---ARIES POV---
Kaiju? Naguguluhan kong tanong kay mesiah sapagkat kanina ko pang naririnig na binabanggit nya ito habang nag lilibot kaming tatlo sa palasyo, ngayon nga ay kasalukuyan kaming nakaupo sa isang malawak na hardin sa likod ng palasyo kung saan madalas mamalagi si mesiah tuwing nag sasanay ito at masasabi kong itong hardin ang isa sa pinaka magandang parte ng palasyo sapagkat napapalibutan ito ng samutsaring bulaklak at malawak na berdeng damuhan na pinapatingkad ng sinag ng araw. Ang kaiju ay mga taga pangalaga o mas madaling sabihin na espiritu na nag tataglay ng pambihirang lakas, talino at kapangyarihan pag sagot naman nito kaya parehas kaming napalingon ni izaac ng banggitin nya ito. Woah meron ka ba nun kasi kung oo ang astig mo para kang super hero namamanghang pag singit ni izaac sa gitna ng aming usapan na tinanguan naman ni mesiah, ang astig pwede bang makita namin pag rerequest pa ni izaac na sinabayan ko din ng pag tango dahil maging ako ay gusto ko ring makita kung ano ba ang sinasabi niyang kaiju dahil kung totoo nga ang sinasabi nya ay tiyak na napaka laki nitong misteryo lalo nat hindi sakop ng aming kaalaman ang mga ganitong bagay, bumuntong hininga naman si mesiah bago tumayo at lumayo ng kaunti saamin na tila bumebwelo sa kanyang gagawin, ngayon sasabihin ko na sainyo na ang kaiju ay isang espiritu o tagapangalaga na nakukuha lamang sa tuwing nag bubukas ang dungeon kung saan sila naninirahan, nakukuha namin ito sa pamamagitan ng pakikipagsapalaran sa loob ng kanilang mundo ngunit sinasabi ko rin sainyo na ang kaiju ay kilala sa pagiging matalino at tuso sapagkat hindi sila basta basta sasama sa isang tao kung wala silang nakikitang potensyal dito at isa pa kung nanaisin nyo naman na magkaroon ng isang kaiju ay napaka delikadong pag lalakbay ang gagawin nyo sapagkat ang mundo ng nga kaiju ay puno ng panganib hindi mo masasabi kung makakabalik ka paba ng buhay, pag papa liwanag nito, isa pa kung sakaling makuha mo ang loob nila at napag pasyahan nilang sumama sayo ay kinakailangan na sumanib sila sa isang bagay na pinahahalagahan mo ng lubos gaya nitong kwintas ko pag dadagdag panito matapos ipakita samin ang kanyang kwintas na may hugis ibon, ngayon ipapakita ko kung anong tunay kong anyo sa tuwing makikipag isa ako sa aking kaiju malumanay na saad nito kaya bahagya kaming napa atras ni izaac ng kaunti dahil mukhang sisimulan na nya ang pag papalit anyo maya maya pa ay may binanggit itong mga kataga kaya biglang nagliwanag ang kanyang kwintas na sinabayan ng malakas na ihip ng hangin at kakaunting pagsayaw ng mga puno at halaman sa paligid.
ruler of right
be my sightHelp me fight
to spread the lightNepthys!
Pag sasalita nito at ilang saglit pa ay kumalat ang buong liwanag sa kanyang katawan, unti unti rin nababalutan ng pulang tela ang kanyang bewang at nanatiling naka hubad ang kanyang matipunong dibdib na ngayon ay nakikitaan na ng ilang itim na marka nag karoon din ng gintong kadena sa kanyang paa at kamay habang ang ulo naman nito ay tinubuon ng dalawang maliit na pulang sungay habang ang kanyang mata ay naging kulay ginto na kasing liwanag ng araw, ilang saglit pa ay tinubuan narin sya ng apat na nag aapoy na pakpak sa kanyang likuran ang kanyang sakong rin ay may maliit na pakpak. Halos hindi kami kumukurap ni izaac saaming nasaksihan sapagkat ibang iba ang anyo na aming nakikita para ba kaming na estatwa sa oras na yun dahil hindi naman kami nakakakita ng mga ganitong bagay.
Ang galingggg! Manghang sigaw ni izaac matapos maka balik sa aming ulirat agad itong lumapit kay mesiah at dahan dahang pinalalanndas ang kanyang mga daliri sa balat nito, ang laki din ng dibdib mo masayang bigkas pa nito matapos pisilpisilin ang dibdib ni mesiah, kumunot naman ang aking noo sapagkat sa dami ng mapapansin kay mesiah gaya ng pakpak ay sa dibdib nya pa talaga nag ka interes si izaac, hindi ko nalang ito pinansin sapagkat kung hindi ko kialala si izaac ay malamang kanina pa akong nag hinala, agad din naman akong nag salita sa pagitan ng kanilang pag kukulitan dahilan para matigil sila sa kanilang ginagawa teka may tanong pala ako mesiah pag basag ko sa kanilang pag kukulitan tumingin naman ito sa akin na naging hudyat para akoy mag salita parehas lang ba kayo na merong kaiju ni jairon? Pag tatanong ko dito, unti unti naman muna itong bumalik sa dati nyang anyo bago ako sagutin, oo parehas lang kami ni jairon na vessel nag kataon lang na mas malakas ang kaiju nya na si Meldova kumpara sa kaiju ko na si Nepthys pag papaliwanag nito, Wait so may pangalan sila? Dagdag naman ni izaac na patuloy parin sa pag pisil ng dibdib ni mesiah, tama ka dyan sa katunayan merong 70 na kaiju dito sa diera namin ngunit halos iilan lang ang kilala ko na vessel gaya namin dagdag na saad pa nito, so ibig sabihin marami pang kaiju na pwedeng kunin? Pag tatanong ko pa na sinagot nya sa pamamagitan ng pag tango. Mag tatanong pa sana ako ngunit isang boses ng kawal ang bigla nalamang sumulpot sa aming harapan kaya agad namin itong nilingon, mahal na Aries pinapatawag po kayo ng mahal na hari kayo din po mahal na Mesiah at Izaac pag sasabi nito ng nakatungo, nailang naman ako sa pag galang nya sapagkat hindi ako sanay at isa pa hindi rin naman magtatagal ang aming pamamalagi dito dahil alam kong malapit ko ng isagawa ang aking plano, maraming salamat pupunta na kami nakangiti kong sagot dito bago ko yayain ang dalawa na mag lakad na.
Ngunit ama hindi ba magiging mapanganib ang ipapagawa nyo saamin lalo nat wala namang kakayahan ang dalawang yan naiinis na turan ni jairon saamin dito sa hapag kainan ng palasyo, at isa pa kung isasama namin sila ay magiging sagabal lang sila sa aming gagawing misyon hindi ako sanay na mag alaga ng mga bata dagdag pa nito matapos akong tingnan kaya naman medyo nainis ako sa paraan ng pag sasalita nya sapagkat para bang napaka laki kong pabigat sakanila, Kaya ka nandyan jairon para protektahan ang magiging asawa mo malumanay na saad naman ng hari kaya parehas kaming napa tingin dito, ah mahal na hari huwag na lang po kaya akong sumama tutal may mga importante din naman po akong gagawin kasama si izaac pag dadahilan ko dito sapagkat mamayang gabi ko isasagawa ang plano naming pag takas ni izaac, tingnan nyo na ama maging sya ay hindi sang ayon sainyong plano preskong saad ni jairon na ikinailing ko napaka bastos naman ng bibig nito, kung yan ang pasya nyo sige pag bibigyan ko kayo subalit nais ko na sana mag kamabutihan kayong dalawa kahit sa pagiging magkaibigan lang muna sa ngayon anak, malumanay na saad ng hari kahit na napipilitan ay tumango nalang ako habang si jairon naman ay di man lang nag bago ang ekspresyon at mababatid mo ang hindi pag sang ayon. Kung ganun maari na kayong umalis at bago ko pa malimutan mesiah anak nais kong sundin nyo ang aking payo sapagkat magiging mapanganib ang inyong pag lalakbay dagdag pa nito kaya marahan namang tumango si mesiah.
Izaac mamaya tayo tatakas mahinang bulong ko dito sa gitna ng aming pag lalakad saan naman tayo pupunta? pag tatanong naman nito, Aalis na tayo sa palasyo dahil kung mamalagi pa tayo ng matagal dito ay tiyak kong liliit ang tyansa na makauwi tayo paliwanag ko naman dito bago kami tumigil sa silid ni mesiah, hindi ba mas maayos na dumito na muna tayo lalo pat hindi natin alam kung saan tayo unang mag sisimula pangangatwiran naman nito bago pumasok sa loob, napaisip naman ako sa sinabi nya at alam kong may katwiran din naman sya dahil sigurado ko na mangangapa na naman kami sa dilim kung sakaling lisanin namin ang palasyo ngunit hindi talaga ako mapalagay sapagkat alam kong lalo lang kaming hindi makakatakas sa lugar na to kung hindi kami mag sisimulang mag hanap ng solusyon. Basta izaac makinig ka nalang pag pipilit ko pa dito.
Sigurado kaba sa desisyon mong ito aries? Pag tatanong sa akin ni izaac sa gitna ng aming pag lalakad ngayong gabi, kasalukuyan kaming papunta sa bulwagan ng palasyo kung saan makikita ang tarangkahan upang makalabas dito, oo naman mag tiwala ka sa akin kumpyansa kong sagot naman dito bago ibaling sa mga kawal ang aking paningin, makinig ka kinakailangan nating makapasok sa karawaheng yun dahil batid kong yun lang ang mag sisilbi nating susi para walang maka pansin saatin na mga kawal. Pag papaliwang ko pa dito bago hawakan ang kayang kamay at dahan dahan kaming humakbang papunta sa karwahe, bawat hakbang ay kaakibat nito ang malakas na pag tibok ng aking puso na tila nakikipag karera sa bilis ng pag tibok nito sapagkat baka mahuli kami at ipaalam ito ng mga kawal sa hari at maging dahilan pa ito upang ikulong kami at pag bawalan na makalabas. Ilang saglit pa ay matagumpay na nakasakay kami ni izaac sa likod ng karwahe ng walang nakakapansin saamin, ngayon izaac mag iintay nalang tayo pabulong kong saad dito ngunit tila hindi ako nito pinapansin dahil sa isang pulbos na kanyang kinakalikot kaya agad ko itong pinuna, izaac anong ginagawa mo naguguluhan kong turan dito, nag pupulbo para iwas pawis inaatok na sagot naman nito, kaya napakunot ang aking noo dahil maging ako ay inaantok sa pulbong kanyang inilagay hindi ko na alam ang sumunod pa na nangyari dahil bigla nalang akong tinakasan ng aking ulirat.
BINABASA MO ANG
DIRE'S The Hollow Spirit
Ciencia Ficciónthis story is all about fiction, fantacy, and magic. if you are interested kindly read this story and I promise you that it will be worth it to read.