Lulan ng karwahe mahigit limang oras na din kaming nag lalakbay patungo sa bayan ng Asara kung saan kami pansamantalang tutuloy, sabi sa akin ni Messiah ang Asara daw ay isang bayan na kilala sa pagiging maunlad nito ito raw ang nagsisilbing sentro ng kalakalan ng bawat nayon at bansa dito sa kaharian ng Eowyn, matagal pa ba tayo? Bagot na tanong ni izaac sa gitna ng aming pag lalakbay, matatagalan pa tayo izaac dahil may kalayuan ang bayan ng Asara konting tiis nalang makaka rating din tayo doon nakangiting paliwanag ni messiah bago ito bumaling ng tingin sa akin nagugutom na ako ungot pa nito kaya naman inihagis ko ang dala kong bag na nag lalaman ng tinapay patungo sa pwesto nilang dalawa, may tinapay dyan izaac kung nagugutom ka ay kainin mo nalang yan mainam ding pamatid gutom pag singit ko sa kanilang usapan bago ibalik ang aking paningin sa labas, tila isang panaginip parin ang pinag daanan naming lahat sa kamay ng mga bandido hindi ko lubos akalain na mararanasan ko ang mga bagay na yun sapagkat napakaraming buhay ang nawala at nasayang, tuwing naalala ko ang bawat sandali ay talagang tumatayo ang balahibo ko dahil sa takot.
Ginugol namin ang aming oras sa walang katapusang pag mamasid sa labas sapagkat wala kaming pwedeng ibang gawin dito sa loob kundi ang matulog o di kaya'y mag muni muni, halos inabot kami ng isa pang oras hanggang sa mapansin ko na pumasok ang karwaheng sinasakyan namin sa isang liblib na kagubatan kaya naman lahat kami ay napatingin kay Jayron na syang nag papatakbo ng karwahe, bakit tayo nandito? Pag tatanong ko dahil nasa gitna kami ngayon ng masukal na kagubatan at wala na akong makitang kalsada sa paligid. Bumaba na kayo dyan at simulan nyo nang mag balot ng inyong kagamitan malamig na utos nito kaya naman napa kunot ang noo ko sabay baling ng tingin kay messiah na ngayon ay nag sisimula nang mag balot ng kanyang mga gamit. Bakit tayo baba? Pag tatanong ko kay messiah ngunit ang sumagot naman sa katanungan ko ay si Jayron Malamang mag lalakad tayo hindi pa ba halata tila naiinis nitong pag sagot, hindi mo ba napansin na walang kalsada sa paligid sa tingin mo saan dadaan ang karwahe sinasakyan natin mag isip ka nga, preskong dagdag pa nito kaya lalong kumunot ang noo ko, nag tatanong lang naman bulong ko sa aking sarili bago simulan ang aking pag babalot. Kahit kailan talaga napaka init ng dugo ng isang to sa akin para ba namang sobrang laki ng kasalanan ko sa kanya eh wala naman akong ginagawa, kung nagagalit sya dahil sa walang kwentang kasalanan na magaganap edi sa amang hari nya sya magalit total naman ito ang nag baba ng utos sa aming dalawa hindi naman ako, dagdag ko pa bago tingnan kung may nalilimutan pa ba akong gamit. Handa na ba kayo? Pag tatanong ni messiah sa gitna ng aming pag aayos, opo miss Korina sagot naman ni Izaac kaya naman napatawa ako sa inusal nya habang si Messiah naman ay naguguluhan sa inusal nito. Tara na ano pa bang hinihintay nyo, mas mainam na simulan na natin ang ating pag lalakbay ng sa gayon ay hindi na tayo abutin pa ng dilim sigaw ni jayron kaya naman lahat kami ay napatingin dito, ngunit paano itong mga kabayo hindi naman ata tamang basta basta nalang natin silang iwanan pag tatanong ko dito dahil ang sama naman namin kung iiwan nalang namin ang mga kabayo ng basta basta, wag kang mag alala Aries ang mga kabayo ng Eowyn ay likas na matatalino tiyak kong alam nila ang daan pabalik ng palasyo kaya huwag mo ng isipin kung paano sila makaka balik, pag papaliwanag naman sa akin ni messiah na sinamahan nya ng isang mahinang pag tapik sa aking balikat, at isa pa ma'y engkantasyong ininasbas si Jairon sa kanila kaya sigurado akong walang sinuman ang makaka galaw sa kanila dagdag pa nito bago balingan si Izaac na ngayon ay tila handang handa na sa pag lalakbay, let's go mag hiking na tayooo! Masayang saad pa nito kaya naman sinimulan na naming sundan si jayron na ngayon ay malayo na sa amin, tsk talagang di man lang kami inintay naiiling kong saad bago mag simulang mag lakadPagod na ako sabay naming untag ni Izaac dahil halos dalawang oras na kaming nag lalakad idagdag pa na ilang matatarik na bangin ang aming dinaanan at inakyat para lang makarating sa kung saang lupalop man kami ngayon, alam kong malakas ako at macho pero napapagod din ang gwapong katulad ko hinihingal na saad ni Izaac bago tuluyang humiga sa lupa, nakangiti naman itong pinag masdan ni messiah bago kumuha ng isang dahon para ipaypat dito, pwede ba tayong mag pahinga dito? Medyo madilim narin baka mapahamak pa tayo kung ipag papatuloy pa natin ang ating pag lalakbay suhestiyon ko kay Jayron na ngayon ay nakatingin sa amin suot ang paborito nitong ekspresyon, naka SIMANGOT, mabuti pa ngang dito na muna tayo mag pahinga Jayron dahil tama si Aries magiging delikado ang ating pag lalakbay kung ipag papatuloy pa natin ito tyaka natitiyak ko na naman na pagod ka na rin dahil halos di ka man lang nag pahinga simula nung umalis tayo sa panuluyan pag sang ayon sa amin ni messiah bago ipag patuloy ang pag paypay kay Izaac na ngayon ay Naka pikit na ang mga mata. Tsk sige dito na tayo mag pahinga ngunit kinakailangan nating gumising ng maaga kinabukasan para maka rating tayo agad sa Asara dahil nais ko lang ipa alala sa inyo na kulang na tayo sa oras pag sang ayon nito bago ilapag ang kanyang mga dalang gamit sa lupa, napa ngiti naman ako dahil sa wakas ay makakapag pahinga na rin kami.
Agad naman kaming nag hati hati sa gawain para mas mapabilis ang pag tatayo ng aming pahingahan. Si messiah ang Naka toka sa pag luluto, si Izaac naman sa pag hahanap ng mga pang gatong na kahoy, ako naman ay sa pag gagayat ng mga sangkap samantala si jayron naman ang naka toka sa aming tutulugan. Aalis na ako para mag hanap ng kahoy pag papa alam sa amin ni Izaac sa gitna ng aming gawain, samahan nalang kaya kita? Tila nag aalalang suhestiyon ni messiah, don't worry walang makaka galaw sakin, kita mo to!? sagot ni Izaac sabay flex at halik sa kanyang muscle na ikinatawa ko naman, mag iingat ka! Nag aalangang sigaw pa ni messiah ng maka layo na si Izaac sa amin, nangangamba man ay hinayaan ko nalang si Izaac dahil alam ko namang wala sa ugali nito ang basta basta nalang pumunta kung saan saan, matapos mawala sa paningin namin si Izaac ay ipinag patuloy na namin ang aming gawain, halos di na namin namalayan ang oras at lumubog na pala ang araw dahil sa pagiging busy sa mga bagay na kailangang ayusin, nag aalala na ako sapagkat hindi parin nakaka balik si Izaac, nangangambang pahayag ni Messiah na pumukaw sa aking atensyon, hindi parin ba sya nakaka balik! Gulat na saad ko dahil dapat nandito na sya kanina pa, hindi pa rin halos 30 minuto narin ang nakalipas mula nung maka alis sya pag sagot nito habang palinga linga sa paligid, agad namang gumapang ang kaba sa aking katawan dahil baka kung na pa paano na si Izaac hindi pa mandin sya sanay sa kagubatan na ito at isa pa napaka dilim na ng paligid mahirap na mag lakad. Hanapin na natin sya nag aalala kong pahayag sa dalawa na agad naman nilang tinanguan kaya wala na kaming sinayang pa na oras at agad naming sinumulan ang tahakin ang daang pinuntahan ni Izaac.
IZAAC ASAN KAAA!, IZAAC! Paulit ulit na pag sigaw namin ni messiah sa gitna ng aming pag hahanap halos labing limang minuto na kaming nag hahanap ngunit wala parin kaming nakikitang bakas na maaring mag turo kung nasaan si izaac, delikado to baka kung na papano na sya turan ni messiah na mababatid ang pag ka balisa at pag alala sa tono ng pag sasalita nito, asan ka na ba Izaac mahinang bulong ko sa aking sarili sapagkat nag aalala na rin talaga ako. Ang mabuti pa mag hiwa-hiwalay na tayo para mas mapabilis ang pag hahanap natin sa kanya suhestiyon ko sa dalawa dahil lalong liliit ang tyansa namin na mahanap agad si Izaac kung sabay sabay naming tatahakin ang iisang direksyon, kung ganun dito kayo at duon naman ako maghahanap mabilis na tugon ni messiah at agad tumakbo sa direksyon na kayang tinuro, hindi na nga nya kami hinintay pa na maka sagot dahil agad itong tumakbo kaya naman kaming dalawa nalang ni jayron ang naiwang mag kasama, tsk sumama ka na sakin baka dumagdag ka pa sa problema kung mawawala ka, engot ka pa naman pahayag nito na naging dahilan ng pag pantig ng tenga ko, kaya ko ang sarili ko no! kung iniisip mo na magiging pabigat ako pwes nag kaka mali ka! Naiirita kong sigaw dito bago tumalikod at simulang mag lakad palayo, Bahala ka sa buhay mo! Sigaw naman ni Jayron sa gitna ng aking paglalakad ngunit hindi ko na ito binigyan pa ng pansin, tsk bahala sya napaka sama talaga ng ugali.
BINABASA MO ANG
DIRE'S The Hollow Spirit
Science Fictionthis story is all about fiction, fantacy, and magic. if you are interested kindly read this story and I promise you that it will be worth it to read.