17

5 0 0
                                    

Lia

I was spending my days on Zach's condo. Hindi naman daw niya to ginagamit kasi lagi siyang nasa kanila kaya okay lang daw na dito muna ako pansamantala.

Hindi rin namin pinaalam kay Thea iyong nangyayari sa amin ni Kyle.

It was...

Suffocating.

He wouldn't give up.

I filed for annulment but Kyle wouldn't sign it. Gusto pa yata niya na sa korte kami magkita.

Ang tigas ng ulo.

But I didn't want us to go to court. Masisira ang pangalan niya. Saka wala akong pera.

Wala akong pera. Ni kusing wala ako.

Ayokong gamitin iyong pera namin ni Kyle sa joint account kasi sa kaniya naman talaga yon.

Nangutang lang ako ng pera ngayon kay Zach para sa pagkain ko.

Pero sana matauhan si Kyle.

I didn't want to continue this nonsense much longer.

"Lia," Zach called when the door to his condo opened.

"What is it?" Tumayo ako agad sa sofa para batiin siya pero nagulat ako nang kasama niya si Kyle.

He looked... tired.

"Lia, please, let's fix this."

Agad na umalis si Zach para bigyan kami ng privacy. Gusto ko siyang habulin. Ayokong makita si Kyle. Ayoko siyang makausap. Ayoko siyang marinig. Ayoko siyang maamoy. Ayoko.

Kasi baka bumigay na naman ako.

Katulad nung dati.

Ang hirap.

Sobrang hirap.

"We have nothing to fix, Kyle. Just please, sign the annulment papers." Pagmamakaawa ko.

"No, no, let's go home." Lalapitan niya ako pero lumayo ako agad.

"Ayoko na kasi, Kyle. Pagod na pagod na ako sayo..." Tumulo na naman iyong luha ko.

Tangina.

Araw araw nalang ba akong iiyak?

Nakakapagod na kasi.

"Lia... sa tingin mo ako ba hindi?"

"You're the one who chose this!"

Napaluhod ako sa panginginig ng binti ko. Nanginginig ang buong katawan ko. Hindi ko kayang makipagtalo sa kaniya. Gusto ko nalang siyang iwan ako.

"Please... sign the papers..."

"No,"

"Kyle... please. I'm begging you. Ayoko na..."

But instead of hearing an answer from him, lumabas siya. Nilakasan niya ang sara ng pinto kaya medyo nabigla ako.

Why was he mad? Siya ang namili nito! Ang selfish niya. Ang selfish selfish niya.

"Lia, are you okay?" Pumasok agad si Zach.

Tumayo naman ako at pinunasan ang mga luha ko.

Lakasan mo, Liandra.

"I don't know what to do, Zach... Ayaw niyang pirmahan iyong annulment papers... Paano naman ako? Pagod na ako, pagod na pagod na ako... Pero balewala lang sa kaniya..."

Zach enveloped me in a warm embrace. Umiyak lang ako sa kaniya.

"Everything's going to be alright. He's just... confused. I think you both are."

GreedWhere stories live. Discover now