---ARIES POV---
Tahimik akong nakatingin sa nag lilingas na apoy. pilit na nilalabanan ang matinding takot na unti unting namumuoo sa aking pusot isipan hindi ko mapigilang mangamba sapagkat hindi ko alam kung nasaan kami at hindi ko alam kung anong mangyayari samin kung sakaling wala kaming mahingan ng tulong. Binabagabag na ako ng aking konsensya sapagkat hindi ito mangyayari kung hindi ako naging mapusok sa pag lapit sa bilog na liwanag na yun. kung maibabalik ko lang sana ang oras malungkot kong bulong. Isang buntong hininga ang aking pinakawalan at tahimik na pinagmasdan si izaac na kasalukuyang mahimbing na natutulog buti pa sya kahit na nasa ganito kaming kalagayan ay tila wala itong iniindang takot at pangamba. Halos maubos nadin ang lingas ng apoy kaya minarapat kong mag tungo sa labas para manguha ng ilan pang panggatong.
Habang prenteng nag lalakad ay nakaramdam ako ng presensya na tila may nakamasid sakin agad naman akong huminto at lumingon lingon para tingnan kung may nag mamasid nga ba ngunit wala naman akong nakitang kakaiba miski isang anino kaya ipinag sa walang bahala ko nalamang. Agad din naman akong bumalik saming tinutuluyan matapos maka panguha ng ilang panggatong. Pag kapasok ko ay bumungad sakin ang mahimbing na natutulog na si izaac agad ko namang nilagyan ng kahoy ang apoy upang hindi ito mamatay at dahan dahang rumatig kay izaac para matulog at bago pa man ako tuluyang makaidlip ay isang nilalang ang nahagip ng aking mga mata ngunit hindi ko na ito napagtuunan pa ng pansin dahil tinalo na ako ng matinding pagkapagod.
Unti unti kong minulat ang aking mata at nag tatakang tumingin sa paligid anong nangyari naguguluhan kong turan kaya dalidali kong ginising si izaac saking tabi. Izaac gumising ka may kakaibang nangyari panggigising ko dito habang marahan itong tinatapik. Pupungay pungay naman itong nagmulat ng kanyang mata at nabakas din dito ang malaking pag tataka. Bakit gumagalaw tayo nalilitong turan nito sabay baling ng tingin sakin. Hindi ko rin alam nag aalala kong saad habang dahan dahang tiningnan ang aming pinag hihigaan. Gayon nalang ang aking pagkagulat ng malamang nakasakay pala kami sa isang higanteng pagong. Agad naman akong nabahala kaya napatayo ako ng wala sa oras dahilan para maramdaman ng pagong na may nakasakay sakanya. Izaac talon sigaw kong utos kay izaac bago nag madaling tumalon pababa. Buti nalang at sumunod sa utos ko si izaac kaya mabilis kaming nakababa sa pagong na kanina lamang ay sinasakyan namin. Holy sh*t ano yan! Natatarantang tanong naman ni izaac sabay turo sa higanteng pagong. Dahil sa inusal nito ay dahan dahang humarap samin ang higanteng pagong na naging dahilan upang mangatog kami sa takot. Hindi kami makagalaw ng magawi ang tingin nito samin at halos lumabas na ang puso ko sa lakas ng pag tibok nito. Maya maya pa ay bigla nalamang itong nagsalita na labis naman naming ikinagulat. Kamusta mga manlalakbay malumanay na bigkas nito saamin. Anong dahilan ng pag punta nyo dito? Dag dag pa nito kaya nag katinginan kami ni izaac. Hindi kami maka paniwala dahil ngayon lang kami nakakita ng isang nag sasalitang hayop. Nanginginig man ay sinubukan kong sagutin ang katanungan nya. Hindi rin namin alam kung bakit kami naririto. Pag bungad na saad ko sakanya. Hindi namin alam kung nasaan kami at kung anong lugar ito dagdag ko pa habang pilit na nilalabanan ang matinding takot. Walang dapat ipangamba mga munting manlalakbay sapagkat wala akong hangad na saktan kayo. Sagot naman nito na nag paluwag saking dibdib. Kung gayon maari ko bang itanong kung papaano kami napunta sa ibabaw mo? Naguguluhan ko namang tanong habang pinag mamasdan ito. Nakakamangha ang nilalang na nasa harap ko ngayon sapagkat isa syang napakalaking pagong at ang itaas ng shell nito ay may maliit na puno na napapaligiran ng magagandang bulaklak at naka pulupot na mga sanga at ugat. Wag kang mag alala sapagkat ngayon ko lang napag alaman na natutulog pala kayo sa ibabaw ko sagot naman nito. Marahil nakatulog kayo sa lupang pinag taguan ko at dahil sa labis na pagkakahimbing ay hindi nyo napansin na lumabas ako mula sa pagkaka pailalim sa lupa. Saad naman nito na ikina tango ko. Napaka magical mo naman ang astig astig mo anong species ka ng pagong? masiyang banggit naman ni izaac habang nililibot ang kabuuang katawan ng pagong. Anong pangalan mo? Dagdag pa nito na ikinagulat ko naman dahil parang wala syang takot na nararamdaman. Ang pangalan ko ay Uvila isa akong nilalang kung tawagin ay aspean kamiy mga nilalang ng lupa na nag hahatid sa mga manlalakbay patungo sa kaharian ng Eowyn (yowin) sagot naman nito. Ang galing naman madami ba kayo?! namamanghang sigaw ni izaac na may pag talon pa. Teka lang anong sinasabi mong kaharian ng Eowyn? naguguluhan kong sambit. Papaanong magkakaron ng kaharian dito dahil nasa gitna kami ng kagubatan at sa panahon ngayon ay uso paba ito. Kung inyong gugustuhin ay ihahatid ko kayo kung saan nakatayo ang matayog na kastilyo ng Eowyn suhestiyon naman nito. Tatanggi pa sana ako sa alok nya dahil meron parin akong agam agam ngunit agad namang sumanayon si izaac dahilan para hindi na ako makapagreklamo pa sige sige sasama kami sayo! parang batang saad nito. Kung gayon ay sumakay na kayo sa akin upang masimulan na natin ang pag lalakbay masayang turan nito matapos kaming anyayahang sumakay sa ibabaw nya.
BINABASA MO ANG
DIRE'S The Hollow Spirit
Science Fictionthis story is all about fiction, fantacy, and magic. if you are interested kindly read this story and I promise you that it will be worth it to read.