IKASIYAM NA TAGPO

42 6 0
                                    

---ARIES POV---

Nasaan ako? Naguguluhan kong turan matapos magising sa isang hindi pamilyar na silid, ang silid na aking kinagisingan ay napapalibutan ng mga samutsaring halamang gamot at may ilan ding kasangkapan na wari koy ginagamit sa pag oopera. nalilito man ay minarapat ko nalang na tumayo upang lumabas sa silid at hanapin si izaac sapagkat hindi ko pa ito nakakausap noong mga sandaling may nag tangka sakanyang dumukot isa pa gusto ko ring malaman kung nasa maayos ba itong kalagayan. Sa aking pag labas ay bahagya din naman akong napahinto sapagkat hindi ko inaakala na makaka kita ako ng ganito kagandang lugar, sandal kong inilibot ang aking paningin sa malawak na hardin na napapalibutan ng matatas na kulay puting pader, makukulay na bulaklak at mga puno na hitik na hitik sa bunga habang sinasabayan ng ilang ibon na masayang lumipad sa paligid. Nasa ganoon akong tagpo ng may isang boses na pumukaw saaking labis na pag kamangha dahilan upang mabaling ang paningin ko dito. Buti naman at nagising kana nakangiting bungad sa akin ng isang matangkad na lalaki, kamusta maayos na ba ang iyong pakiramdam? Dagdag na tanong pa nito habang marahan akong sinisiyasat mula ulo hanggang paa kaya naman hindi ko maiwasang makadama ng kaunting pag ka hiya. May mali ba sakin? Naguguluhan kong bulong sa aking isipan Ah.....ehhh.... Ayos na naman ako sapalagay ko hehehe nahihiya kong turan sapagkat napaka gwapo ng lalaking nasa aking harapan, papasa na ito bilang isang artista kung sakaling nag mula ito sa mundong aking kinagisnan. Lihim ko namang sinulyapan ang kanyang mukha at dito nga ay kapansin pansin ang mapupungay nitong mga  mata, matangos na ilong, makinis na pisngi na sinabayan ng magandang hugis ng panga at mapupulang labi. tiyak na maraming babae ang nag kakandarapa dito bulong ko pa sa aking isipan, nakaw pansin din ang maganda nitong pangangatawan at morenong kulay na talagang nakapag padagdag pa sakanyang kagwapuhan. Mabuti naman pala kung ganun nakangiti nitong saad matapos akong tingnan. Ako nga pala si Mesiah isa akong tagapaglingkod dito sa kaharihan ng Eowyn sa pamumuno ni haring Akemi pagpapakilala nito sabay lahad ng kanyang kamay na taus puso ko namang tinanggap, ako naman si Aries ikinagagalak kitang makilala nakangiti kong saad dito matapos makipag kamay. Bahagya naman kaming natahimik ng ilang sandali kaya ako narin ang nag pasyang basagin ang nakaka binging katahimikan sapagkat may kailangan pa akong gawin. Matanong ko lang nasaan nga pala ako at nakita mo ba yung kaibigan kong si Izaac? Medyo nahihiya ko pang tanong sabay baling sa ibang direksyon dahil hindi ako mapakali sa paraan ng pag titig nito sa akin, wag kang mag alala maayos ang kaibigan mo kung gusto mo siyang makita ang mabuti pa ay sumunod ka sa akin naka ngiting pahayag naman nito matapos akong talikuran at mag simulang mag lakad papalayo agad ko naman itong sinundan dahil wala narin naman akong iba pang magagawa

Habang nag lalakad ay hindi ko mapigilang makipag kwentuhan kay Messiah. dito nalanman kong 20 taong gulang na sya at kasalukuyang humahalili bilang isa sa mga manggagamot ng kaharian, isa din siyang kawal ngunit mas pinag tutuunan nya raw ang larangan ng panggagamot dahil sa kaiju (kayju) na meron sya, medyo nalito din ako kung ano yung kaiju na binabanggit nya ngunit binalewala ko nalang dahil mukhang hindi naman na yun importante. Nalaman ko rin na pinsan nya pala ang anak ng mahal na hari kaya mas lalo akong nailang dito sapagkat nananalaytay  pala ang dugong bughaw sa kanyang katawan. Natawa pa nga ito nung sinubukan kong lumuhod sa harap nya para mag bigay galang ngunit agad naman ako nitong pinigilan sapagkat hindi naman na daw ito kailangan. Agad din naman naming narating ang isang malawak na pasilyo ng kaharian kung saan makikita mo ang mga kawal na seryosong nag sasanay at nag babatuhan ng mga samutsaring sandata halos napanganga pa nga ako dahil sa estilo ng kanilang pag eensayo sapagkat napaka liliksi ng bawat galaw nila at talaga nga namang may ibubuga pag dating sa labanan, hindi rin naman nag tagal ay nahagip ng aking mata ang isang pamilyar na lalaki kung saan sinusugod ito ng mga kawal ngunit halos walang mag tagumapay na madampian ito ng kahit isang daliri dahil sa galing nito sa pag ilag at pag suntok kaya halos walang nag tagumpay na makalapit dito, hindi ko naman mapigilan na mamangha sapagkat muli kong nasilayan ang estilo nito sa pakikipag laban na wari moy pinaglalaruan lamang ang mga kawal, bawat galaw ng katwan nito ay talagang may tinatamaan dahilan para walang masayang sa bawat galaw nito. Ilang sandali pa ay naagaw ng aking pansin ang isang lalaki na masyang kumakain at nakikipag kwentuhan sa isang maliit na lamesa kapansin pansin din ang masayang tawanan at kwentuhan ng ng mga ito na akala mo'y matagal ng mag kakakilala, Izaac! malakas kong tawag dito kaya naman napalingon ito mula sa aking kinatatayuan agad din naman itong kumaway pabalik ng may ngiti sa labi at inaanyayahan akong lumapit sa kanyang kinaroroonan, wala na naman akong nagawa kundi ang  pumunta sapagkat sya lang naman talaga ang pakay ko dito. Hindi na ako nag paalam pa kay mesiah sapagkat mukhang seryoso ang pinaguusapan nila ng ilang kawal kaya dali dali akong tumakbo patungo sa direksyon ni izaac. Uy Aries halika dito saluhan mo ako! Ang daming pagkain at ang sasarap pa, pag aya naman nito matapos akong lumapit hindi ko alam pero natutuwa ako sa inaasta nya sapagkat akala mo ngayon lang sya nakakain at halos mapuno na ang kanyang plato dahil sa dami ng pagkaing nakalagay dito kapansin pansin din ang ilang kawal na natatawang pinag mamasdan ito. Hindi naman ako nag dalawang isip pa at naki upo narin upang makisalo sapagkat kanina pa akong tanghali hindi kumakain, kamusta na ang pakiramdam mo izaac wala bang masakit sayo? Pag tatanong ko dito sa gitna ng aming pag kain agad naman itong tumingin sa akin at pilit na lumunok bago sumagot. Ayos lang naman ako bakit mo naman natanong? Takang sagot naman nito, ah eh wala ka bang naalala? Dagdag ko pa sapagkat mukhang wala sya ng natatandaan sa nangyari kanina lang. Hmmmm.... Pag iisip pa nito habang kumakagat ng manok. Ang pag kakatanda ko may humingi ng tulong sa akin kanina tapos tinulungan ko sya dahil likas sa tulad ko ang maging maawain pagkatapos nagising nalang ako sa isang silid at hindi ko na malala ng maayos kung anong eksaktong nangyari dahil wala akong matandaan basta ang alam ko lang masarap tong manok na to. Mahaba nitong pahayag bago kagatin ang manok. Buti naman pala kung ganun masaya kong bulong dahil mas maayos na kalimutan nalang nya yung hindi magandang karanasan na nagyari sakanya. Hindi na naman ako nag tanong pa at ipinag patuloy nalang ang aking pagkain

Masaya ang naging salo salo sapagkat napaka bubuti ng mga kawal sa amin napuno kami ng tawanan at minsan ay kaunting kantyawan mas naging masaya pa ito nung lumapit si mesiah sa amin dahil may taglay din palang kalokohan ang isang to. Makalipas ang ilang sandali ay naagaw ang aming atensyon dahil sa isang malakas na tunog ng trumpreta kaya dahilan upang mag si tayuan ang lahat ng nag sasanay at maging kami narin ni izaac ilang saglit pa ay may lumapit saaking isang lalaking may katandaan na at masaya ako nitong nginitian . Ikaw ba iho ang nag ngangalang Aries? Malumanay na tanong n nito kaya naman agad akong napaayos ng tayo at agarang tumango, opo ako nga po, ano pong kailangan nyo sa akin? Medyo taka kong tanong sapagkat hindi ko alam ang pakay nito sa akin, magaling kung ganun! Ako nga pala ang punong abala ng palasyong ito at kanang kamay ng haring Akemi pag papakilala naman nito kaya bigla nalang akong napatungo bilang pag bibigay galang, ikinagagalak ko po kayong makilala nanginginig kong saad sapagkat may masama akong nararamdaman sa paraan ng pag titig nya, ikinagagalak din kitang makilala Aries masayang pag tugon naman nito na may ngiti sa labi dahilan upang mangilabot ang buo kong katawan.





Fast forward......

Ano!!!, Oo aries tama ang narinig mo nagagalak na turan ng Hari matapos sabihin ang malaking rebelasyon na babago sa aking buhay, hindi pa man ako nakakasagot ay sumingit na agad ang isang lalaki na nag pupuyos na sa galit, Ama nababaliw kana ba anong kahangalan ang sinasabi mo! Malakas na bigkas nito kay haring Akemi, Maliwanag ang sinabi ko Jayron at alam kong matalino kang tao kaya hindi ko lubos maisip kung ano ba ang kinagagalit mo? Malumanay na sagot ng hari, ngunit ama naririnig mo ba ang iyong sarili gusto mo akong ipakasal sa lalaking yan! Ama parehas kaming lalaki at malala pa dun hindi ko kilala ang hampas lupang yan galit na galit na sagot nito na wari moy sasabog na anumang oras. Hindi na naman ako nakapag timpi pa dahil hindi lang naman sya ang may ayaw kundi maging ako narin kaya minarapat ko ng sumagot dahil naiinis narin talaga ako sa pinag sasabi ng lalaking to, mawalang galang na po haring akemi ngunit hindi rin po ako makapapayag na ikasal sa anak nyo dahil hindi pa ako nasisiraan ng bait para gawin yon, medyo mabagal ngunit may halong inis na pag sasaad ko sabay tingin sa anak nito ng masama bago bumaling sa mahal na hari at isa pa po hindi naman ho ata tama na gawin nyo akong kabiak ng inyong anak dahil lang sa nagustuhan nyo ang luto ko dagdag ko pa. Wala na kayong magagawa pa kundi tanggapin ang aking pasya sapagkat alam kong pasasalamatan nyo rin ako pag tagal ng panahon, malumanay na pahayag naman ng mahal na hari at mababakas mo na wala sya ng pinag sisisihan sa kanyang ginawang desisyon. Hindi ako makakapayag Ama kung ano man ang iniisip nyo mabuti pang itigil nyo na dahil kailan man ay hindi ako makaka payag na matali sa isang taong kagaya nya matigas na  sagot naman ni jayron matapos ako tingnan ng matalim at lisanin ang silid. Naiwan naman akong tulala at hindi alam ang gagawin sapagkat hindi ko lubos maisip kung ano ba talaga ang nangyayari agad din naman akong bumalik sa realidad ng mag salita ang mahal na hari. Bweno narinig nyo na ang aking pasya ang mabuti pa ay pumunta kana sa silid ng iyong magiging kabiyak masayang saad ng hari sabay baling ng tingin kay mesiah, anak maari mo bang ihatid si Aries sa magiging kwarto nila pag utos ng hari na malugod namang sinang ayunan ni mesiah, masusunod po kamahalan nakangiting sagot nito matapos akong alalayan palabas ng silid.

DIRE'S The Hollow SpiritTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon