Marahang tinulak ko ang puting gate at pumasok sa front yard ng mini rest house ng kaibigan ko. Refreshing ang exterior design ng nasabing bahay, may maliit na garden sa gilid at may mga halaman sa paligid. Simple pero attractive."Chance?"
Nakabukas ang front door at nag-alinlangan ako kung papasok ba ako o hindi... Napakatahimik pa ng paligid.
"Chance?" tawag ko ulit sa kanya.
Pumasok na nga lang ako. Pagkatuntong ko sa loob, parang mabibingi ako sa katahimikan na sa sobrang tahimik talaga parang mananayo ang balahibo ko sa hindi malamang kadahilanan...
"Chance? Nandito ka ba?"
Awtomatikong napatakip ako ng ilong ko nang amoy alak ang looban ng bahay. Nang tingnan ko ang maliit na lamesa sa gilid ng kama, nakita kong may dalawang bote ng alak na naroon. Ang isa'y wala nang laman at ang isa nama'y mayroon pang kalahati.
Nasaan na ba si Chance? Sabi niya dito lang daw siya kaya nga pinuntahan ko!
Pinagmasdan ko nalang ang paligid ng mini rest house. Puti ang kulay ng paligid, para bang napakamisteryoso ng dating at ng pagkatao ng may-ari.
Napalingon bigla ako sa likod ko nang may naramdamang parang may nakatitig sa akin at may nakasunod sa likuran ko... pero wala naman akong nakitang tao.
Creepy!
Nasaan na kaya si Chance?
"Chance? Nandito ka ba?"
Walang sumagot. Parang wala naman ang kaibigan ko dito at parang walang katao-tao pero hindi ko alam kung ba't parang nakakaramdam ako ng takot at kaba.
Naglakad ako papunta sa mesa at inilapad doon ang dala kong box ng pizza na pagsasaluhan pa naman sana namin ngayon.
"Mukhang wala namang tao. Chance, mukhang pinagloloko mo yata ako. Alis nalang ako ha? Pizza nga pala para sayo. Una na 'ko, Chance- ay kalabaw!" gulat na gulat ako at parang aatakehin sa puso nang bigla nalang siyang lumutang sa harapan ko nang papalabas na sana ako.
"Natasya... Dumating ka, Natasya..." nakangiting aniya.
Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako sa ngiti niya, sa presensya niya at sa bigla niyang paglutang sa harapan ko nang sinabi kong aalis nalang ako.
Pansin kong medyo pawisan siya.
"Uhm, Chance... nandiyan ka lang pala!" I tried to sound and act normal.
"Oo, kanina pa nga kita hinihintay eh..." humakbang siya palapit sa akin.
Hindi ko talaga mawari ang takot na nararamdaman ko sa mga sandaling ito!
Umatras ako tapos mabilisan siyang nilagpasan. "Ah oo... Buti nga nandiyan ka na, alis na ko ha."
"Teka!" agaran niya akong hinawakan sa magkabilang braso ko para pigilan. "Akala ko ba pinuntahan mo ako para samahan ako dito..."
"Uhm, kasi naalala ko bigla, Chance, may kailangan pa pala akong tapusing trabaho sa opisina-"
"Mas importante naman ako sa kung anong gagawin mo... kaya dito ka nalang muna. Samahan mo ako dito."
Sinubukan kong tanggalin ang hawak niya sa mga braso ko pero mas lalo lang niyang hinihigpitan ang hawak sa akin.
"Chance, importante 'yon."
Kinakabahan na talaga ako...
"Mas importante ako kaya hindi ka aalis." pinal ang tono niya at may diin roon.
"Chance-"
Binitawan niya ako, akala ko hahayaan na niya akong umalis pero hindi... mali pala ako dahil isinarado lang niya ng maigi ang pinto.
BINABASA MO ANG
Je T'aime (Completed)
RomanceRage, despair, obsession... ©All Rights Reserved, 2018 Retitled as "Maging Akin Ka Lamang" on the author's Youtube channel for the full audio drama version. Link: https://www.youtube.com/playlist?list=PL4IJON5FY5FUel-1bWR0CNE3qVqCGbT2d