TWO: "Chocolats pour une fille douce..."
"AYUSIN n'yo 'yang maigi ha." instruksyon ko sa mga tauhan kong nagtatrabaho sa bar ko. "Yung table four, dalian n'yo nang i-mix ang order nila at madala na sa kanila dahil kanina pa 'yan sila d'yan."
"Opo, maam." magalang na sagot ng mga waiters at waitresses ko.
Naglakad-lakad pa 'ko sa bar para tingnan kung may kulang pa ba o ano... so far, mukhang maayos naman ang lahat. Everybody seems having fun and enjoying their drinks.
Sa paglilibot ko ng mga mata ko sa mga tao sa paligid, nahagip bigla ng paningin ko ang taong pamilyar na nakaupo sa may hindi kalayuang table.
"Chance?"
Tiningnan kong maigi ang lalaki. Naka-side view ito mula sa akin, may kasamang kaibigan at nakikipag-inuman habang may kung anong pinagkukwentuhan. He seems like enjoying the drinks too!
Napangiti ako at pinuntahan ko na nga.
"Chance?" I called him nang makalapit ako sa table nila ng kasama niya.
"Natasya?" natutuwang aniya nang makita ako. "Natasya, nice to see you here!"
Lumapit siya sa akin para magaang yakapin ako at halikan sa pisngi tanda ng pagbati. A friendly greeting.
"Nice to see you here too!" natutuwa ko ring sinabi. "Kanina pa kayo rito?" sumulyap ako sa kasama niya.
Tulad niya'y may itsura din ito pero kung ako ang tatanungin, mas malakas pa din ang dating ni Chance.
"Uhm, medyo. Ikaw ba? Kanina ka pa dito? With whom are you with?"
"Oo, kanina pa 'ko rito. Gabi-gabi nga, actually ako dito." marahang natawa ako.
He's clueless that I am the owner of this bar.
"Wow! Si Eden? Hindi mo kasama?"
Umiling ako. "No."
"So, nagba-bar ka palang mag-isa! Madalas kang magsolo flight dito?"
Tumango ako habang natatawa pa rin. "Yes, solo flight ako gabi-gabi rito with my workers."
"Workers? You mean..." nagkaideya din siya sa wakas. "Oh no, don't tell me-"
I cut him off as I've nodded. "Yes, I own this bar."
"Wow!" natawa siya't parang hindi makapaniwala. "I'm so grateful I've made friends with the owner!"
Umiling ako habang marahang nakangiti. "Oo na. So, how's your night and your drinks so far?"
"Your bar's doing fine and your drinks are worth the cost." binalingan niya ang kasama. "'Diba, pare?"
The man cooly nodded. "Yeah. I agree."
"Really? Baka naman, sinasabi n'yo lang 'yan dahil ako ang kausap ninyo!" biro ko.
"No, we're being honest here, Nat. Maniwala ka sa amin."
Tumango nalang ako. Ipinakilala din niya ang kasama niya sa akin. His name's Hades and we shook hands.
Nanatili ako sa kanila at nakikipag-usap ng kung anu-ano lang hanggang sa may humilang babae kay Hades para sumayaw kaya naiwan kaming dalawa ni Chance.
"Hades! Hades Jameson? Ikaw nga!" anang babaeng sopistikada sa kaibigan ni Chance.
"Vivian?" sagot naman ng lalaking mukhang tuwang-tuwa na nilapitan ng maganda at sosyal na sosyal na chick.
"Hades, it's been a long time! Kumusta ka na?"
"Heto, sa awa ng Diyos buhay pa. How are you, Vivs? I missed you!"
BINABASA MO ANG
Je T'aime (Completed)
RomanceRage, despair, obsession... ©All Rights Reserved, 2018 Retitled as "Maging Akin Ka Lamang" on the author's Youtube channel for the full audio drama version. Link: https://www.youtube.com/playlist?list=PL4IJON5FY5FUel-1bWR0CNE3qVqCGbT2d