SEVEN

2.7K 79 9
                                    

SEVEN: "You're all I need beside me, girl..."

PAGKABABA ko palang ng kotse ko, hindi ko alam kung ba't pinandigan bigla ako ng mga balahibo ko. Kararating ko lang sa bar ko at nag-park ako sa parking space. Binabagtas ko ngayon ang kadiliman at kalawakan ng parking space habang ramdam ko talaga ang pananayo ng mga balahibo ko.

Parang kinakabahan ako na kung ano. Ang creepy! Pakiramdam ko may nakasunod sa akin o may nagmamasid na kung sino sa akin mula sa kung saan. Weird.

Nang lingunin ko ang likuran ko, wala namang tao. Dinalian ko nalang sa paglalakad kasi pakiramdam ko, may nakasunod talaga sa akin, parang may humahabol na kapag naabutan ako hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin!

Halos takbuhin ko na ang mga nadadaanan kong sasakyan para lang makarating kaagad sa may tapat ng bar ko at kung saan marami nang tao. Isolated at walang tao dito sa kalawakan ng parking space eh, lahat mukhang busy sa pagsasaya sa loob ng bar.

"Oh my gosh! Ahh!" halos mapatalon ako nang tumili sa gulat at takot nang may bigla nalang sumulpot sa harap ko.

"Natasya! What's wrong?" kaagad namang nag-aalalang dalo ng kaibigan ko.

Halos malaglag ang puso ko sa gulat at relief nang makitang si Chance lang pala!

"Chance naman! Tinakot mo 'ko!" sabi ko habang sapo-sapo ang dibdib ko.

"What? Bakit? Okay ka lang?" he gently held my arms to scan me.

"Bigla-bigla ka nalang kasing sumusulpot!"

"Tamang-tama kasi nang bumaba ka ng kotse mo, kaka-park ko lang din kaya sinalubong kita. Hindi ko naman alam na magugulat pala kita."

Hindi na 'ko nagsalita. Pinakakalma ko na lamang ang sarili ko. Nagiging magulatin na 'ko, siguro kailangan ko na ring iwas-iwasan ang pagkakape tuwing umaga.

"I'm sorry, Natasya." he apologized.

Umiling ako't hinila na lamang siya papasok ng bar. "Tara nalang sa loob."

Nagpatianod naman siya. "Tara!"

Nakarating kami sa loob at kaagad na nasipyat ng mga mata ko ang taong kilalang-kilala ko mula sa may 'di kalayuang table... may kasamang mukhang kilalang-kilala ko rin. They even seem enjoying each other's company.

"Si Eden 'yan 'diba?" ani Chance sabay turo sa kaibigan ko.

Tumango ako.

"Magkasama sila ni Hades? Magkakilala pala silang dalawa?" patuloy niyang tanong.

'Yan ang hindi ko alam pero kung titingnan maigi, parang magkakilala na nga ang dalawa dahil natatawanan pa sa kung anu-anong pinag-uusapan habang nag-iinuman.

Of course, I remember Hades. Ito lang naman 'yong may pagka-playboy na kasama ni Chance dito noon no'ng una kaming nagkakilala ng huli.

Nagkatinginan kami ni Chance at para kaming mga detective na nakuha kaagad ang punto ng parehong iniisip ng bawat isa.

"Let's go!" pagyayaya ko sa kanya at dumiretso na sa table nina Eden at Hades.

"Eden? Hades!" natutuwa na nanunukso kong bungad sa dalawa.

"Nati, you're here!" liberated namang sagot ng kaibigan ko at bahagyang kinawayan lang ako.

I knew it. Mukhang tinatamaan na ito ng alak.

"Hey, Chance!" bati din niya sa kasama ko.

Ngumiti at pasimpleng nag-salute si Chance para bumati sa dalawa.

Je T'aime (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon