IKA LABING ANIM NA TAGPO

40 4 0
                                    

Sa madilim na kagubatan, ang malamig na hangin ay tila nagbabanta ng isang lihim na panganib. Tumitindi ang kaba sa dibdib ni Messiah habang patuloy siyang naglalakad ang bawat kaluskos, at bawat anino, ay nagbibigay sa kanya ng pag-asa at takot. Nasaan ka na, Izaac? bulong nito sa sarili at mababakas ang pag aalala sa kanyang mukha, sa kanyang pag hahanap ay hindi naka tulong ang matatayog na puno na nag mistulang mga pader na humahadlang sa kanyang pag-usad. Ngunit hindi siya tumigil sapagkat alam niyang kailangang makita niya si Izaac anuman ang mangyari.

Ilang oras na siyang paikot-ikot sa kagubatan at halos nawawala na ang kanyang pag-asa na makita pa si Izaac nang may bigla itong narinig na pamilyar na boses kung kaya't hindi na nag sayang pa ng panahon si messiah at dali-dali niyang pinuntahan ang pinanggalingan ng boses.  Sa kanyang pagdating sa gitna ng isang maliit na sapa sa gitna ng kagubatan, nakita niya si Izaac na agad ikinaluwag ng kanyang dibdib, Izaac! Masayang wika nito ngunit ang kanyang kasiyahan ay nabalutan ng pag tataka sapagkat may kakaiba sa ikinikilos ni Izaac, hindi manlang ito tumugon sa kanyang pag tawag at nanatili lang itong naka tayo, idagdag pa na ang mga mata nito ay tila walang buhay at ang katawan naman ay parang isang manika na sunod-sunuran sa isang hindi nakikitang kapangyarihan. Izaac ayos ka lang ba? Mahinang  saad nito at dahan dahang nilalapitan ang kaibigan ngunit bago pa man siya makalapit ay isang malakas na hangin ang humarang sa kanya kung saan itinaas siya at itinapon palayo sa kinaroroonan ni Isaac, agad tumama ang likod ni messiah sa nag kalakihang mga bato dahilan upang magalusan ang ilang parte ng kanyang katawan Agghhh ang sakit nahihirapang saad pa nito at pilit nilalabanan ang sakit na nadarama bago dahan dahang tumayo mula sa sa pag kaka lugmok. Sa kanyang pag tayo ay sya namang pag litaw ng isang nilalang na nababalutan ng mga ugat at dahon ang katawan kasabay ng mahinang pag hampas ng hangin sa paligid nito. isang Kaiju! gulat saad ni messiah bago balingan ng tingin si Izaac na ngayon ay wala parin sa kanyang sarili.

Hindi makapaniwala si Messiah sapagkat ang mga Kaiju ay mga nilalang na kilala bilang maiilap at tuso idagdag pa na sa mga dungeon lang ito makikita kung kaya't nakakapag taka na ang isang kaiju ay pagala gala lamang sa isang kagubatan, labis din ang pag ka bahala ni messiah sapagkat alam niyang wala siyang kapangyarihan upang labanan ito, ngunit hindi niya naman maaaring iwan si Izaac basta nalamang sapagkat maaring may masamang mangyari dito. Hindi ko hahayaang mangyari ito bulong ni messiah sa kanyang sarili habang umiisip ng paraan kung papaano ililigtas si Izaac. Muling sinubukan ni Messiah na lapitan ang Kaiju ngunit isang malakas na hampas ng hangin ang muling nagpabagsak sa kanya kung kaya't mas naging alerto siya sa kanyang mga susunod na hakbang, sa kanyang pagiisip ay bigla nalang nawala ang Kaiju sa kanyang harapan na parang isang usok na tinangay ng hangin, Naiwan naman si Izaac na nakalugmok sa lupa kung kaya't dali-daling lumapit si messiah upang yakapin ang kaibigan. Izaac, gising! Naririnig mo ba ako? tanong ni Messiah ngunit walang tugon mula sa kaibigan. Ang kanyang mukha ay puno ng pag-aalala habang sinusuri ang kondisyon ni Izaac.

Habang tinitingnan ni Messiah ang paligid, nagtataka siya kung bakit mayroong Kaiju sa kagubatan na iyon. Sa kanyang kaisipan, nagsimula siyang magtanong kung ano ang tunay na layunin ng Kaiju at kung ano ang ibig sabihin ng biglaang paglaho nito. Ngunit sa ngayon, ang mahalaga ay ang kalagayan ni Izaac kahit patuloy ang pagdaloy ng mga katanungan sa isip ni Messiah ay minarapat na lamang nya na buhatin si Izaac palabas ng kagubatan. Isang kabanata ng kanilang buhay ang nagsimula, puno ng misteryo at panganib, at alam niyang marami pang pagsubok ang darating.


••••••••••••JAYRON POV••••••••••••

Kasalukuyan akong naka upo sa harap ng isang nag lilingas na apoy dito sa aming ginawang tulugan kanina, si engot  naman ay kanina pang palakad lakad sa aking tabi na wari mo'y hindi mapakaling ina na nawalan ng anak. Tumigil ka nga dyan sa pag lakad lakad mo, ako ang nahihilo sa mga pinag gaga gawa mo eh! Naiinis kong saad sapagkat kanina pa syang ganyan noong maka balik kami, hindi kasi ako mapalagay dahilan nito, kasalukuyan paring nawawala si Izaac at si messiah naman ay di parin bumabalik dagdag pa nito na ikinaikot nalang ng mga mata ko, pwede ba wag kang praning kilala ko si messiah kaya't natitiyak kong nahanap na nya si Izaac sa oras na ito sagot ko naman dito bago ibalik ang tingin sa nag lilingas na apoy, hindi naman nakinig sa akin ang engot na to kaya hinayaan ko nalang sya sa ginagawa nya, ilang minuto din kami sa ganung posisyon ng bigla nalang namin natanaw si messiah sa di kalayuan na karga karga na parang bagong kasal ang walang malay na si Izaac, anong nangyari! Izaac! Nag aalalang sigaw naman ni Aries bago takbuhin ang pagitan nila ni messiah agad  naman akong  sumunod sapagkat maging ako ay nabahala sa kanilang anyo, anong nagyari sa inyo ni Izaac? Tanong ko ng makalapit sa kanilang pwesto, mahabang kwento tila pagod na sagot nito kung kaya't hindi na ako nag tanong pa, agad din naman kaming pumunta sa aming tulugan at duon nga inihiga ni messiah si Izaac upang makapag pahinga ito.

Ano ba talagang nangyari sa inyong dalawa at bakit walang malay si Izaac? Pag basag ni  Aries sa katahimikan pag katapos namin maka upong tatlo sa harap ng apoy. Hindi ko din alam ang mga nangyari ngunit nakita ko nalang si izaac malapit sa sapa na kinokontrol ng isang Kaiju panimulang kwento ni messiah kung kaya't agad nitong nakuha ang aking atensyon, teka tama ba ako ng pag nakarinig isang Kaiju? Naguguluhan kong saad sapagkat napaka imposibleng makakita nalang basta ng isang kaiju. Tama ka sa iyong narinig Jayron isang kaiju ang aking nakita, ang nakakapag taka lang ay bakit ito nandoon at bakit nito kinontrol si Izaac, Oo May kakayahan silang gawin yun ngunit masyado silang mailap upang basta nalang mag pakita sa isang tao, dagdag pa nito at halatang maging siya ay nalilito na rin, teka kung tama ako sa naalala ko parehas kayong may Kaiju ni Jayron diba pag singit naman ni Aries dahilan para kumunot ang aking noo tsk hindi pa ba halata! Pambabara ko naman sakanya sa aking isipan, kung Kaiju nga ang nakita mo hindi mo man lang ba ito hinuli  dahil panigurado madadagdagan ang kapangyarihan mo masayang saad nito kaya naman maging ako ay napatingin narin kay Messiah, nahuli mo nga ba ang kaiju? Pag tatanong ko dito na sinagot naman nya sa pamamagitan ng pag iling, bigla nalang itong nag laho na parang bula nung sinubukan ko itong lapitan kaya maging ako ay wala ding ideya kung saan ito pumunta pag papaliwanag naman nito, ganun ba sayang naman pala kung ganun pero kahit na ganun ang mahalaga ay nakita na natin si Izaac, wala na akong hihilingin pa pag sagot naman ni Aries sabay tayo at nag unat ng kanyang katawan matutulog na ako kayo bang dalawa? Dagdag pa nito na inilingan lang namin kaya agad itong nag tungo papunta sa silid tulugan.

Matapos maka alis ni Aries ay agad naman nag salita ang katabi ko kaya nabaling dito ang aking atensyon, Matanong naman kita Jayron, kanina nung bitbit ko si Izaac pauwi ay naramdaman ko ang kapangyarihan mo may sabihin mo nga sa'kin may nangyari din ba sa pagitan nyo ni Aries? Pag tatanong nito kaya naman wala na akong nagawa pa kundi ang isalaysay sakanya ang lahat ng nangyari.....

GUYS BILIS, WAG NANG BABAGAL BAGAL PARA NAMAN KAYONG MGA PAGOD! masiglang saad ni Izaac sa gitna ng aming pag lalakad tsk kung alam mo lang inaantok kong bulong sapagkat masyado akong napagod dahil sa mga pangyayari kagabi, nagawi naman ang aking paningin kay messiah na ngayon ay walang humpay ay pag ngiti habang naka titig kay Izaac, isa pa to parang walang kapaguran tsk ano bang meron sa mga tao ngayon, naguguluhan kong pag iisip sabay hikab, kanina pa kaming nag lalakad at sa tingin ko ay ilang sandali nalang ay mararating narin namin ang bayan ng Asaria, Hintayin mo kami Izaac! Pag sigaw naman ni engot sapagkat nag mamadaling tumakbo si Izaac palayo sa amin, baka kung saan ka na naman mapunta! Dagdag pa nito bago habulin ang tumatakbong si izaac, mag sasalita pa sana ako sapagkat para silang mga bata ngunit hindi ko na ito naituloy dahil maging si Messiah ay sumabay narin sa pag takbo kaya naman wala na din akong nagawa kundi ang sumabay narin sa kanila

WOW ANG GANDA ARIES TINGNAN MO! manghang sigaw ni Izaac habang naka tayo sa isang mataas na bangin kung saan may isang mahabang tulay ang nag dudugtong papunta sa kabilang bangin kung saan naka tayo ang maunlad na bayan ng Asaria agad naman akong napangiti sapagkat sa wakas ay naka rating na din kami sa aming pupuntahan. Maligayang pag dating sa bayan na Asaria masayang bigkas ni messiah sabay akbay kay Izaac na ngayon ay tila mangha parin sa kanyang nakikita, nakaramdam naman ako na parang may tumititig sa akin kaya naman agad akong napa lingon sa aking tabi, napa iwas naman si engot ng kanyang  tingin ng mahuli ko ito sa akto, tsk problema nito naiinis kong saad sa aking isipan bago ibaling ang aking mata sa matayog na pader ng Asaria, TARA NA GUYS BILIS! masayang saad ni Izaac kaya naman wala na kaming nagawa kundi ang mag patuloy na sa pag lalakad.


DIRE'S The Hollow SpiritTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon