Anong ginagawa nyo dito! Sigaw ng isang galit na boses na gumising sa aking diwa dahilan upang mapa balikwas ako ng bangon mula sa aking pag kaka tulog, Anong katangahan ang pumasok sa isip nyo at nagawa nyo pang pumuslit para lang makasama sa amin! Dagdag pa nito kaya dahan dahan kong kinusot ang aking mata upang makita ng malinaw ang nag mamay ari ng boses, agad naman akong napatayo mula sa pag kaka upo dahil bumungad sa akin ang galit na mukha ni jayron at ang nag tatakang mga tingin ni mesiah, hindi paman lubusang rumirehistro sa aking isipan ang lahat ng kaganapan ng muli itong mag salita, hoy kinakausap kita! Anong katangahan na naman ba ang pinag gagawa nyo ng kaibigan mo! Inis na inis na turan nito
Tila tinanggalan ako ng kakayahang mag salita sapagkat maging ako ay hindi makasagot ng maayos dahil katulad nilang dalawa ay naguguluhan din ako kung papaano nila kami nakita, pilitin ko mang buksan ang aking bibig ngunit walang boses na lumalabas dito sapagkat hindi ko mahagilap ang tamang salita upang ipaliwanag kung bakit nga ba kami naririto.
Ang mabuti pa kumalma ka muna Jairon dahil batid kong may maganda silang paliwanag kung bakit sila naririto pag putol ni messiah sa gitna ng pag sasalita ni Jayron bago ako tingnan ng may ngiti sa labi, nababaliw kana ba hindi mo ba naisip na magiging pabigat lang saatin ang dalawang yan! ni hindi pa nga nag sisismula ang ating misyon ay problema na agad ang dala nila sa atin galit nitong turan at mababatid ang pagka inis sa mga binibitawang salita. Ako na ang bahalang umalam sa mga nangyayari ang mabuti pa ay ikaw na muna ang kumausap sa taga pamahala ng panuluyan upang mag karoon tayo ng silid na matutuluyan na kakasya para sa atin, pag papakalma pa nito bago tapikin sa balikat si jayron. Galit man ay wala narin itong nagawa kundi ang mag lakad palayo kaya naman nag karoon kami ng sapat na oras upang mag kausap ni mesiah, Ano palang ginagawa nyo sa likod ng karwahe? panimulang pag tatanong nito bago umupo saaking tabi, Ano kasi, balak sana naming umalis ng palasyo para.......para..... Hindi ko na naituloy ang susunod kong sasabihin sapagkat naantala kami ng bahagyang pag uga ng isang bagay na balot na balot ng tela agad namang nahuli ng aking mata ang pag silay ng isang maliit na ngiti sa labi ni mesiah ng dahang dahang bumangon ang isang pigura ng lalaki mula sa pag kaka tulog nito, magandang umaga inaantok na pagbati samin ni izaac.
Dalawang silid lang ang natitirang bakante sabi ng may ari ng panuluyan, malamig na usal ni jairon sa gitna ng aming pag hihintay dito sa loob ng panuluyan kasalukuyan kaming apat na nag aantay ng taong mag hahatid sa aming silid, Mainam mas nararapat na kami ni izaac ang bahalang umukupa sa isang silid at kayo namang dalawa ni mesiah ang mag kasama, natutuwa kong suhestiyon dahil mukhang wala namang problema sa aking iminungkahing ideya. Hindi ba mas magandang kayo ni jayron ang mag kasama sa silid upang mag kaayos naman kayong dalawa idagdag pa na ikakasal din naman kayo? Pag sabat naman ni mesiah dahilan para tumaas ang isa kong kilay, Hindi pwede! Mag kasabay na bigkas namin ni jairon dahilan para kumunot ang noo ni mesiah. Nahihibang kana ba mas gugustuhin ko pang matulog dito sa labas kesa sa makasama ko ang lalaking yan pwe! Tila diring diring turan nito dahilan upang kumulo ang aking dugo Hindi rin ako makakatagal sa isang silid kung ikaw rin lang naman ang aking makakasama at tyaka mas maayos na mag kasama kami ni izaac sa iisang silid sapagkat mas kilala namin ang isat isa naiinis kong pahayag Mabuti sapagakat baka pag nasaan mo pa ako kung tatabi ka! dagdag pa nito sasagot pa sana ako ngunit dumating na ang empleyado ng panuluyan dala dala ang mga susi na agad namang kinuha ni mesiah, Hoy teka akin na yung amin ni izaac pag agaw ko ng susi kay mesiah na pilit naman nitong inilalayo, pasyensya ngunit kami na ni izaac ang mag sasama sa iisang silid masyang bigkas nito at agad hinila si izaac palayo dahilan para maiwan kaming dalawa ng kolokoy na to, wala narin naman kaming nagawa kundi ang mag sama sa iisang silid dahil mukhang wala na talagang bakante pang kwarto. Subukan mo lang gumawa ng hindi kanaisnais hindi ako mag dadalawang isip na ihagis ka palabas ng pintuan, mayabang na usal ni jayron matapos namin makapasok sa loob, hindi ko na naman ito binigyan pa ng pansin dahil mag sasayang lang ako ng aking laway kung papatulan ko ang pag ka kitid ng utak nya, napaka yabang nakakainis mahinang bulong ko bago tahakin ang daan papasok ng banyo upang makaligo at mabawasan ang inis na aking nararamdaman.
BINABASA MO ANG
DIRE'S The Hollow Spirit
Science Fictionthis story is all about fiction, fantacy, and magic. if you are interested kindly read this story and I promise you that it will be worth it to read.