18

6 0 0
                                    

Lia

Kyle hasn't signed the papers yet.

Hindi na kami ulit nag usap pa pagkatapos nung sa marriage counseling.

He didn't want to do anything. Sabi niya bigyan ko lang daw siya ng konting oras.

And I was okay with it.

Inaasikaso ko na din iyong resume ko. I need to look for a proper job. Medyo mahirap kasi hindi na ako fresh graduate, pero okay lang naman.

Hindi rin muna ako nakikipag usap kila Oscar at Aaron. I didn't want Kyle to think that I catched feelings for someone else kaya pinupush ko iyong annulment.

Hindi naman iyon ang totoo, pero ayoko pa rin na ganoon ang isipin niya. Mahal ko naman siya kahit papaano.

"You know, pwede ka nalang mag apply sa Mama ni Aaron, kailangan namin ng Software Developer."

"Ayoko, it'll be awkward. You're there, Zach's there, tapos Nanay pa ni Aaron magiging boss."

She rolled her eyes. "It's awkward if you're purposely avoiding the dude. It's not awkward for everybody else. Are you purposely avoiding him?"

"Yes,"

"Stop being too stubborn and work with us!"

Ang weird kasi kung sakali. But I badly need a job that pays well. Kailangan ko nang umalis sa condo ni Zach at bayaran siya. Nakakahiya na kasi.

And the position up for hire in their company pays well.

Ah, fuck.

--

I ended up applying for Aaron's family company. Ito kasi ang pinaka mataas mag bigay ng sahod sa lahat ng chineck ko na company.

And I badly need the money now.

"See! This isn't so bad."

"Fine, fine." I mumbled and placed down my things. Meron na akong maliit na office agad. Ang astig lang. "Did you bribe them, though?"

"No one bribed them, ganito lang talaga ang mga software developers."

"Totoo ba?"

Instead of answering, she rolled her eyes at me.

Taray.

Iniwan na din ako agad ni Thea after niya magsabi ng mga bilin. Nasa email ko na lahat ng tasks na kailangan kong kumpletuhin ngayong week kaya inumpisahan ko na agad.

Everything went breezily smooth. Tanda ko pa naman kasi iyong mga pinag aralan nung college, kaya nadalian nalang ako sa mga basics, hanggang na wing ko nalang lahat.

Malaki ang ngiti na lumabas ako ng office para magdinner. Sabay sabay kaming tatlo nila Thea magddinner sa cafeteria.

"Ang dali lang naman, hindi niyo ba kaya yun?" I bragged.

"Ang yabang ha," Thea teased. "Ang dami naman kasi nila magbigay ng tasks. Dun nalang ako sa pinaka madali at maluwag na position. Wala naman akong binabayaran na bills." She stuck out her tongue.

Sana all walang binabayarang bills?

"Free loader ka lang eh," Zach mocked.

I followed, "True."

"Douches."

Ganoon lang kami lagi, papasok sa office ng hapon at doon magsstay hanggang midnight. Nung una di pa ako sanay kasi hindi ako sanay magpuyat, pero kinaya ko naman na.

Kalaunan din natutuwa na ako sa trabaho ko. Akalain mo yun, masaya rin pala mapagod? Basta naman kasama sila Thea, masaya ako eh.

"Christmas party na natin next week, nakabili na ba kayo ng exchange gift?" Thea asked. "Sino bang nabunot niyo?"

GreedWhere stories live. Discover now