C H A P T E R 2

2.3K 177 44
                                    


Dedicated to InfinityxBlack thanks po sa paggawa ng cover ko hihih ^_^

Eunice @ the media ~~~~~~~>
(Suzy Bae of Miss A)

***

C H A P T E R  2 : Friends??

EUNICE

Nakakaboring talaga dito. Mag isang pupunta ng cafeteria. Mag isang kumakain,wala man lang makasabay. Yung may makaka-kwentuhan ka,yung masasabihan mo ng problema,kasama sa mga kalokohan,yung buong araw magsho-shopping. Hindi ko aakalaing mami-miss ko magkaroon ng kaibigan. Pero kahit nangungulila ako ng kaibigan,hinding-hindi na ako makikipag-kaibigan ulit. Kung may mga man hater well,ako naman Friends-hater. Psh. Sorry bitter lang talaga ko.

Haays. Ang sakit talaga nila sa mata. It's Melanie,Jhem,Abie,LJ and Reichelle. They were having a happy conversation. Masaya silang tingnan nagtatawanan na magkakaibigan. Bigla silang napatingin sa gawi ko na parang may lungkot sa mga mata nila. Nag iwas na lang ako ng tingin at bumalik na sa classroom.

Well,friends? I used to have friends when I was a kid. Pero ngayon ang friends sakin their characteristics are b*tch,backstabbers,manloloko,mang-iiwan,liars and most of all plastics. Hindi ko napansing may tumulo na palang luha sa mga mata ko. Marahas kong pinunasan ito at tinuon ang atensyon ko sa paglalakad ko.

Napatigil lang ako sa paglalakad ng may tatlong babaeng magkakaibigan na nakaharang sa daraanan. Ayoko sa lahat ay yung nakaharang dinadaanan ko lalo na pag badtrip ako.

"Hahahah kaya nga! Pfft- yung mukha nya priceless grabe laughtrip hahahah" huh. Ang saya nya ah. Tingnan lang natin.

"Hahah kaya nga ehh—" pinutol ko na yung sasabihin nya.

"Excuse me" pagsingit ko sa kanila. Nagulat naman sila sa presensya ko.

"P-po?" Sagot naman nilang tatlo. Psh. Mukha silang tanga.

"Hindi nyo ba alam na nakaharang kayo sa dadaanan ko?" Naiiritang tanong ko sa kanilang tatlo.

"Ayoko sa lahat ang nakaharang dadaanan ko. Ang lawak-lawak ng corridor, pero sa gitna pa talaga kayo tumigil at nagtawanan. Hindi nyo ba alam na mukha kayong tanga?" Isa-isa kong pinagtututulak ng hintuturo ko yung mga noo nila.

"Sorry po Ms.Eunice" sabay sabay na sabi nila habang nakayuko. Nakita ko naman sa peripheral view ko sila Jhem.

"By the way,magkakaibigan kayo right?.." sabay sabay silang tumango.

".. hindi lahat ng kaibigan tunay,always remember dadating ang araw na iiwanan rin kayo nyan" sabi ko sa kanila at nag-lakad na paalis. Psh. Bitter na kung bitter i just don't forget the pain that breaks my heart. Damn friends!

LJ

Nasaksihan namin yung eksena ni Eunice dun sa tatlong makakaibigan. Haays. We really miss her. Haaays. Kung maibabalik lang talaga namin yung past.

"I miss her" nagulat kami na sabay-sabay naming nasambit yun ng hindi namin alam.

"Hahah" napatawa nalang kami.

"Alam naman natin na para sa atin yung sinabi nya at hindi para dun sa tatlo" sabi ko habang naglalakad papuntang room.

"Kaya nga. Masyado syang nasaktan sa ginawa natin last 5 years. Hindi parin talaga sya nakaka-move on" pagsang-ayon naman ni Jhem sakin sabay ngiti. A sad smile.

"I guess.." napatingin naman kami sa nagsalitang si Reichelle.

".. this is the right time para itama yung mga nagawa natin sa kanya. And at the same time ask forgiveness" dagdag nya pa atsaka ngumiti.

6G Princesses (FFWC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon