IKA LABING SIYAM TAGPO

19 3 0
                                    


•••••••• ARIES POV ••••••••

Sa mga lumipas na araw ay patuloy ang pag tulong sa amin ni Manuel, hindi na nga rin mabilang kung ilang beses ko itong makita sa isang araw sapagkat lagi itong nasa sa tabi ni Jayron

Wala itong palya sa pagbabahagi ng mga bagong impormasyon patungkol kay Ramiro at sa bandidong pinamumunuan nito. At sa mga araw na lumipas ay may napapansin akong kakaiba kay Manuel sapagkat lagi ko nitong nahuhuling nakatitig sa akin o di kaya naman ay lagi ako nitong tinatanong ng mga kung ano-anong bagay gaya nalamang ng paborito kong kulay, pagkain, inumin at kung ano ano pa.

Kakaiba man sa pakiramdam ay minarapat ko nalamang na isantabi ang aking mga napapansin sapagkat maaring nais lamang ako nitong kilalanin ng lubusan.

Kamusta ka Aries? Pag bungad na pagbati ni Manuel sa akin ng ako'y masilayan nito, napag kasunduan kasi namin na mag pulong dito sa silid na aming tinuluyan upang mag sagawa ng isang pag paplano upang tugisin at wakasan ang grupo ng mga bandido at pabagsakin ang pinuno nilang si Ramiro. Maayos naman malumanay na pag sagot ko kasabay ng isang maliit  ngiti. Ilang saglit pa ay dumating narin si Jayron habang may bitbit na ilang kagamitan kaya naman hindi ko mapigilang mag tanong, ano yan? Nag tataka kong saad, mga sandatang aking nakalap pag sagot naman nito, tiyak kong makaka tulong ang mga ito sapagkat hindi basta basta ang labanang magaganap kung sakaling maka sagupa natin ang mga bandido pag papa tuloy pa nito sabay hagis sa akin ng isang sandata na wari ko'y isang pana, Mukhang maganda ang kalidad ng mga napili mong sandata kaibigan papuri naman ni Manuel kaya naman napunta ang tingin ko dito. Kung ganun ngayon palang ay simulan na natin ang pag paplano kung kailan tayo sasalakay pag bigkas naman ni Messiah kaya naman lahat kami ay nabaling ang tingin dito, mabuti pa nga pag sang ayon naman ni Jayron na sinabayan namin ng pag tango.

Sigurado ba kayo na hindi nyo kailangan ang tulong namin ni Izaac? Pag lilinaw ko kay jayron sapagkat ayon sa plano nito kanina ay silang tatlo lamang nina Manuel at Messiah ang susugod sa kuta ng mga bandido habang kami naman ni Izaac ay maiiwan sa aming tinutuluyan, ano bang hindi malinaw sa sinabi ko, dito lamang kayo sapagka't wala din naman kayong maitutulong sa amin, magiging pabigat lang kayo kung sakaling mahuli kayong dalawa, naiinis nitong saad sabay labas ng aming silid, agad naman akong sumunod sapagkat nais ko ding tumulong sa kanila, ngunit hindi ba mas mainam na marami tayong susugod hindi yung tatatlo lamang kayo? At tyaka kung sakaling magipit kayo ay maari kaming maka tulong sainyo, pag pupumilit ko pa dito habang patuloy kaming nag lalakad at hindi ko na namalayan na naka rating na pala kami sa pamilihan ng Asaria. Wag ka ng makulit kung ayaw mong gawin ka naming pain sa mga bandido, galit na turuan ni Jayron kaya naman napatigil kami sa aming pag lalakad, ayos na sa akin yun! Determinado kong saad sapagkat kung makaka tulong ako sa kanila ay mamarapatin kong maging pain, nahihibang ka na ba!? Ano bang hindi mo maintindihan sa mga sinabi ko! Inis na inis na pasigaw ni Jayron kaya naman maraming tao ang napatingin sa aming gawi.

Ng mapansin ni Jayron ang pag bubulungan ng mga tao ay agad itong nag lakad ng mabilis papa layo sa aming pwesto, agad naman akong nakaramdam ng lungkot sa kanyang sinabi sapagkat gusto ko lamang naman na tumulong ngunit marahil ay tama siya, magiging pabigat lamang kami sapagkat wala naman kaming kakayahan na ipag tanggol ang aming sarili.

Napa buntong hininga na lamang ako kaya naman minarapat ko na lang na umupo sa tabi ng isang puno upang mag pahinga at mag isip isip, ilang minuto din akong naka upo ng may isang boses ang pumukaw sa aking atensyon, Aries ikaw ba yan? Pag tatanong nito kaya naman napatingin ako dito, ikaw nga Aries! Anong ginagawa mo dito? Masayang saad ni Manuel sabay upo sa aking tabi. Wala naman ito tumatambay lang sapagkat nababagot na rin ako sa aming tinutuluyan pag dadahilan ko kasabay ng hilaw na ngiti, ganun ba, mukhang nababagot ka na din talaga sapagkat apat na sulok lamang ng silid ang lagi mong nakikita, pag bibiro pa nito kaya naman hindi ko maiwasang mapangiti

DIRE'S The Hollow SpiritTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon