Bangon mag madali kayo! Isang sigaw na nag mumula sa likod ng pinto ang gumising sa aking diwa, agad naman akong napatayo sapagkat rinig na rinig ko ang mga sigawan ng mga tao sa labas na tila may kahuluhang nagaganap, Aries Jayron kailangan na nating lumisan inaatake ang bayan na ito ng mga bandido pag papaliwanag ni messiah ng maka pasok ito sa loob ng aming silid, Ano? Teka anong bandido? Si Izaac asan sya! Natataranta kong saad sapagkat nahihirapan akong iproseso ang lahat ng nangyayari, kanina lang ay masaya pa kaming kumakain at nag kwekwentuhan tapos natulog lang kami tapos pagising ko ganito na agad ang nangyayari, wag kang mag alala nasa loob na sya ngayon ng karwahe mag madali na kayo mas prayoridad namin ang kaligtasan nyong dalawa, pag papaliwanag nito bago ako hilahain palabas ng silid, teka si Jayron pag imporma ko dito ngunit nawala din agad ang aking pag aalala ng makitang naka sunod ito sa amin, pag labas namin ng panuluyan ay bumungad ang mga taong nag kaka gulo at tumatakbo sa ibat ibang direksyon, nariyan din ang nasusunog na kabahayan at mga patay na nag kalat sa paligid, habang tumatakbo nga ay napatigil ako ng makita ang isang matandang babae na inundayan ng espada na naging dahilan upang tumalsik ang ulo nito, napa takip naman ako ng aking bibig dulot ng labis na takot at gulat sapagkat hindi normal sa aking mga mata ang kaganapang nangyayari, mag madali na tayo pag basag ni messiah sa aking pag kagulat at agad akong hinila sa isang liblib na lugar kung saan natanaw ko ang karwaheng sinakyan namin nung nakaraan, ng makalapit kami sa dito ay bumungad agad sa akin si izaac na tila walang malay agad ko naman itong dinaluhan sapagkat mukhang may nang yari ditong hindi maganda, anong nang yari kay izaac bakit wala syang malay!? Natataranta kong tanong kay messiah na kasalukuyang nag ma manman sa labas, wag kang mag alala pinatulog ko sya sa pamamagitan pulbos na ito pag papaliwanag nito sabay lahad ng isang pakete ng pulbos, minarapat ko nang patulugin sya sapagkat batid kong hindi kakayanin ng kanyang kaisipan ang mga ganitong bagay dagdag pa nito. Napa tango naman ako sa kanyang paliwanag sapagkat tama sya sa kanyang inusal masyadong inosente ang isip ni Izaac para samga ganitong bagay, teka asan na si Jayron!? Pag babago ko ng usapan sapagkat kanina ay kasunod lang namin ito, marahil sinusubukan nyang labanan ang mga bandidong sumalakay sa bayang ito pag sagot naman nito sa aking tanong, teka bakit may mga bandido? Anong dahilan nila para sugurin ang bayang ito at isa pa sino ba sila? Sunod sunod kong tanong sapagkat naguguluhan talaga ako sa kung ano ba talaga ang nagyayari, ang mga bandidong sumasalakay ngayon ay mga alagad ni Ramiro kilala sa tawag na Impio o taksil ng lipunan, kilala ang grupo nila sa pag nanakaw pang gagashasa at pag paslang ng mga inosenteng tao, nangilabot naman ako sa inusal ni messiah sapagkat diko mapigilang mapaisip na may mga tao pala talagang labis ang pagiging halang ang bituka, teka makapang yarihan naman kayo ni jayron diba? Bakit di nyo sila talunin gamit ang mga kakayahan nyo? Suhestiyon ko sapagkat mas malaki ang tyanasa na matulungan nila ang mga tao kung lalabanan nila ang mga bandido gamit ang kanilang mga kapangyarihan, Maari sana ngunit sa kasamaang palad ay hindi ko dala ang aking vessel iniwan ko ito sa aking silid sa palasyo sapagkat hindi ko inaasahan na may ganito palang mang yayari, kung wala ang vessel ko ay hindi ko magagamit ang kapangyarihan ni Nepthys mamalungkot na pahayag ni messiah kaya naman napa tahimik nalamang ako,
isang kaluskos naman ang pumukaw sa aming pansin dahilan para maging alerto si messiah, mula sa matatayog na damo ay lumabas ang ilang bandido na wari koy humigit sa sampo ang kanilang bilang, magtago ka aries at siguraduhin mong naka kandado ang pinto ng karwahe na ba bahalang pag utos sa akin ni messiah ngunit paano ka? Hindi mo ba nakikita na lugi ka dahil nag iisa ka lang pag papa alala ko dito dahil mukhang dehado sya kung sakaling lalabanan niya ang mga bandido, makinig ka nalang sa akin aries kaya ko ang sarili ko, magiging sagabal lang kayo kung sakaling isa sainyo ang makuha nila pag papaliwanag nito kaya kahit nag aalangan man ay sinunod ko ang gusto nya sapagkat wala din naman akong maitutulong kung sakali, agad ko namang ikinandado ang pinto ng karwahe at tumabi kay izaac na tulog na tulog parin sa mga oras na to ilang saglit pa ay narinig ko ang ilang usapan nina messiah at mga bandido ngunit mapapansing walang pakielam ang mga ito sa sinasabi ni messiah, ilang saglit pa nga ay nakarinig ako ng malakas na hiyawan at sigawan at dito nga ay batid ko na nag kaka gulo na sa labas sapagkat namumutawi ang salpukan ng mga espada at tunog ng mga kalamnan na tila hinihiwa. Halos ilang minuto din na puro yun lang ang aking naririnig hanggang sa isang tinig ang bigla nalang nangibabaw sa gitna ng labanan Mga Tuso kayo sigaw ni messiah dahilan para sumilip ako sa maliit na siwang ng karwahe at mula dito nga ay nakita ko kung paano iwasiwas ni messiah ang kanyang espada habang naka hawak ang isa nitong kamay sa kanyang mga mata, Nagustuhan mo ba ang lason na tinatamasa mo ngayon? Hahaha! bigkas ng isang lalaki na balot na balot ng itim na damit at tanging mukha lamang nya ang ang walang takip, napaka tuso nyo bakit di nyo ako labanan ng patas pag sagot naman ni messiah habang iniinda ang sakit na kanyang mga mata. Walang puwang ang pag laban ng patas dahil wala yan sa bokabularyo ko nakangiting saad nito, napahawak naman ako sa aking bibig ng makita kong inundayan nito ng saksak si messiah na agad namang bumaon sa kanyang tiyan, Aghhhh hayop! ka impit na sigaw nito matapos bunutin ng kalaban ang espadang bumaon sakanya, hindi ko alam ngunit sa oras na yun ay tila hindi ako nag iisip dahil dali dali akong lumabas patungo kay messiah upang tulungan ito, messiah! Jusko ayos ka lang ba!? Nanginginig kong turan matapos ko itong malapitan at ihiga sa aking tabi, ba't ka lumabas mapanganib dito pumasok ka na sa loob nahihirapan nitong saad, kapansin pansin naman ang pagkalat ng itim na kulay sa kanyang mukha patungo sa ibang parte ng kanyang katawan, hindi ko kayang makita kang nahihirapan habang ako ay naka tago lang sa loob naiiyak kong bigkas dahil naawa ako sa sinapit ni messiah ginawa nya ang lahat para lang mapanatili kaming ligtas ni izaac, ngunit ikaka pahamak mo ang iyong ginagawa dagdag pa nito sasagot pa sana ako ngunit isang patalim ang tumama sa aking balikat dahilan para mamilipit ako sa sakit aghhh ang sakit! Naiiyak kong turan habang tinitingnan ang patalim na bumaon sa aking balikat, napaka arte daig nyo pa ang mag kasintahan, talagang umarte pa kayo sa harap ko! Nanunuyang saad ng kalaban ni messiah, hayop ka mag babayad ka sa ginawa mo sa amin hindi kita mapapatawad nahihirapan kong bigkas bago bunutin ang patalim na naka baon sa aking balikat, sa tingin mo ba may pakeelam ako sa mga sinabi mo? Natatawang saad nito kaya naman galit na galit akong tumingin dito, ohhh natatakot ako wag mo akong tingnan ng ganyan kinikilabutan ako, pag kukunwari nito sabay tawa na para bang may nakaka tawa sa nangyayari sa amin, alam mo bata gwapo ka maputi at matangkad mukhang mapapakinabangan ka namin pag sasalita nito at tila may masamang balak, wag kang lumapit lumayo ka sa akin pag tataboy ko dito sabay tutok gamit ang patalim na buamaon sa akin tila bingi naman ito dahil imbis na lumayo ay dahan dahan itong lumalapit pa lalo sa akin, wag kang lumayo hindi kita papa tayin pag papa tuloy pa nito lumayo ka sabi! Galit kong turan habang patuloy na umaatras ngunit ganun nalang ang aking pag kadismaya ng mapag tanto kong wala na akong aatrasan dahil karwahe na ang aking sinasandalan, wag ka ng lumayo dahil wala ka ng takas........ Hindi na nito naituloy ang kanyang sasabihin dahil isang kamay ang bigla nalang lumabas sa kanyang dibdib, masyado kang maingay! May diin at malamig na turan ng isang lalaki matapos bunutin ang kamay nito sa dibdib ng bandido dito nga ay nasilayan ko si Jayron na nababalutan ang kanyang kamay ng tila kaliskis ng dragon. Tila naging bato naman ako sa aking kinauupuan dahil sa aking nasaksihan, kita ko pang inilibot nito ang kanyang paningin bago tumigil sa aking pwesto, sa sandaling yun ay hindi ko mabasa ang kanyang emosyon sapagkat nanatiling blangko ang mukha nito. Naputol lang ang aming titigan ng marinig namin ang daing ni messiah kaya halos sabay namin itong nilapitan.
Tang*na kumakalat na ang lason sa kanyang katawan! galit na turan nito bago ako balingan ng tingin, ano bang ginawa mo bakit hindi mo sya tinulugan! Kahit yun man lang sana ang iambag mo hindi yung puro kamalasan nalang! Sigaw nito na syang ikinagulat ko sapagkat hinfi ko alam ang sasabihin sa mga sandaling iyon sapagkat alam kong sinubukan ko namang tulungan si messiah ngunit sadyang hindi ako sanay sa mga ganitong bagay at masayado akong mahina para labanan ang mga bandido hindi naman ako sanay sa pakikipaglaban dahil ang alam ko lang ay mag aral, nakita naming sumuka ng dugo si messiah kaya naman parehas kaming nataranta ni jayron, tang*ina ba't ba wala akong dalang serelya ngayon galit na turan nito habang sinusuntok ang lupa, agad namang nag pantig ang tenga ko sa sinabi nito kaya naman napatayo ako sa aking pag kaka luhod at dali daling tumakbo pabalik ng panuluyan, narinig ko pa itong sumigaw ngunit hindi ko na pinansin sapagkat may importante akong dapat kunin, habang tumatakbo ay kapansin pansin ang malagim na sinapit ng lugar sapagkat may mga sunog na katawan, ilang taong umiiyak at mga dugong nag kalat sa daan at ibat ibang parte ng bahay, agad naman akong naka rating sa panuluyan at dali daling tinungo ang kwartong aming pinag tuluyan, mabuti at di ka nasira masayang kong bigkas sa aking sarili matapos makita ang aking hinahanap
Saan ka galing! Talagang inuna mo pang baliakan ang gamit mo imbis na tulungan ako dito galit na pahayag ni jayron ng makabalik ako mula sa panuluyan, eto may dala akong sirelya sana nandito yung hinahanap mo hinihingal kong paliwanag bago ilapag ang aking dalang bag. Agad naman itong hinablot sa akin ni jayron at tila nabunutan ito ng tinik ng makita nito ang boteng kanyang hinahanap, wala sya ng sinayang na panahon at agad nitong sinapo ang ulo ni jayron at dahan dahang ipina inom ang boteng may laman ng kulay asul na likido, ilang saglit pa ay unti unting nawawala ang sugat na tinamo ni messiah at kitang kita din ang pag balik ng kulay nito sa normal. Naka hinga naman ako ng maayos ng makitang nasa mabuting kalagayan na ito kaya naman napa upo nalang ako sa tabi ni jayron na ngayon ay mababakas ang kaginhawaan sa kanyang mukha, uminom ka din nito pag basag ni jayron sa katahimikan habang inaabot sa akin ang sirelya, agad naman akong nag taka ngunit agad din akong natauhan ng maramdaman ang tamang natamo kanina dahil sa patalim na bumaon sa aking balikat, maraming salamat sagot ko naman dito bago tanggapin ang inaalok nya, agad ko din namang ininom ito at dito nga ay naramdaman ko ang lamig na dulot ng sirelya para bang uminom ako ng isang malamig na tubig dahil sa bilis ng pagkalat ng lamig sa aking katawan nasa ganun kaming pasiyon ng mapukaw kami ng isang tinig, what the heck! Anong nangyari! Gulat na gulat na sigaw ni izaac.
Itutuloy......
BINABASA MO ANG
DIRE'S The Hollow Spirit
Fiksi Ilmiahthis story is all about fiction, fantacy, and magic. if you are interested kindly read this story and I promise you that it will be worth it to read.