C H A P T E R 18

686 51 12
                                    

Happy 5.69K reads ^_^ last 2 chapters ^_^ alabyoww all :*

Dedicated @NerdyAra23  and  @sunshine_02  salamat po ates :D alabyoww :*

C H A P T E R  18: Angelika Eunice Buenavista

THIRD PERSON

Pagkagising ni Eunice,agad na bumungad ang mga mukhang nakangiti,ang mga taong bumubuo sa pagkatao niya. Mula sa pamilya niya,mga kaibigan,mga naging parte ng kanyang mahabang paglalakbay at ang kanyang pinakamamahal. Napangiti siya ng wala sa oras dahil sa mga taong bumungad sa kanyang pag-gising.

"Anong meron?" Agad na naitanong ng dalaga dala ng pagkabigla.

"Masama bang maging kumpleto sa pag-bisita sa aming prinsesa?" Nanlalaki ang mata ni Eunice sa boses na narinig kaya agad siyang napalingon sa pinto at nakita ang kanyang Daddy na nakangiting nakatingin sa kanya na may dalang prutas agad siyang niyakap nito.

"Waaaah! Daddy kailan ka pa po nakauwi?" Gulat na tanong ni Eunice.

"Hahah. Kanina lang Baby—I mean Princess pala. Heheh" Parang tangang sagot ng Dad ni Eunice. Nagtaka naman ang dalaga sa pagbawi ng Dad niya sa Baby ay naging Princess.

"What's wrong?" Nagtatakang tanong ni Eunice.

"Ahehe Ba—I mean Princess sabi ko kasi kay Dad mo na stop calling you "baby".." with matching quotation marks in the air na sabi ng Mom ni Eunice na parang baggets pa at tinuro ang kasintahan nito at ang kanyang anak.

"What?"

"Hehehh yun kasi yung endearment niyo ni Prince eh" pang-aasar ng Mom ni Eunice sabay wink.

Waaaaah! Bakit kailangan pang sabihin yun? Nakakahiya kaya!

Sa isip-isip pa ni Eunice. Bigla namang namula ang dalawa na nag feeling pang kamatis. Mabuti na lang at malaki ang nilipatan na kwarto ni Eunice at kasya silang lahat. Sa katunayan,para itong maliit na bahay.

"May contest ba na papulahan ng mukha kayong dalawa?" pangongontra ni Shane.

"Tss" pagsusungit naman ni Prince na nakabawi na sa pamumula ng mukha niya.

"Hey,hey! Tama na yan,yo! Lez just eat" pagsasaway pa ni Nathan na kapatid ni Darren na umakto pang nagdi-dj.

"Umayos ka nga!" Nahihiyang sabi ni Darren habang siniko pa ang kapatid.

"Baby..." sabi pa ni Prince at lumapit sa kinahihigaan ni Eunice.

"Hmm?" Nakapikit na sabi ni Eunice habang pinakikinggan ang mga ingay sa paligid.

"You okay?" Tanong ng binata habang hinahaplos ang buhok ni Eunice.

"Yeah" matipid na sabi ni Eunice at nginitian ang kasintahan. Agad namang napangiti ang binatilyo dahil sa pagngiti ng dalga.

"Ehem!" Pagpaparamdam ng mga kaibigan nila.

"Tss. Problema niyo?" Pagsusungit ni Prince habang naka-alalay ang isang kamay sa ulonan ni Eunice at nakatingin sa kanila.

"May naisip ako!" Sabi ni Ranz habang nakataas pa ang hintuturo na tila ba tuwang-tuwa sa naisip niya at ngumiti pa ng nakakaloko.

"Nako,Baby Boy! Siguraduhin mong maganda 'yang naisip mo huh!" Pataray na sabi ng Baby Girl ni Ranz na si Abie.

"Ano ba yan?" mataray na tanong ni Reichelle habang nakahawak pa si CAV sa beywang nito.

"Ito ang mechanics,patagalan tayo kung sino ang may pinakamahabang time na naconsume mananalo ng 3 gallons of ice cream,any flavor!" Masayang tugon ni Ranz na parang tangang pumapalakpak pa.

6G Princesses (FFWC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon