TWELVE

2K 53 9
                                    

TWELVE: "You should go on a date..."

"NATASYA, sayo yata 'to." ani kuya Zander nang pumasok sa opisina ko dito sa Wynnfor Apparel.

Inilapag niya ang basag na relos sa table na binigay sa akin ni Chance noon.

Nagulat ako't nanlumo nang hinawakan at kinuha ito. Basag ang salamin, sira, at hindi na talaga gumagana. Hindi na magagamit pa.

Sayang naman...

"Nakita kong suot-suot mo 'yan noon kaya alam kong sayo 'yan."

Nag-angat ako ng tingin sa kapatid ko. "Sa'n mo 'to nakuha, kuya? Ba't basag-basag at sira na 'to?"

"Nakita ko 'yan sa may tabi ng fountain nu'ng hotel noong birthday mo. Basag at sira-sira na 'yan nang makita ko. Pinulot ko lang dahil alam ko talagang sayo 'yan."

Sa huling pagkakaalala ko, nilapag ito ni Lieven nang hubarin sa palapulsuhan ko para palitan ng bagong relos na regalo ng huli at tuluyan ko ng nakalimutan nang magpasya kaming lumabas.

Sa pagkakaalam ko, naroon lang ito sa table na pinag-iwanan namin ni Lieven kaya paanong napunta ito doon sa fountain at basag-basag na? Bakit sinira?!

"Actually, no'ng isang araw ko pa sana gustong ibigay 'yan sayo kaya lang, parati kong nakakalimutan kaya dinala ko na ngayong araw dito mismo sa opisina mo nang hindi na kita naabutan kanina sa bahay." paliwanag ni kuya Zander.

It's been three days now since the night of my birthday... at hindi ko man lang naalala ang pag-iwan ko dito sa relong binigay sa akin ni Chance...

Malungkot na tinanguhan ko ang kapatid ko. Nakukunsensya at nagi-guilty ako dahil hindi ko nagawang pahalagahan ang isang bagay na naibigay ng isang napakabait na kaibigan...

"Salamat, kuya Zander."

Tumango si kuya. "Walang anuman. Nga pala, ba't basag at nasira na 'yan?"

'Yan din ang katanungang hindi ko alam ang sagot. "Hindi ko din alam, kuya..."

Kung sino man ang nakakuha nito noong gabi ng party ko sa table na pinag-iwanan ko, sana ipinagtanong nalang kung sinong may-ari para nasauli pa at hindi itong binasag niya't sinira!

"Sayang... mukha pa namang mamahalin 'yan. Sa'n mo ba nabili?"

Hindi lang mukhang... talagang mamahalin. Made in France pa eh!

"Hindi ko 'to binili, kuya. Binigay 'to ng isang kaibigan sa akin."

Tumaas ang kilay ng kapatid ko at tumango. "Oh? Okay. Ang galante pala ng kaibigan mong 'yan!"

Hindi na rin nagtagal si kuya Zander dahil 'yon lang naman ang rason ng pagpunta niya rito sa opisina ko, ang isauli ang nasirang relos ko. Lumabas din naman kaagad siya.

Tinitigan ko ang relong basag na bigay ni Chance. Pakiramdam ko tuloy ang laking kasalanan ng nagawa ko sa kaibigan ko.

Tiningnan ko ang kasalukuyang relos na suot. Ang regalo sa akin ni Lieven. Parehong halatang mamahalin ang relos na bigay ng dalawa pero sa totoo lang, aaminin kong mas maganda at mas bagay sa kamay ko ang ibinigay ni Chance... 'yon nga lang mas lamang lang ng sentimental value ang binigay ni Lieven kasi mahal ko yung tao.

Don't get me wrong, they're both important and have value on me... Chance as a close friend and yeah, Lieven as my love one who has special place in my heart.

Abala ako sa pag-iisip nang sumabad bigla ang cellphone kong tumunod. Nag-message si Chance sa Messenger... at hindi ko alam kung ba't biglang kumalabog ang puso ko, marahil dahil nagi-guilty ako kasi may kasalanan ako sa kanya.

Je T'aime (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon