FOURTEEN

2K 61 8
                                    

FOURTEEN: "Surprise and serenade."

"NATASYA! Natasya!"

Napalingon ako kay Eden nang hingal na hingal na tinatawag ako para pang-abutan sa kabisera.

Kasalukuyan akong nagmo-monitor sa mga inumin at nagbibigay instruksyon sa mga waiters and waitresses ko nang bigla nalang nagmamadali at tarantang-taranta na sumabad si Eden.

"Oh Eden? Ano 'yon?"

Sapo-sapo niya ang dibdib at hinahapo pa nang hinawakan ako.

Tinapik ko naman siya sa balikat, nag-aalala.

"Nat, may nangyayaring hindi maganda sa labas..." hinihingal pa rin talaga siya.

"Ha?" kinabahan na 'ko. "Anong hindi magandang nangyayari, Eden?"

"Si Chance..."

Natakot na 'ko. Anong tungkol kay Chance?! "Bakit anong nangyari kay Chance?"

Hindi nakapagsalita si Eden, hinihingal lamang.

Mahigpit na hinawakan ko na siya sa kanyang mga braso. "Eden, anong nangyari kay Chance?!"

"Si Chance... at si Hades, kasalukuyang nagkakasuntukan sa labas!"

Nanlaki ang mga mata ko. "Ano?! Bakit?! Bakit nag-away sila?"

Umiling siya. "Hindi ko rin alam, nag-iinuman lang kami kanina tapos sandaling nagpaalam ako para mag-rest room, naalala ko pa nga'ng nagtatawanan sila bago ko iniwan tapos nagulat nalang akong pagkabalik ko nagkakainitan na sila ng ulo at nagsusuntukan."

"Damn it. Let's go!" mabilis na hinila ko na siya papunta sa labas.

Namataan ko nga'ng nagkakasuntukan pa rin ang dalawa.

Ano ba 'to?! Nagkukumpulan na ang mga tao na para bang sine lang na pinanunuod silang dalawa samantalang wala man lang pumipigil!

"Chance, Hades! Tama na 'yan!" dalo ko sa dalawa ngunit parang hangin lang ako na hindi nila marinig.

Nasapo ko nalang ang ulo ko. Mukhang wala talagang magpapapigil sa kanila at walang magpapatalo! Wala ring may balak na magpakumbaba at tumigil.

Pinandilatan ko na din ng mga mata ang mga bouncers ko, mukhang kanina pa 'tong dalawa pero wala man lang ginagawa para sawayin!

Nakuha naman kaagad ng mga ito ang punto ko kaya nagsikilos na din.

"Iinumin ko pa 'yon tapos bigla mo nalang inagaw, Chance!" galit na galit na singhal ni Hades sa kaaway.

"Malay ko bang iinumin mo pa 'yon! Iniwan mo na sa mesa eh kaya kinuha ko lang!" galit na galit ding pangangatwiran ni Chance.

Naihilot ko ang kamay ko sa noo ko. Now, I get it. Nag-away sila dahil sa inumin! Damn it! Napakaliit na bagay, palalakihin ang away ng ganito?! Ano ba?! Para silang mga bata! Besides, marami pa namang inuming isini-serve kaya pwede naman sigurong um-order nalang ng panibago at 'wag nang mag-away!

Kumilos ang mga bouncers at isa-isang hinawakan sa balikat ang dalawa para pigilan na sa muling pagkakasuntukan.

"Palibhasa kasi sayo, Chance! Masyadong mataas ang tingin mo sa sarili mo!" patuloy pa ni Hades habang dinuduro si Chance.

"Ba't!" akmang susugudin na naman ito ng huli ngunit mabuti nalang at hinigpitan ng bouncer ang pagpigil. "Ikaw, anong tingin mo sa sarili mo! Palibhasa sayo, napakapikon mo, Hades!"

Pareho silang nagpumiglas mula sa bouncers para muling sugurin ang isa't-isa kaya minabuti kong pagitnaan na sila para matigil nang lahat ng ito!

"Ano ba 'to, ha Chance and Hades! Hindi ba talaga kayong dalawa titigil, ha?! Para inumin lang, nagkasuntukan kayo! Ano ba kayo, mga bata?! For pete's sake! You are making a scene on my bar! Besides, kung mag-away kayo, parang hindi kayo magkaibigan at parang wala kayong pinagsamahan ha!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 07 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Je T'aime (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon