THIRTEEN

2K 56 12
                                    

THIRTEEN: "He deserves the word 'sorry' a million times today."

DUMATING ang mga order namin at nagsikain kami. Panay ang kwentuhan ng dalawang sina Farah at Lieven sa table nila at mayamaya ang tawanan samantalang kami ni Chance ay tahimik lamang sa pagkain. Makwento din naman ang huli sa akin ngunit hindi ako ganoong nakakapag-focus sa mga sinasabi niya dahil panay ang sulyap ko sa kabilang table... nagmamasid, nag-oobserba, at nagbabantay.

Naalarma pa 'ko nang bigla nalang sweet na nilagyan ni Farah ng steak ang pinggan ni Lieven.

"What's this, Fah?!" nakatawang tanong ng lalaki sa kasama.

"Steak. Try it, Lev. Masarap, promise!" pa-sweet at pabebeng sagot ng Farah!

Ngumisi at umiling si Lieven. "You know I'm not a fan of steak, Farah."

Humalakhak si Farah. "I know. I know it since we've been together through the years. But trust me, this one's really good and I really recommend it. Masarap ang steak nila dito."

Through the years daw... pero over na nga kayo ngayon! Split na! Gets mo?!

"Talaga lang ha? Sige na nga!" sumuko din si Lieven at tinikman ang steak.

"Oh? How's it?" excited na tanong ng babae.

Kulang nalang magningning ang mga mata ni Lieven sa sarap ng steak nang nginunguya ang nasabing pagkain.

"You're right! Ang sarap nga, Fah!"

Pumalatak sa tuwa at tagumpay si Farah at kulang nalang ay pumalakpak.

"Oh 'diba? Sabi ko naman sayo! You should've ordered steak too!"

"Next time around, pagbalik ulit natin dito."

Literal na napabaling ako kay Lieven, without him and his partner, noticing it... So, may next time pa pala at babalik pa sila rito?! Ibig sabihin ay magkakasama pa sila! Pero kailan kaya ulit 'yon at hanggang kailan sila magkakasamang dalawa!

"Sige ba! Promise mo 'yan ha!"

Magiliw na tumango si Lieven. "Yes, Fah. Promise. Masarap naman pala talaga eh."

Farah giggled like a child and they continued eating.

Ako naman ang nakaisip ng gimik. Paselosan pala ang gusto nila ha! Sige, game ako diyan!

"Alam mo, Chance, you should be eating a lot of vegies!" palatak ko at sinadyang lakasan ang boses para marinig ng tagakabilang table.

Tumusok ako ng cabbage and carrots mula sa plato ko.

He smiled smoothly. "I'm no vegetarian, Natasya."

"What?! You should be, Chance! You know... vegetables are good for your body to make you a lot healthier and stronger."

Nginusuhan niya ako habang nagpipigil ng ngisi sa pangangaral ko.

"Alam ko naman na ang katotohanang maganda talaga ang pangangatawan mo..." nilakasan ko pa ang boses ko sa confident na pagsasalita dahil alam at ramdam ko sa mga sandaling ito na nakuha ko na rin ang atensyon pareho nina Lieven at Farah.

Kahit hindi ko na lingunin ang mga ito pero instinct ko na mismo ang nagsasabi. Bravo! The plan's working!

"You have a well-formed abs, right placed muscles to biceps... and everything that it takes to make a man be a mighty man!" I naughtily continued.

"Ah, huh? And then?" nawe-weirduhan na ang ngisi niya sa akin.

"Likas na ang pagiging matikas mong lalaki sa ganda ng katawan mo pero kung kakain ka kasi ng gulay, syempre mas madadagdagan pa 'yan. Mas magiging matikas ka pa, gaganda pang lalo ang katawan mo at mas lulusog ka pa."

Je T'aime (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon