ONE

7.1K 127 27
                                    

ONE: "Newly found friend."

"HINDI ka makakarating, Lev?" bagsak ang balikat at malungkot kong tanong kay Lieven.

"Oo, pasensya ka na, Nat. Masakit talaga tiyan ko eh." malumanay at masuyo niyang sinabi.

Lieven is my current MU and soon to be my boyfriend. Ang lalaking tanging minahal ko at patuloy kong mamahalin.

"Sige, sasabihan ko nalang si Eden na hindi ka makakasama sa amin."

"Pasensya ka na talaga, Nat."

"Okay lang, nando'n naman si Eden. Pagaling ka diyan ha? Saka pahinga ka ng maigi." maalalahanin kong pahayag saka magaang ngumiti.

Dinig ko rin ang pagngiti niya mula sa kabilang linya. "Opo, mom!"

Marahang natawa ako. "Syea. Sige na. Bye, Lev!"

"Bye, Natasya!"

Tamang-tamang pagkatapos ng tawag nakarating ako sa harap ng restaurant kung saan makikipagkita at makikipag-breakfast ako kasama ang kaibigan ko, na kasama din sana si Lieven pero hindi makakarating dahil masakit ang tiyan.

Ipinarada ko sa parking space ang sasakyan at bumaba na. Diretso ako hanggang sa sliding door at diretso ang pasok sa loob ng resto.

"Nati!" tawag sa akin ng kaibigan kong si Eden.

Kumakaway siya sa akin. Nginitian ko at kinawayan din tapos dumiretso na ako sa table kung saan siya pumuwesto.

Sinalubong niya ako ng beso.

"Kanina ka pa, Den?" I asked her.

We both sat down.

"Uhm, hindi naman slight lang."

Tumango ako.

May pumuntang waiter sa amin para kuhanin ang order namin kaya pumili kami ng breakfast meal.

"Anyways, nasa'n na pala ka-MU mo, sis?" tanong niya habang hinihintay ang order namin.

"Hindi raw makakarating eh, masakit ang tiyan."

"Weh? Talaga lang ha?" duda at hindi siya naniniwala.

Simula high school, best friend ko na itong si Eden at kahit hanggang ngayong may kanya-kanya na kaming mga trabaho.

Simula din sa umpisa, alam kong hindi na ito boto kay Lieven para sa akin.

"Oo, Den. Maniwala ka."

May iminuwestra siya sa kanyang iPhone tapos may ipinakitang litrato sa akin.

Nagulat ako nang makita si Lieven kasama ang ex-girlfriend nitong si Farah na mukhang kapwa nag-jogging ng magkasama ang dalawa.

"Ganito ba ang masakit ang tiyan? Nagjo-jogging kasama ng ex-girlfriend!" sarkastiko siyang tumawa.

Hindi ako nakapagsalita... Bumigat bigla ang loob ko... Si Lieven, kasama na naman ang ex niyang si Farah. And he made an excuse of getting sick not to be here just to jog with that girl!

"Post 'to ni Farah just 30 minutes ago. Read the caption, girl."

Binigay ni Eden sa akin ang phone niya para basahin ang caption ng post ni Farah sa Instagram.

Jogging with him ❤ #Enjoy #HappyTogether 😊

"See? Masakit ang tiyan ni Lieven niyan ha kaya hindi makakarating dito pero nagawa pang makapag-jogging with Farah!"

Hindi pa rin ako nakapagsalita... I feel so hurt, and offended at the same time!

Alam ko naman talaga eh, ramdam ko... Lieven's not yet over with his ex-girlfriend. Four years din silang naging magkarelasyon ni Farah noon kaya alam kong hindi ko pa basta-bastang mapapalitan ang lugar ng babae sa puso niya. Sabagay, ano nga lang naman ba ang laban ng two months mutual understanding sa four years nilang pinagsamahan!

Je T'aime (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon