TEN: "Hugot..."
"MORNING, baby. Birthday mo na next week! Are you excited?" malambing na ani mommy isang umaga pagkagising ko.
Masilang tumango ako. "Morning, mom! Yeah, I'm excited."
"So, may mga lists ka na ba ng mga ii-invite mo?"
"Uhm, sa ngayon po I have friends in my mind tapos yung iba, kayo na po bahala ni daddy."
I know, hindi talaga mawawala sa malalaking selebrasyon ang mga business partners at mga business associates sa mga negosyo namin kaya sanay na ako.
"Friends like whom, anak?" patuloy niya sa paunti-unting pang-i-interview. "Like Eden, some of your college friends... right?"
Tumango ako. "Yes, and some of my new friends in N-bar."
I'm talking about Rick and his gang. And yeah, Chance and Hades as well.
Alam ko namang kahit hindi ko na sabihan si Chance, sina mommy at daddy na mismo ang mag-iimbita rito kasama ng mga magulang nito. You know, kailangang maging very close sa mga Scottvilles to get their approval for partnership.
"I and your dad will invite Mr. and Mrs. Scottville, ikaw naman ang bahalang mag-invite kay Chance ha? Since you two are already close with each other."
Tumango ako. "Wala pong problema, mommy."
"Another thing, anak... uhm, if you don't mind me asking, huh? Can you not invite Lieven?"
Tiningnan ko nga si mommy at nginusuhan. Imposible ang hinihingi niya!
"Mommy naman! Hindi po pwedeng wala si Lieven. Alam n'yo namang espesyal sa akin yung tao 'diba!"
"Ah eh, anak nagtatanong lang naman ako." kaagad niyang bawi.
"Hindi pwedeng wala ang special person sa special day ko po, my."
"Ang tanong, special ka rin ba para sa kanya kagaya ng turing mo sa kanya?"
Natahimik ako. 'Yon ang hindi ko alam.
"Anak, 'wag mo sanang mamasamain, concerned lang ang mommy mo sayo... You know I know na matagal ka nang naghihintay sa taong 'yon."
"Oo nga po, my, pero believe me this time. Break na sila ni Farah kaya malaki na ang pag-asa ko kay Lieven."
Hindi nagsalita si mommy, tinititigan lang ako. She looks worried and concerned. Naiintindihan ko naman siya dahil ina siya at nag-aalala lang siya sa akin.
I smoothly hugged her to persuade her. "My, trust me. Malapit nalang talaga. Malapit nalang at magiging kaming dalawa din ni Lieven kagaya ng araw-araw kong pinapangarap sa loob ng maraming taon."
She hugged me back although she's still not convinced.
Pagkatapos ng naging pag-uusap na 'yon ni mommy, dumiretso na ako sa opisina sa kompanya para magtrabaho.
I am in the middle of some paper signings when Lieven chats.
Lieven: Hello, Nati!
Napangiti ako at agaran siyang nireplayan.
Me: Hello, Lev!
Lieven: How are you doing right now?
Me: Doing good although busy with paper works.
Ilang sandali akong naghintay sa susunod na ire-reply niya, nakita ko ring nai-seen na niya ang huling mensahe ko pero ilang minuto na akong nakatunganga at naghihintay sa susunod niyang tugon, wala pa rin.
BINABASA MO ANG
Je T'aime (Completed)
RomanceRage, despair, obsession... ©All Rights Reserved, 2018 Retitled as "Maging Akin Ka Lamang" on the author's Youtube channel for the full audio drama version. Link: https://www.youtube.com/playlist?list=PL4IJON5FY5FUel-1bWR0CNE3qVqCGbT2d