FIVE

2.8K 90 10
                                    

FIVE: "Little charming smile on his face."

"MISS Natasya, nasa labas po si Mr. Rick. Gusto daw po kayong makausap. Papapasukin ko po ba?" tanong ng sekretarya kong si Danette nang pumasok sa opisina ko dito sa kompanyang Wynnfor Apparel.

Yes, in the sunny day, I am working in my family's company named Wynnfor Apparel having one of the highest positions here because I am the daughter of the owners. The heiress of the Chairman, my father and the President, my mom, and my kuya Zander's the General Manager. I am next to him, I'm the Deputy General Manager.

Sa gabi naman, ako pa rin ang manager ng sarili kong bar business.

Napakunot noo ako sa sekretarya ko. Si Rick? Ano namang gagawin nito rito?

"Sige." tumango na lang ako. "Papasukin mo na, Danette."

"Sige po, miss."

Nagpatuloy ako sa pagliligpit ng mga gamit ko sa table ko dahil may pupuntahan akong importante ngayon sa labas pero babalik din naman ako.

"Natasya! Hello, my dearest prettiest friend!" cool na bungad sa akin ni Rick.

"What do you want, Ricardo?" direkta kong tanong sa kanya nang hindi man lang siya sinusulyapan.

"Heto naman! Wala man lang hello din diyan!" tumawa ito sa sariling biro.

"Alam kong likas kang mabobola lalo pa't kung may kailangan. Tell me directly, anong kailangan mo?"

"Grabe! Hahaha!"

Tiningnan ko na nga. Ang señorito ay naupo sa visitor's chair at nagdekwatro pa!

"Aalis na 'ko, Rick. May pupuntahan ako. Kung wala ka naman palang kailangan, you can go now."

"Eto naman! Ang seryoso mo talaga!"

Hindi na 'ko nagsalita. Nagpatuloy nalang ako sa pagliligpit ng mga gamit ko.

"Natasya, what's her name?" finally, he spoke directly to his point.

Sinulyapan ko nga't kinunutan ng noo. Anong pinagsasasabi nito? "Who?"

"Come on, 'wag ka nang magmaang-maangan! You know exactly whom I'm talking about!"

Tiningnan ko siya ng medyo matagal para i-absorb sa mind ko ang pinagsasasabi niya't kung sino ang tinutukoy niya... hanggang sa naalala ko bigla ang nangyari sa stag party ng kaibigan niyang si John. Oh, that was! Hahaha. Natawa bigla ako.

Napangisi ako kay Rick.

"So, you're interested with my worker, huh!" I teased him.

Nagkagulo lang naman sa stag party ni John kasi akala no'ng sexy dancer na hi-nire ko, itong Rick ang ikakasal kaya si Rick ang sinayawan. Itong Rick naman na masyadong babaero lalo pa't nakainom na siguro ng marami, aba't hinalikan ba naman ang worker ko kaya hayun, nasampal nu'ng babae!

"Come on, Natasya! Tell me her name!" Rick is now begging me.

"You're begging me to give you her name, therefore I conclude you really like that girl!" patuloy ko sa pang-aasar sa kanya.

Actually, napilitan lang yung babaeng 'yon sa pagsasayaw sa stag party ni John dahil kailangang-kailangan ng pera. Hindi talaga linya nu'ng babae ang sumayaw ng ganu'n sa party lalo pa't may pagkakonsertibo din iyon kaya nabigla siguro nang halikan ni Rick at nasampal niya ang huli.

"Natasya, I didn't come here para asarin mo. Just tell me her damn name." nagsisimula nang mainis si Rick.

Ginanahan pang lalo ako sa pang-aasar.

Je T'aime (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon