NINE

2.4K 57 11
                                    

NINE: "Je t'aime..."

[Natasya's POV]

LINGGO ng umaga nang magising ako at pababa ng hagdan nang mapansin ang tumpok-tumpok na cellophane ng mga rambutan at mangga na dala-dala ng mga katulong namin at ipinapasok sa kabisera.

"Good morning po, miss Natasya." bati pa nito sa akin habang yakap ang dalang tumpok na cellophane ng rambutan.

"Good morning." I greeted her back. "Ano 'yan?"

"Rambutan po, miss, saka mangga. Fresh po at bagong pitas pa sa mga puno. Tikman n'yo po." sabi niya sa binuksan ang cellophane ng prutas.

Pumuslit ako ng isang rambutan. "Kanino galing? Nagpa-order si mommy?"

Mom loves fruits, as well as I do.

"Ah, hindi po, miss. Dala po nu'ng batang Scottville, si Mr. Chance kung hindi po ako nagkakamali? Yung bumisita dito no'ng last Saturday. Dala niya po, miss."

Si Chance?

"Si Chance? Nandito si Chance?"

"Opo, miss. Nasa porch po ngayon kausap ng mommy ninyo at ng kuya Zander n'yo."

Kinuha ko ang balat ng rambutan at tinikman ito. Halos mamilog ang mga mata ko sa tuwa dahil ang tamis nito at masarap! Fresh na fresh pa nga at mukhang hindi binabad sa fertilizers.

Napapuslit ako ng isa pa at binalatan ulit para kainin tapos isa pa at isa pa.

"Ano, miss? Masarap po 'diba?" natutuwang anang katulong.

Masiglang tumango ako. "Oo."

Pumuslit pa ako ng apat na rambutan bago tuluyang dinala 'yon ng katulong sa aming kabisera. Ako nama'y dumiretso na sa porch.

Kitang-kita ko kaagad sina kuya Zander at Chance na naglalaro ng chess doon.

"Kuya! Chance!" masiglang tawag ko sa dalawa.

Napalingon sila pareho sa pagdating ko.

Ngumiti si Chance at tinigil muna ang paglalaro para tumayo at salubungin ako ng yakap. "Natasya!"

"Anong ginagawa mo rito? Kanina ka pa?"

"Wala. Namamasyal lang. Hindi naman, bago lang din."

Umupo ulit siya sa tapat ni kuya at nagpatuloy sila sa paglalaro.

So, close na sila niyan ha?

"Nakita ko na nga pala yung mga dala mong rambutan at mangga. Grabe, ang tamis ng rambutan, masarap! Uy, salamat ha? Nag-abala ka pa."

"Talaga? Nagustuhan mo? Wala 'yon. Ayos lang, marami kasing bunga at harvest ngayon doon malapit sa rest house ko, tamang-tamang napadaan ako kanina kaya bumili na 'ko."

"Malamang tuwang-tuwa 'yang kapatid ko dahil masyado 'yang matakaw kaya kahit ano tatanggapin basta pagkain!" singit naman bigla ng nang-aasar kong kapatid.

Pinanliitan ko nga ito ng mga mata. Hindi naman ako pinapansin kasi naka-focus sa paglalaro ng chess! Si Chance nama'y marahang natawa nalang sa banat sa akin ng magaling na kuya Zander!

"Uy, uy! You stop teasing your sister, kuya Zander ha!" bigla ay sumulpot si mommy at dinaluhan ako.

Kaagad naman akong nakahanap ng kakampi sa ina at kumapit sa braso nito. "Mommy oh, inaaway ako ni kuya!"

"Zander, Natasya, tama na 'yang asaran. Hindi na kayo mga bata." marahang saway naman sa amin pareho ng kasusunod lang din na si daddy. Binalingan pa nito ang bisita namin. "Pagpasensyahan mo na ang magkapatid na 'yan, hijo. Ganyan lang talaga maglambingan minsan 'yang mga 'yan. Feeling mga bata."

Je T'aime (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon