---ARIES POV---
Mabilis akong naglalakad papunta sa aking silid aralan dahil ilang minuto nalang ay mag sisimula na ang unang klase halos isang linggo narin ang nakalipas buhat ng mag simula ang pasukan. Mabilis rin naman akong nakarating at may sapat na oras pa upang mag aral para sa darating na quiz mamaya. Agad ko din tinungo ang aking upuan at hindi na pinansin ang pandidiring ipinukol ng ibang estudyante sakin.
tahimik akong nag basa at isinasaulo ang mga napag aralan kahapon lamang at pilit nilalabanan na hindi bigyang pansin ang mga bulungan ng mga katabi ko hindi ko naman sila masisisi dahil sa itsura ng aking pananamit sira kasi ang uniform na suot ko dahil pinag lumaan na ito batid ko naman na sinira muna nila ito bago ibigay saakin ganon pa man ay nag papasalamat parin ako dahil kahit papano ay may isususot parin ako ang sapatos ko naman ay matagal nang naka buka ang unahan na nag mistulang gutom na buwaya dahil sa paminsan minsang pag buka nito. Buti nalang talaga at nagagawan ko pa ito ng paraan sa pamamagitan ng pag lalagay dito ng rugby. At habang nasa ganon akong posisyon ay sya namang paghampas ng isang notebook saaking ulo na hindi ko na ikinagulat pa.
kung tama ang iniisip ko ay malamang ang grupo ni Alex ang may kagagawan nito dahil sya lang naman ang nangunguna pagdating sa mga kalokohan. Hoy Aries nakita kita kahapon ah nagbibigay aliw sa mga matatandang matrona dun sa kanto malokong saad nito na sinabayan naman ng tawa ng mga kasama nitong sina Andrew at Mateo. Kilala silang tatlo bilang pinaka sutil na estudyante dito sa paaralan bukod kasi sa may kaya sila sa buhay ay talagang mga isip bata lang sila kung umasta kahit na halos mag kaka sing edad lang kami. Baka naman pwede mo rin kaming bentahan ng serbisyo mo dagdag pa nito habang hinahaplos ang likuran ko na sya namang dahilan upang mag tayuan ang lahat ng balahibo ko sa katawan. Hoy Alex tama na yan pag pigil naman ni Mateo baka pumayag yan ikaw din ang malulugi nakangising saad nito na syang ikinalingon ko. Oo nga naman alex hayaan mo na si baby Aries bata payan wag mo nang patulan siguradong hingal kabayo yan pag ikaw ang gumiling pambabatos naman ni Andrew na sinabayan pa ng mahinang pagtawa, yung totoo hindi ako natutuwa sa mga biro nila dahil napakabastos ng mga lumalabas sa bibig nila. Wag nga kayong kj dyan yun nga ang gusto ko eh yung baby pa sagot naman ni Alex na walang tigil sa pag haplos sa aking likuran na dahan dahang napupunta sa aking dibdib kaya bago pa man maglakbay ang kamay nito sa iba pang parte ng aking katawan ay agad din akong tumayo upang makaiwas sa pangmamanyak nito. Ayan tinakot mo tuloy si baby Aries natatawang saad ni andrew matapos kong tumayo nginisian lang sya ni Alex na patuloy parin sa pag lapit sakin at bago pa man ako ma corner sa pader ay sya namang pag pasok ng guro namin kaya mabilis rin nag si upuan ang ilan sa estudyante at maging ako ay napa upo narin dahil kilala ang prof namin na si sir Lenard sa pagiging terror nito. Walang nagawa sina Alex kundi ang bumalik sa kanilang upuan dahil maging sila ay takot kay sir lenard.
Nag simulang mag klase si sir habang walang tigil naman sa pangloloko sina alex sa akin mula sa likuran nandyan ang pamamato ng papel sabay mustra na para bang may sinusubo sila sa kanilang bibig na diko naman lubos na maintindihan ang ibig sabihin kaya imbis na panoorin at pag aksayahan pa sila ng panahon ay nag focus nalang ako sa pakikinig dahil siguradong may pa surprise quiz na naman si prof mamaya.
Maayos ang naging takbo ng iba pang klase mabuti nalang at naka iwas agad ako kina Alex at sa mga pangtritrip nito dahil pihadong labis na pamamahiya na naman ang aabutin ko dito. sa ngayon ay nasa loob ako ng library at nag aayus ng mga librong iniwan nalang basta ng mga estudyante nakakapagod ang araw na ito dahil wala si lola Salome dahil may binisita itong malayong kamag anak kaya mag isa ko lang iniintindi ang silid aklatan. Matapos ibalik ang lahat ng libro ay sumagi sa aking isipan ang aklat na itim kahapon kaya agad ko itong pinuntahan upang tingnan ngunit laking pagkadismaya ko ng maabutang wala na ito sa pinaglalagyan nito kahapon. Baka nakuha na ng ibang estudyante bulong ko saaking isipan sabay balik upang ipag patuloy ang pag sasasalansan ng libro. Ayus dito ayus doon walis dito walis doon halos kulang nalang itaktak ko ang buong silid aklatan upang masabi kong malinis na ang lahat. Kanina pa akong nag aayos at kanina ko paring napapansin na parang walang pumupuntang estudyante dito kahit isa kabaligtaran noong mga nakaraang araw na halos gawin na itong tambayan ng mga estudyanteng walang magawa kundi ang mag basa. Nakakapag taka talaga pero kung tutuusin ay maayos nadin ang walang gaanong tao dahil hindi ako gaanong mahihirapan sa pag bibigay serbisyo sakanila.
BINABASA MO ANG
DIRE'S The Hollow Spirit
Science Fictionthis story is all about fiction, fantacy, and magic. if you are interested kindly read this story and I promise you that it will be worth it to read.