SIX

2.7K 72 7
                                    

SIX: "Trust me, he can be trusted."

"NATASYA, are you done there?" katok ni kuya Zander sa kwarto ko nang gabing magdi-dinner kami with Scottvilles.

"Yes, kuya! Coming na po!" sabi ko habang naglalagay ng matte lipstick sa harap ng salamin. The last color I'll be putting on my face.

Ngumiti ako sa salamin at nakuntento sa ayos ko. I am wearing a pure white see-through shoulder laced dress with sexy knee lines. The bottom of the dress in my back is kinda' long and in the front, it's above my knee. Simple but presentable enough for a business dinner.

Lumabas ako ng kwarto.

"Let's go, Natasya. Tayo nalang ang hinihintay sa baba." ani kuya Zander saka inilahad ang braso niya sa akin.

Kuya Zander is on his usual formal clothing which is suit and tie.

Tumango ako't kumapit roon. "Sige, kuya. Let's go."

I can hear my silver stilettos on the grand staircase the moment we are walking down to go downstairs.

Dumiretso kami sa dining room kung saan naghihintay sina mommy't-daddy kasama ng mga bisita namin.

One of our maids opened the transparent sliding door for us and then we've entered.

"They're here!" natutuwa at proud na sabi ni mommy sa mga bisita nang makapasok kami ni kuya Zander.

Ngumiti kami ni kuya sa mga magulang namin tapos ngumiti sa mga bisita. Natigilan naman akong bigla nang makita kung sinong isa sa mga ito.

He's staring at me while smiling from ear to ear.

Hindi makapaniwalang napangiti rin ako. "Chance?"

He smiled even more. "Natasya..."

"Chance, you're here!" natutuwa ko pang sinabi.

Hindi kasi ako makapaniwalang isa pala siya sa makakasama naming maka-dinner ngayong gabi.

"Magkakilala na kayong dalawa?" natutuwa ring tanong ni daddy bigla.

Tinanguhan ko ang ama ko. "Yes, dad. I know Chance. We're friends and he's a regular party goer on my bar."

"Wow. We've never expected that you two have already met and you are even friends with each one!" anang eleganteng babae naman na mukhang may maamo ring aura at kaedad lang ni mommy kung titingnan.

Nginitian ko ang magandang ginang. So, this must be Mrs. Scottville? Chance's mother... Ibig sabihin, Scottville pala si Chance? How come I didn't know about it from the first place!

"Anyway, mga anak. Meet Mr. and Mrs. Scottville, the owner of the great Centres Commerciaux de Scottville on Europe especially on France. And yeah, this is their one and only son Chance Scottville." pakilala ni daddy sa kanila sa amin ni kuya Zander.

"Hello, hija, hijo." natutuwang nagbeso si Mrs. Scottville sa amin ng kapatid ko para sa pagbati.

Si Mr. Scottville ay ganu'n din tapos simpleng tinapik sa balikat si kuya Zan.

"Scottvilles, meet our son and daughter. Zander Jahmal and Natasya Wynnfor. The heir and heiress of Wynnfor Group of Companies."

Nagkamay naman sina kuya at Chance tapos marahang niyakap ako ng huli para sa pagbati.

"So, let's take a seat now?" ani daddy.

Sumang-ayon ang lahat.

Umupo kami at inihanda na rin ng mga katulong ang mga pagkain namin ngayong gabi with Scottville family.

Je T'aime (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon