marating ang likod ng puno Izaac! Masigla kong bungad sa labis na tuwa ngunit ang aking ngiti sa labi ay agad ding nawala ng hindi si Izaac ang aking madatnan AHHHH!!!!!



•••••••••JAYRON POV••••••••

AHHHHHH!!!! Napa lingon ako sa pinagmulan ng isang malakas na sigaw kaya dali dali akong tumakbo sapagkat kilala ko ang nag mamay aari ng boses na yun, tsk napaka arte kasi sinabihan ko na sya na sumama sakin dahil mapapahamak pa sya kung mag hihiwalay kami, engot talaga, galit kong saad sa gitna ng aking pag takbo, agad din naman akong naka rating sa lugar kung saan narinig ko ang sigaw ni Aries ngunit hindi ko ito makita sa paligid kaya naman iniikot ko ang aking paningin para mahanap ang lugar na kinaroroonan niya, Aries asan ka! Pag tawag ko pa dito, habang lumilinga sa paligid Bitawan mo ako! Rinig kong huni nito sa likod ng isang malaking puno kung kaya't wala na akong inaksaya pang oras at agad itong pinuntahan,  duon nga nakita ko si Aries na hirap na hirap sa kanyang sitwasyon sapagkat hawak hawak siya ng isang Laserio o kilala bilang taga pangalaga ng Kagubatan sila ay mga puno na may katawan na parang sa tao at gaya ng puno ay malalaki at matatangkad din ang mga ito, kaibigan ibaba mo ang kasama ko wala kaming balak na masama hinahanap lang namin ang isa naming kasamahan na nawawala, pag kausap ko sa Laserio na ngayon ay hinihigpitan pa lalo ang hawak kay Aries dahilan upang mapa daing ito sa sakit, Sinungaling wala kayong hinangad kundi ang kayamanan ng aming kagubatan! galit na saad nito bago kumuha ng isang malaking tipak ng bato at ihagis sa akin, naging alerto naman ako sa mga kilos ng Laserio kaya agad kong nailagan ang kaniyang pag atake, maniwala ka kaibigan wala kaming hangad na masama totoo ang mga sinasabi ko sayo, pag kukumbinsi ko pa dito sapagkat hindi ko sya maaring labanan dahil ang mga Laserio ang nag sisilbing taga pangalaga ng kagubatan kung wala sila ay maaring mamatay ang lahat ng puno at nilalang na may buhay dito sa kagubatan, Lahat ng tao ay sakim! Minsan na kaming nag tiwala sainyo ngunit pagka wasak lang ang nyong tanging dala, at ngayon ang kasama mo ang magiging kabayaran sa lahat ng kamalian ninyong nagawa! galit na galit na saad nito sabay hampas ng kanyang kamay na naging isang mahabang baging, huli na para ako'y maka iwas sapagkat ang mga mata ko ay naka tingin lang kay Aries na ngayon ay wala ng malay, sa tindi ng pag tama ng baging sa aking katawan ay agad akong tumilapon sa isang puno dahilan upang mabali Ito kaya halos umikot ang aking paningin dahil sa pinsala na aking natamo. Naging mabagal ang aking pag kilos upang maka tayo sapagkat ang ulo at likod ko ang siyang napuruhan sa ginawang pag atake ng Laserio. Nakita ko pang umamba ito ng isa pang hagupit kaya kahit masakit ang aking katawan ay agad akong tumalon upang maka iwas dito, laking pasasalamat ko naman ng mailagan ko ang kanyang pag atake sapagkat napaka laking pinsala ang nagawa ng kanyang pag hampas, Kaibigan pakinggan mo ako wala kaming balak na masama sa kagubatang pinapangalagaan mo sadyang ito lang ang rutang aming nilakbay upang mabilis na makarating sa bayan ng Asaria patuloy na pag papaliwanag ko dito umaasang papakinggan nito ang paliwanag ko, Hindi ako naniniwala! Malakas na sigaw nito bago mag bago ng anyo lalo pa itong lumaki at ngayon ang kanyang mga paa ay naging baging na tila galamay ng isang pugita, ang ulo naman nito ay tinubuan ng mga sanga na nag korteng sungay kasabay ng pagtalim ng mga kuko nito. Nakita kong ipinulupot nito si Aries gamit ang isang galamay kung kaya't naging alerto ako lalo sapagkat maari niyang ikamatay ang kanyang kalagayan. Napansin kong nag hahanda ang Laserio ng isa pang pag atake kung kaya't kahit labag sa aking kalooban ay gagamitan ko siya ng aking kapangyarihan, pasensya na kaibigan ngunit kailangan kitang labanan para sa kapakanan ng kasama ko, malamig kong na saad bago mag mag liwanag ang aking katawan.


DIRE'S The Hollow SpiritTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon