---ARIES POV---
Nagising ako mula sa pagkakahimbing na tila pagod na pagod at at nanginginig sa lamig. Asan ba kasi yung kumot medyo taka kong tanong habang kinukuha ito hindi parin ako nagmulat ng mata dahil antok pa talaga ako, ngayon nalang kasi ako nakaramdam ng ganitong kama malamig at presko sa katawan may konting amoy nga lang. Teka amoy lupa! sa isip ko at bigla nalang nagmulat ng mata ganun nalang ang aking pagkabigla ng malamang natutulog pala ako sa basang lupa. Agad naman akong napatayo dahil sa labis na gulat. Nasaan ba ako? naguguluhan kong tanong dahil nasa loob ako ng isang gubat na napapalibutan ng matataas na puno at ilang mga bulaklak. Teka anong ginagawa ko dito wala naman akong natatandaang nag camping ako sa isang gubat takang isip ko habang inililibot ang aking paningin. At habang nasa ganoon akong paguusisa ay bibla nalang rumehistro saking isipan ang kaganapang nangyari kagabi lang
Flashback...
kusang gumalaw ang aking katawan papalit sa nag liliwanag na bagay hindi ko alam pero parang tinatawag ako ng liwanag at imbis na takot ang mamayani sakin ay tila natutuwa pa ako saaking nasasaksihan halos ilang dipa nalang ang layo nito mula sa kamay ko nang ng bigla nalang may tumawag saking likuran dahilan upang lingonin ko ito ngunit laking pagsisi ko dahil ng lumingon ako ay hindi ko inaasahang may matatapakan akong isang sanga na naging sanhi upang bumagsak ang katawan ko sa bilog na liwanag tila slow motion naman ang pangayayri dahil damang dama ko ang bawat segundo ng aking pag bagsak at kita ko pa si izaac na dali daling tumakbo papunta sakin upang saluhin ako agad nitong inabot ang kanyang kamay upang wag akong matumba ngunit naging sanhi pa ito upang mapasama sya sa pag bagsak ko mabilis na bumagsak ang likuran ko sa bilog na liwanag at naramdaman ko nalang na tila hinihigop ako nito papasok napayakap nalang ako kay izaac at bago pa man sya makapag react ay tuluyan na kaming nahigop nito.
End of flashback...
Teka si izaac asan Sya! natataranta kong sigaw at dali daling inilibot ang aking paningin di naman ako nahirapan na hanapin sya dahil ilang dipa lang ang layo nito mula saakin
Agad ko naman itong nilapitan at pilit na ginising. Izaac huy gising pag yugyog ko dito. Ano ba mamaya nalang natutulog yun tao eh pag mamaktol nito habang naka pikit parin ang mga mata. Kaya naman isang malakas na batok ang ibinigay ko dito dahilan para mapabangon ito mula sa pag kakahiga. Ano bang problema mo kita mo namang natutulog ako kung ayaw mong matulog pwes mag patulog ka naiinis na wika nito saakin na ikinataas naman ng kilay ko. Wala akong pake kahit matulog kapa habang buhay pero gusto ko lang na sabihin sayo na nasa gitna tayo ng kawalan naiinis na sabi ko dito sabay baling ng tingin sa paligid. Tila naguluhan naman sya sa itinuran ko kaya dahan dahan nitong pinasadahan ng tingin ang paligid ganun nalang ang kanyang pagkabigla ng malamang nasa ibang lugar kami. Shit nasan tayo anong lugar to at anong ginagawa natin dito na tatarantang saad nito na may pa talon talon pa kaya isang batok na naman ang nakuha nitong sagot mula saakin. Mag tigil ka nga diba kasasabi ko lang na hindi ko din alam kung nasan tayo naiinis kong pahayag dito. Umayos ka nga dagdag ko pa. Hinahon! Pano ako hihinahon kung parehas nating di alam kung nasaan tayo nag aalala sagot nito sakin hindi ko naman sya masisisi dahil maging ako ay nag aalala narin dahil hindi tiyak kung nasaan ba talaga kami. Teka nga huminahon muna tayo hindi makakatulong kung parehas tayong maghehesterical dito malumanay na paliwanag ko naman sakanya. Ang una dapat nating gawin ay alalahanin kung bakit tayo napunta dito at kung paano tayo makaka alis dagdag ko pa. Ang huling natatandaan ko ay bumalik ako sa library para puntahan ka natanong ko kasi kay manong guard kung ano yung sumabog pero wala naman daw itong alam na sumabog dahil wala naman daw syang naririnig at kung meron man ay dapat sya ang unang nakaalam nito. Nahihiwagaang saad ni izaac habang pilit na inaalala ang iba pang nangyari. Dahil wala naman daw sumabog ay nag taka ako kaya dali dali akong pumunta pabalik sayo pero pag dating ko sa library wala kana kaya aalis na sana ako ng bigla nalang may napansin akong liwanag na nag mumula sa likod ng school building akala ko ikaw ang gumagawa ng liwanag na yun kaya dali dali akong nag tungo duon para puntahan ka.dugsong pa nito na hindi na natapos ang sinasabi dahil inunahan ko na sya pa pag sasalita. Natisod ako sa isang kahoy tapos sinubukan mo akong kapitan para hindi matumba pero ang nagyari nadamay kapa sa pagtumba ko at mabilis tayong hinigop ng kung anumang liwanag na nakita ko pagpapatuloy ko sa istorya nya. Teka asan yung pinamili ko bigla nitong naibulalas na syang ikinataka ko. Dali dali itong naghanap at ilang saglit lang ay para itong nakakita ng ginto. Aha nakita din kita masayang bigkas nito na parang bata. Nagtataka naman akong tumingin sa hawak nya at bigla nalang lumawak ang mga mata ko nang mapansin ang hawak nya anak ng tokneneng pati ba naman dito nadala pa nya yung groceries nya pero teka wala naman akong natatandaang hawak hawak nya yun nung niligtas nya ako. Agad naman itong lumapit sa kinaroroonan ko habang bit bit ang dalawang plastic ng ilang pagkain. Teka pano yan napunta dito takang tanong ko sakanya. Dala ko to nung pumunta ako ng library balak ko sanang ilagay sa locker ko paliwanag naman nito na ikinatango ko lang. Pero paano yan napunta dito eh wala ka namang hawak nung tumakbo ka papunta sakin medyo naguguluhan ko paring tanong. Hindi ko rin alam ang tanda ko nabitawan ko nalang ang mga ito nung tumakbo ako para saklolohan ka saad naman nito na ikinatango ko nalamang. Ganun ba ang mabuti pa siguro simulan na nating maglakad lakad baka sakaling may makasalubong tayo na pwede nating mahingian ng tulong suhestiyon ko dito at isang tango naman ang natanggap ko.
Patuloy kaming nag lalakad ni izaac patungo sa walang tiyak na direksyonn ilang oras na din kaming nag lalakad at halos masira na ang sapatos namin dahil sa mga batong dinadaanan namin malapit narin mag gabi at kinakailangan na naming makahanap ng masisilungan dahil delikado kung maabutan kami ng dilim. Saan ba tayo pupunta tanong nito saakin ngunit kahit ako ay wala ding maisagot sa mga katanungan nya. Ilang sandali pa ay nakakita kami ng isang malaking puno na may malaking butas sa gitna kakaibang puno ito dahil ngayon palang ako nakakita ng ganito kalaking puno halos singlapad kasi sya ng isang bus at parang sampong pinag patong patong na poste ang taas nito at napapalibutan ng matingkad na berdeng kulay ang mga dahon nito nakakamangaha kung tutuusin dahil wala nito sa lugar na pinanggalingan ko at kung meron man ay malamang matagal na itong naputol at ginawang panggatong. Dito nalang muna tayo mag palipas ng gabi saad ko kay izaac na kanina pang nag mamaktol sa likuran ko. Sige dyan tayo magiliw na sagot naman nito na parang bata nag tatakbo sa paligid minsan iniisip ko kung kasing edad ko ba talaga sya o hindi. Agad ko naman tinungo ang malaking butas ng puno at namangha ako sa lawak nito halos sinlawak na ito nung barong barong ko nasisiyahan kong turan saking isip maya maya pa ay sumulpot narin si izaac mula saking likuran at gaya ng inaasahan ay parehas lang kami ng naging reaksyon ng makapasok sa loob ang pinagkaiba lang ay para sya ng bata kung umasta. Ang mabuti pa ay simulan mo ng maghanap ng kahoy na pwede nating gawing panggatong pag utos ko naman dito na agad naman nyang sinunod naiwan naman akong mag isa sa loob ng puno kaya minarapat ko na munang lumabas upang mag hanap hanap ng mga bungang kahoy na maari naming pagkunan ng pagkain at ilog na maari naman naming pag kunan ng tubig. Tahimik akong nag lalakad at malayo layo narin ang aking narating napaka payapa ng paligid tanging ihip lang ng hangin ang nag nag bibigay ingay sa paligid at ang paglubog ng araw ay nagbibigay kulay pa lalo sa mga dahon ng puno wari moy taglagas na dahil sa dalandan na kulay ng mga ito ilang hakbang pa ay napukaw ng aking pansin ang isang batis na may nagkikislapang tubig na wari moy isang batis ng pilak dahil sa tingkad ng liwanag nito na nagmumula sa liwanag ng araw. Dahil sa pagkamangha ay dali dali akong lumapit dito at tiningnan ang aking sariling repleksyon sa tubig na labis ko namang ikinatuwa dahil sa taglay na linaw nito. dahan dahan kong inilapit sa tubig ang aking kamay upang damhin ang bawat agos nito At Labis na kaginhawaan naman ang idinulot nito sakin kaya minarapat kong tumayo agad para mag hanap ng sisidlan na pwede kong pag lagyan ng tubig. Hindi naman ako nahirapan sapagkat ilang dipa lang mula sa batis ay may nakita akong halaman na may dahon na hugis mangkok agad ko itong nilapitan upang pumitas ng ilan nakakamangha lang dahil nung pinitas ko ito ay tila natuyo ito dahilan upang tumigas ang buong dahon na mas ikinatuwa ko naman dahil hindi agad ito masisira kung sakaling ipangsalok ko ito ng tubig. Pumitas pa ako ng ilan at pinili ko yung may kalakihan para mas madami akong masalok na tubig. Agad din naman akong bumalik sa batis matapos mamitas ng ilang dahon at maingat na sumalok ng tubig isa palang ang nasasalok ko ng bigla nalang maglaho ang batis sa isang iglap na labis ko namang ikinabigla dahil imposibleng mangyari na basta basta nalamang itong maglaho na parang bula. Naguguluhan man ay mas pinili ko nalamang na ipagsawalang bahala ang aking nasaksihan at nag patuloy na sa paglalakad.
San ka nang galing? Bungad na tanong sakin ni izaac nung makabalik ako. Nag libot libot lang para makahanap ng tubig at pag kain narin pag sagot ko naman dito na agad nyang tinanguan. Teka ano naman yan tanong nito ng mapansin ang tila kumikislap na bagay na hawak ko. Ah eto ba tubig yan nakakita kasi ako kanina ng batis malapit dito pag papaliwanag ko naman. Agad naman syang lumapit para usisain ang tubig na hawak ko. Ang astig bakit parang umiilaw sya namamanghang turan nito na ikinangiti ko naman. Hindi ko rin alam kung bakit pero hindi naman siguro tayo malalason kung sakaling inumin natin yan diba? Pahayag ko naman habang masayang nakatingin sakanya. Alam ko na ilagay natin yan sa bote para hindi sya madumihan suhestiyon naman nito na agad ko namang tinanguan natawa naman ako palihim dahil para syang bata sa inaasal nya. Agad naman itong nag hanap ng bote mula sa plastic bag na dala nya at dito inilabas nya ang bote ng mineral water na walang laman. Dahan dahan nyang isinalin ang tubig at maingat na inilagay ito sa plastic bag. May nakuha kabang kahoy pag tatanong ko naman dito matapos nitong maitago ang tubig. Oo meron naipasok ko na sa loob at tyaka may nakita rin akong prutas gaya ng mansanas at saging nakakatuwa nga dahil hitik na hitik ito sa bunga masayang saad naman nito na nag pakunot ng noo ko. Teka mansanas? Nagtataka kong usal dito dahil medyo naguluhan ako sa sinabi nito papaanong mag kakaron ng mansanas sa gitna ng gubat at paanong tutubo ito gayong bihira lang itong mabuhay sa mainit na klima. Oo mansanas nakakabigla diba gayong nasa gitna tayo ng gubat nakangiting sagot naman nito na ipinagsawalang bahala ko nalamang. Ang Mabuti pa pumasok na tayo ng makapag sindi na tayo ng apoy mag didilim narin kasi. Dagdag ko pa bago sya hilahin papasok sa loob.
BINABASA MO ANG
DIRE'S The Hollow Spirit
Fiksi Ilmiahthis story is all about fiction, fantacy, and magic. if you are interested kindly read this story and I promise you that it will be worth it to read.