IKAWALONG TAGPO

39 5 0
                                    

---IZAAC POV---

Kanina pa akong nag hihintay kay aries dahil ang usapan namin ay mag kikita kami dito sa  bungad ng tinutuluyan namin kagabi nung una inakala ko na mas mauuna pa sya sa akin dahil halos natagalan din ako sa pang liligaw sa mga taong humahabol saamin. Bago ang lahat mag papakilala muna ako, ako nga pala si Izaac 19 years old ang pinaka gwapong lalaki sa buong mundo, hindi naman sa pag mamalaki pero yun kasi ang totoo, may taas akong 5'10 at kayumangging mga balat at pamatay na abs at biceps na talaga namang ipinag mamalaki ko, at sa totoo lang naguguluhan din ako kung saang lupalop ba kami ng pilipinas napadpad. Habang nasa ganun akong pag iisip ay isang matanda naman ang bigla nalang lumapit sa akin dahilan upang kilabutan ako mawalang galang na ginoo ngunit maari mo ba akong tulungan? Pag tatanong nito kaya naman napabaling ang aking tingin dito, base sa itsura nito ay masasabi mong may katandaan na talaga sya mula sa kulubot na katawan at mga lubog na mata ay kikilabutan ang sino mang makaka kita sakanya ngunit binale wala ko nalang ang lahat ng yun dahil walang inuurungan ang isang gwapong tulad ko, anong klaseng tulong po ba ang gusto nyo lolo? Magalang kong saad dahil mukhang isang machong kagaya ko lang ang makakatulong sakanya hmp gumagana na naman ang pagiging mahangin ko. Hindi ko kasi mabuksan ang pinto ng aking karawahe kaya hihingi sana ako ng konting lakas mo para mabuksan ang pinto hinihingal na saad naman nito. At dahil likas sa mga gwapong kagaya ko ang pagiging matulungin ay agad akong pumayag dahil wala ng lakas ang gaya nyang matanda na. Wag po kayong mag alala ako na po ang bahala nakangiti kong sagot habang naka taas ang nuo dahil feeling ko isa akong super hero na handang tumulong sa lahat ng nangangailangan.

Saan po ba ang daan? dag dag ko pa. Sumunod ka sa akin iho masayang bigkas nito bago ito tumalikod kaya naman sinabayan ko na ito sa paglalakad. Ilang minuto pa ay nakarating kami sa medyo madilim na parte ng syudad dahil walang masyadong tao at medyo may kadiliman ang lugar, Ito iho ang aking karawahe sabay turo ng matanda sa isang bahay na may apat na gulong at dalawang kabayo sa unahan. Ako na po ang bahala mayabang kong saad bago pumwesto para itulak ang pinto ngunit pag pihit ko palang ay bigla nalang itong bumukas kaya naman napangiti ako dahil ganun na ba ako ka lakas tsk tsk tsk mukhang nag bunga na talaga ang pag babad ko sa gym nasisisyahan kong bulong sa isip. Ngunit ang ngiti saaking labi ay bigla nalang napalitan ng pag ka bigla dahil bumungad sa aking harapan ang ilang kalalakihan na ngayon ay nakagapos at tanging pang ibaba lamang ang suot anong trip ng mga to? Kunot noo kong saad. Isa ka na sa aking mga koleksyon tinig ng isang boses saaking likuran kaya naman humarap ako dito ngunit unti unting nanlalabo ang aking paningin dahil sa alikabok na ibinuga nito dahilan para mawalan ako ng lakas, at bago pa man ako mawalan ng malay ay narinig ko pa ang sinabi nitong, mukhang malaki ang kikitain ko sayo sabay lapat ng kanyang kamay sa aking pisngi at duon tuluyan na akong naka tulog.

---ARIES POV----

Bigla nalang akong napatigil sa pag takbo dahil muntik na akong makita ng ilang kawal ng eowyn at kung nag kataong tuloy tuloy ang aking pag takbo ay malamang na corner na nila ako. Andun sya! rinig ko pang sigaw sa aking likuran ng isang kawal kaya naman wala na akong sinayang na oras at agad pumasok sa isang tindahan pag pasok ko sa loob ay nag pahinga lang ako ng saglit dahil halos takasan na ako ng aking kaluluwa dahil sa matinding pag ka hapo. Anong makipag lilingkod ko sayo ginoo? Bigkas ng isang lalaki saaking likuran kaya taka akong tumingin dito may nais po ba kayong bilhin? Pag uulit pa nito kaya naman napatingin ako sa kanyang mga tinda at nakitang puro boteng may laman ng ibat ibang kulay ng tubig. Pabili po ng royal sagot ko dito sabay turo sa isang bote na may kulay orange na tubig, nag tatakang tumingin naman sa akin ang tindero ngunit kalaunan ay inabot rin naman, salamat po sagot ko dito bago iabot ang bayad at laklakin ang royal, napa pikit naman ako dahil kakaiba ang lasa nito ngunit hinayaan ko nalang dahil uhaw na uhaw na talaga ako ilang saglit pa ay tumayo na din ako para umalis sa aking inuupuan at bumalik na sa aking tinutuluyan bago pa man ako makalabas ay tila naging bato naman sa kinatatayuan nya ang lalaking tindero kaya naman napalingon ako dito ng may pag tataka, napaka ganda mo bigkas nito kaya naman agad din akong tumalikod para mag tuloy tuloy na sa pag lalakad ang weird naman ng isang yun naguguluhan kong turan. Mabuti nalang ata wala akong nakasalubong na kawal kaya payapa akong nakaka pag lakad ilang oras na din akong nag lalakad at talagang nayayamot na ako dahil mukhang naligaw pa ata ako dahil napunta ako sa isang liblib na lugar at tanging huni lamang ng mga sirang pinto at bintana ang aking naririnig nakaka kilabot kung tutuusin dahil tila abandunado na ang buong lugar na ito ngunit nawala naman ang aking pangamba ng may makitang karawahe sa di kalayuan kaya naman napag pasyahan kong lumapit dito para mag tanong ng direksyon. Kakatok na sana ako sa pinto ngunit may bigla nalang na may kamay ang tumakip saaking bibig dahilan para mataranta ako at mag pumiglas, wag kang maingay bulong ng isang malamig na boses ang nakapag patigil sa akin, kaya naman dahan dahan akong tumahimik dahilan para bitawan ako nito. Gayon nalang ang pag kunot ng aking noo ng masilayan ko ang taong walang habas na pumigil sa akin hindi ko naman mapigilang mainis dahil sa dami ng lalaking makikita ko ay ang gagong isang to pa talaga, ikaw na naman! medyo inis kong sabi dito kaya naman bigla nalang kumunot ang noo nito na para bang walang alam sa nangyayari, pasyensya na binibini ngunit ngayon palang ata tayo nag kita saad naman nito kaya mas lalong umasim ang mukha ko dahil ganun na ba sya ka tanda para malimutan agad ang pang babastos na ginawa nya sa akin kagabi at anong binibini ang pinag sasabi ng isang to hindi ba nya nakikita ang katawan at baby hair sa labi ko sasagot pa sana ako ngunit mabilis nya akong hinila dahilan para mapatago kami sa isang poste, medyo nailang naman ako dahil naka dikit ang pisngi ko sa parteng dibdib nya kaya agad ko syang naitulak ng bahagya at sumilip sa taong tinitingnan nya, ano ba kasi ang tinitingnan mo at parang pulis ka kung makapag tago naiinis kong tanong sa gagong to, ngunit imbis na sagutin ang aking tanong ay ipinag patuloy lang nito ang pag mamatyag kaya wala na akong nagawa kundi ang pag masadan din ang ginagawa ng isang matanda sa kanyang karawahe wala naman akong nakikitang masama dahil mukhang hindi naman ito kahina hinala, ilang saglit pa ay naiwan nitong bukas ang pintuan at ganun nalang ang aking pag ka gulat dahil kitang kita ko ang katawan ng ilang kalalakihan na nakagapos at tanging brief nalang ang mga suot  what the hell bakit may mga ganyan!, ngunit ang mas pumukaw  sa aking pansin ay si Izaac na ngayon ay walang malay na nakabitin habang walang saplot sa katawan kundi ang kanyang brief. Agad naman akong bumaling ng tingin dito sa kasama ko at batid kong seryoso sya sa pag sisiyasat. Kaibigan ko yung nasa gitna ano ba talaga ang nang yayari? naguguluhan kong tanong sa kanya kaya naman kahit medyo naiinis ay napilitan naman itong ikinuwento sa akin ang tunay na nangyayari, ang matandang nakita mo kanina ay walang iba kundi si Arman isa syang negosyanteng bumibihag ng magagandang lalaki upang gawing parausan ng mga tagong bakla. Paliwanag naman nito kaya napa takip ako ng aking bibig, teka lang kaibigan ko yung isa sakanila pakiusap tulungan mo sya medyo naiiyak kong pakiusap dahil hindi ko mapapatawad ang aking sarili kung may masamang mangyari kay izaac, huwag kang mag alala misyon ko na hulihin si arman dahil isa syang malaking kahihiyan sa kaharian at mamayan ng eowyn sagot naman nito kaya nakahinga ako ng maluwag dahil mukhang tutulungan nya ako. Gusto kong tumulong dagdag ko pa ngunit tiningnan lang ako nito sabay sabing hindi ko hahayaan na humarap ang isang babaeng gaya mo sa ganito kahirap na sitwasyon kaya naman napakunot ang aking noo dahil kelan pa ako naging babae, anong pinag sasabi sinong babae!? Naguguluhan kong tanong sa kanya ngunit imbis na sagutin ay dahan dahan itong lumakad patungo sa pinto ng karawahe wala naman akong magawa kundi ang manuod nalang sa mga hakbang na gagawin nya dahil mukhang sanay naman sya sa pakikipag bakbakan mayamaya pa ay napatingin ako sa isang bintana at kunot nuong lumapit dito teka? tama ba ang itong nakikita ko ilang Pag kurap din ang aking ginawa dahil hindi ako makapaniwala saaking repleksyon papaanong nag mukha akong babae naguguluhan kong tanong dahil wala akong ginagawa na kahit ano, p*ta anong nangyari sa mukha ko, natataranta kong saad sabay hawak sa dibdib at napapikit nalang dahil yun pala ang dahilan kung bakit ang bigat bigat ng pakiramdam ko kanina habang nag lalakad, teka hindi pwedeng mangyari to dapat bumalik ako sa dati natataranta kong saad habang umiikot wait may nakain ba akong bawal kaya ako nag kaganito! naguguluhan kong saad habang pilit na inaala kung meron ba talaga tsk, teka yung royal! ganun nalang ang aking pang lulumo dahil sa katangahang nagawa ko. naputol lang ang aking pag momoment  ng bigla nalang na may sumabog sa kung saan kaya naman agad akong napatago sa poste dahil baka mayamaya may giyera na pala at madamay pa ako dahan dahan naman akong sumilip mula sa posteng aking pinag tataguan at duon nasaksihan ko kung paano mag laban yung gungong na lalaki at yung matandang Arman alam kong hindi ito ang oras para mamangha ngunit hindi ko mapigilan dahil para silang mga nag sasayaw sa hangin dahil sa paraan ng kanilang pag galaw.

DIRE'S The Hollow SpiritTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon