---ARIES POV---
Mesiah kurutin mo nga ako pag uutos ko kay mesiah sa gitna ng aming pag lalakad dahil kung nanaginip lang ako ay mas gugustuhin ko pang magising sa bangungot na ito narinig ko naman ang mahinang pag tawa nito dahilan para mapa simangot ako, ano bang sinasabi mo aries hindi ka na nanaginip totoo lahat ang sinabi sayo ng mahal na hari at kung ano man ang dahilan nya ay mas mabuti pa na pag katiwalaan nalang natin ang desisyon nya sapagkat para din naman ito sa ikakabuti nyo malumanay na pag sagot naman nito kaya para akong pinag bagsakan ng langit at lupa, ikakabuti? Sa paanong paraan mesiah at kahit anong anggulo malabong mag kasundo kami ng mayabang nyang anak. Naiinis ko pang dagdag na ikinatawa nya pa lalo, huwag kang mag alala dahil mabait naman talaga si jayron siguro pangit lang talaga ang unang pagkikita nyo kaya nasasabi mo ang mga bagay na yan, naniniwala ako na balang araw ay mag kakaayos din kayo pagkukubinsi pa nito sa akin matapos tumigil sa isang malaking pintuan na napapalibutan ng mga gintong kulay at magagandang disenyo, narito na tayo ito ang magiging silid mo at ng iyong magiging kabiyak kung may kailangan ka maari mong utusan ang mga taga pag silbi kung ano man ang nais mo at kung may mga katanungan ka naman ay pwede mo akong puntahan sa lugar kung saan una tayong nagkita pag papaliwanag pa nito bago ako ngitian at iwanan sa harap ng pinto. Napa buntong hininga naman ako bago humarap sa magarang pinto, hindi ko alam kung papasok ba ako dahil baka nasa loob ang anak ng hari at baka mag kasagutan na naman kami ngunit sa huli ay napag pa syahan ko nalang na pumasok sapagkat wala na din naman akong magagawa pa
kumatok muna ako ng ilang beses at ng walang nakuhang pag tugon sa aking pag katok ay napag desisyonan ko nalang na buksan ang pinto. Pag pasok ko palang ay bumungad na agad saaking harapan ang magulong kama at nag tambak na mga damit na wari moy matagal ng labahin umalingawngaw rin ang nakakasulasok amoy kaya napa takip nalang ako sa aking ilong. Kwarto pa ba to o basurahan, nakakunot kong turan saaking sarili inilibot ko ang aking paningin at masasabi kong malawak ang kabuuang silid may ilan ding larawan na nakasabit na hindi ko na pinag tuuanan pa ng pansin. Napaka bala hura naman ng jairon na yun para syang estudyante ng paaralan na pinapasukan ko tsk. Imbis na mag reklamo ay minarapat ko nalang na linisin ang mga kalat sapagkat kung ganito ang bubungad sa akin araw araw ay baka hindi ako makatagal pa. Isa isa kong pinag dadampot ang mga nag kalat na damit bago ilagay sa tambakan ng labahin sunod ko namang inasikaso ang pag aayos ng kama, pinalitan ko ang kobre kama at mga punda dahil mukhang matagal na itong hindi napapalitan, pagkatapos ay isinunod ko naman ang pag wawalis at pag pupunas ng sahig dahil napaka dumi ng mga ito, habang nasa ganoon akong pag aayos ay pumukaw sa aking pansin ang isang larawan ng isang masayang pamilya kaya itinigil ko muna ang aking ginagawa at bahagyang tiningnan ang larawan kapansin na matagal na ang larawan na ito sapagkat nakakasigurado ako na si jairon ang batang nasa gitna at mga magulang nya naman ang naka hawak sakanya kapansin pansin din ang labis na kasiyahan sa kanilang ngiti dahilan para mapaisip ako dahil hindi ko pa nakikita ang kanyang ina, marahil wala ito sa palasyo ngayon mahina kong bulong,
Kasalukuyan akong naliligo sapagkat labis na ang pang lalagkit ng aking katawan dahil sa aking pag lilinis halos lahat ng parte ng aking katawan ay kinuskos ko ng maigi dahil matagal tagal narin nung huli akong naka paligo ilang saglit pa ay tinapos ko narin ang pagligo at nag lagay ng towel sa aking bewang bago lumabas ng banyo sakto namang paglabas ko ay ang pag pasok din ng taong kinaiinisan ko, anong ginagawa mo dito! May bahid ng galit na sabi pa nito sa akin kaya imbis na sagutin ay minarapat ko nalang na lagpasan sya dahil wala din namang magandang mangyayari kung sagutin ko sya, ang sabi ko anong ginagawa mo dito malakas na sigaw nito bago hablutin ang braso ko dahilan para mawala ako sa balanse at bumagsak sa kanya, dali dali naman akong bumangon at galit na binalingan ito, ano bang problema mo! Alam mo kanina kapang namumuro sakin konti nalang talaga sasapakin na kita medyo inis kong sigaw dito, nakita ko naman ang pag hapit ng panga nito pero hindi ako nag pasindak, sinong may sabing maari kang pumasok sa kwarto ko at anong karapatan mong galawin ang gamit ko ganyan kaba kawalang modo mayabang na sagot naman nito kaya medyo kinabahan ako ng kaunti. Dapat nga mag pasalamat kapa dahil nilinis ko ang kwarto mong puno ng basura medyo naiinis kong pag dadahilan dito dahil dapat nga maging masaya pa sya ngunit imbis na matuwa ay lalo pa itong nagalit, bibilang ako ng tatlo at kapag nandito kapa sa silid ko ay hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sayo may pag babantang sagot naman nito bago itapat saaking mukha ang kanyang kamao, isa pag bilang nito pero nanatili parin akong nakatayo sa harapan nya, dalawa pag uulit pa nito dahilan para mang laki ang mata ko dahil kitang kita ko kung paanong mag bago ang mga braso nito unti-unting humahaba ang mga kuko nito at ang braso nito ay nababalutan na ng mga puting kaliskis bago pa man nya mabanggit ang ikatlong numero ay bigla nalang bumuka ang sahig na aking tinatapakan dahilan para mahulog ako rito tila ba slow motion ang nangyayari dahil kitang kita ko ang gulat na gulat na mukha ni jairon bago pa man ako kainin ng madilim na liwanag.
Bumagsak ako sa isang silid na wari koy silid ni mesiah dahil sa mga gamit na nag sabit gulat na gulat parin ako sa nangyari pero minarapat ko nalang na kalimutan dahil halata namang si jairon ang may gawa nun pwede naman nya akong palabasin ng maayos hindi yung gagamitan pa nya ako ng mahika nya tsk. Iginala ko ang aking paningin at pumukaw ng aking pansin ang isang lalaki na payapang natutulog katabi si measiah, izaac? Pag kukumpirma ko pa dahil anong ginagawa nya dito ang alam ko binigyan din sya ng sariling silid ni haring akemi naguguluhan man ay minarapat ko nalang na gisingin ito dahil sa tingin ko kinakailangan na naming umalis sa palasyong. Huy izaac gumising ka mahinang bulong ko dito na may kasamang pag tapik sa pisngi nito hindi naman ako nabigo ng dahan dahan nitong iminulat ang kanyang mata, aries? Pupungay pungay na sagot naman nito bago mag kusot ng mga mata anong ginagawa mo dito? Dagdag pa nito bago tanggalin ang pag kakayakap sakanya ni mesiah, wag ka ng maraming tanong pa kailangan na nating umalis dito dahil wala namang patutunguhan ang pamamalagi natin dito pag dadahilan ko pa ilang Minuto rin nya akong tinitigan ngunit imbis na tumayo ay tinalikuran nalang ako nito at sumiksik sa leeg ni mesiah medyo nabigla naman ako sa inasta ni izaac ngunit nawala din yun dahil nalimutan kong may pag ka isip bata nga pala ang isang to, huy ano kaba bumangon ka nga dyan bago pa magising si mesiah ngunit tila wala itong pakielam sapagkat yumakap pa ito kay mesiah, naiinis man ay wala narin akong nagawa kaya minarapat ko nalang na gumawa ng plano para sa gagawin naming pag takas dahil kung mag tatagal pa kami dito ay mas liliit ang tyansa na makauwi kami sa mundong pinanggalingan namin halos abutin rin ako ng ilang oras at sa wakas ay naka gawa na ako ng magandang plano at ang kailangan ko nalang ngayon ay maging pamilyar sa buong palasyo. Matapos gumawa ng plano ay dinalaw narin ako ng antok kaya minarapat ko na tumabi sa hinihigaan nina mesiah at bukas ko nalang siguro kukumbinsihin si izaac na sumangayon sa aking plano, kasabay ng pag ihip ng malamig na hangin ay sya ding pag bigat ng talukap ng mata ko at unti unti na akong naka tulog.
Kasalukuyan kaming nag aalmusal ni mesiah ngayon habang si izaac naman ay abala sa paliligo, ano palang ginagawa mo dito pag tatanong ni mesiah sa gitna ng aming pagkain, tiningnan ko naman ito ng tila pagod na pagod dahilan para matawa ito, mukhang nag away kayo ni jairon nasisiyahang saad nito dahilan para lalo akong mapa simangot wag mo nga banggitin ang lalaking yun nasisira lang ang umaga ko pag sagot ko padito at ipinag patuloy nalang ang pagkain ilang saglit pa ay lumabas na si izaac na tanging brief lang ang suot kaya naman agad ko itong pinagalitan, ano ba izaac mag bihis ka nga medyo asiwa kong pag uutos dahil ang aga aga yan agad ang bubungad sakin, hindi naman sa pangit ang katawan ni izaac dahil kung ito lang din naman ang pag uusapan ay talagang may ipag mamalaki ito, nakita ko naman ang pag silay ng isang maliit na ngiti sa labi ni mesiah ngunit isinawalang bahala ko nalamang dahil isa paring may saltik ang lalaking to, halika kumain kana pag aalok ni mesiah kay izaac bago lagyan ng pagkain ang plato nito agad din namang sumunod si izaac at tila ba mag bestfriend na sila nito pinag patuloy narin namin ang pagkain at masasabi kong naging masaya naman ang daloy nito dahil napuno kami ng kwentuhan at tawanan. Pag katapos naming kumain ay napag pasyahan ni mesiah na ilibot kami sa palasyo para daw maging pamilyar kami sa mga pasikot sikot nito.
BINABASA MO ANG
DIRE'S The Hollow Spirit
Science Fictionthis story is all about fiction, fantacy, and magic. if you are interested kindly read this story and I promise you that it will be worth it to read.