C H A P T E R 3

1.4K 147 16
                                    


Dedicated to 8gigabytes hihih thanks for being my inspiration to make this story ate Eunice ^_^ labyoww po. Sana po hanggang dulo suportahan yung story ko ^_^

Reichelle @ the media ~~~~~~~>
(Krystal Jung of f(x))

***

C H A P T E R 3 : Operation: Make 6G Bring Back Together Again

REICHELLE

"Haaays" sabay-sabay na pag-sigh namin,siguro hindi lang sampu yung buntong-hininga na nagawa namin simula kaninang umaga pagka-gising namin. Sabado kasi ngayon kaya nandito lang kami sa bahay ng 6G- ay lima na nga lang pala kami.

"Nabo-bobo na ako kakaisip kung anong unang step na gagawin natin para humingi ng sorry kay Eunice" iritadong sabi ni Melanie. Sabay kalmot sa couch na inuupuan nya.

"Oo nga, kaninang umaga pa tayo palitan ng palitan ng buntong hininga, buti na lang talaga mababango hininga natin" saad naman ni LJ.

"Loka!" Natawa naman kami sa reaksyon ni Jhem. Tsk. Buti na lang talaga may mga kaibigan akong tulad nila na kahit papano nakakalimutan kong may problema ako.

"LJ,diba ikaw yung pinaka-close ni Eunice? Baka may alam ka namang kahinaan nya na pwede nating gamitin para mabilis nya tayong mapatawad" pagsu-suggest ni Abie.

"Wala nga kong maisip eh" sabi nito sabay pout.

"Alam ko na!" Napatingin naman kami sa sumigaw na si Melanie.

"Ano?" excited na tanong namin at aba't nag-grin lang ang bruha.

***

EUNICE

Naisipan kong pumunta muna sa rooftop at magpahangin. Gusto ko munang makapag-isip ng maayos at makahinga ng maluwag. Fudge! I miss them. I miss the old us. Yung walang ibang iniisip kundi ang kapwa 6G, yung magkakasama at masasayang nagku kwentuhan palagi. Kung hindi lang talaga dumating si Shane para sirain yung pagkakaibigan namin. Si Shane kasi nung grade 4 lang namin sya nakilala pero hindi ko naman inaasahan na sobrang laki ng galit nya sakin na umabot sa puntong muntik nya kong mapatay. Haaays. Naninikip na naman yung dibdib ko sa tuwing naaalala ko yung insidenteng yon.

Sana,sana dumating yung araw na mabuo ulit ang 6G kahit alam kong imposible. Pero kahit naman ayokong makipagkaibigan,kahit bitter ako sa mga may kaibigan dahil ako ay dakilang loner, hindi pa rin naman mawala sakin ang katiting na pag-asa'ng babalik sa dati ang 6G.

***

Naisipan kong pumunta ng mall ngayon dahil mabo-boring lang ako sa bahay. Ikaw ba naman try mo. Nakakulong sa kwarto walang makausap at tanging maids and butlers lang ang makakasama mo. Sinong hindi mabo-boring don? Tsk.

Pumunta muna akong Jewelry Shop trip ko lang bumili ng sing-sing. Agad namang nakakuha ng atensyon ko yung sing-sing na pangarap naming bilhin ng 6G nung mga bata pa lang kami. Agad namang tumulo yung luha ko nang magpop-up sa mukha ko yung 6G.

***

"Wow ang ganda nung singsing" hangang-hangang sabi ko habang nakatingin sa singsing. Nakatuon lang ang atensyon namin doon.

"Miss can we buy that?" Nagsha-shine pa ang mga mata ni Reichelle habang nakaturo sa singsing actually its a couple ring.

"Uhm.. ma'am it's actually a couple ring and the size of the ring doesn't fit your ring finger ma'am" paliwanag samin nung saleslady.

"But.." naiiyak na sabi ni Jhem.

"Paglaki natin bibilhan ko kayo ng ganyan. 3 couple ring to be exact 'coz 6 naman tayo,kasi masyadong big yung ring kaya hindi magkakasya sa finger natin" pagpapaliwanag ni LJ sabay taas ng ring finger nya.

"And that ring will stand as the witness for our friendship!" Masiglang sabi ko.

***

Umalis na lang ako sa Jewelry Shop dahil naninikip lang ang dibdib ko tuwing nagfa-flashback lang sakin yung mga memories ko with them. Pansin nyo? Madalas sumikip yung dibdib ko? Huh! Walang basagan ng feeling bakit aangal kayo? Psh. Like I care! Haha.

Nagpunta na lang akong Candies' haha. Trip ko lang may nakita akong pink dress eh and I find it cute.

Kukunin ko na sana yung pink na dress nang may makasabay akong kumuha nito. Huh mukhang may masasampolan ako ngayon ah.

"Sorry miss nauna akong kumuha nito" sabi ni nung babae'ng nakasabay kong kumuha nung dress.

"Nabayaran mo na ba?" Mataray kong tanong.

"Hindi pa pero ako ang nauna" huh let's see.

"Okay then let's see" sabi ko while smirking. Nakita ko namang napunta ang tingin nya sa price tag.

"A-ah s-sige miss s-sayo na lang i prefer that b-blouse than this" sabi nya sabay turo sa blouse na nasa likod ko. Napalingon naman ako sabay kuha nung blouse na nasa likod ko sabay lakad papuntang cashier.

"Miss,i'll take this" nakita ko naman sa peripheral view ko na nanalalaki yung mata nung babae.

"Ma'am, 19,559 po lahat" sabi nung cashier. Inabot ko na lang yung credit card ko.

"Thanks, ma'am. Come again" masiglang bati nung babae.

"Here" patulak kong binigay yung paper bag dun sa babae. Kaya napaatras ng konti yung babae. Ganun ba ko kalakas para mapaatras sya sa ganong tulak? O sadyang mahina lang talaga tong babae'ng to? Tsk.

"P-po?"

"Take this. It's all yours. But next time be sure na hindi ka mapapahiya sa mga pinipili mong desisyon. Isipin mo muna kung anong kalalabasan ng gagawin mong iyon" sabi ko at saka nagsimulang maglakad palayo. Narinig ko namang sumigaw yung babae ng 'thank you' tsk! Ano bang nangyayari sakin? Dapat sinasapak ko na yung mga ganon eh. Anyare? Dapat ...

***

May continuation pooo

6G Princesses (FFWC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon