28• Broke

3 0 0
                                    

CHAPTER TWENTY-EIGHT

PINUNASAN ko ang mga luhang naglandas sa pisngi ko habang nakayuko. Napasinghap ako nang hawakan niya ang magkabilang balikat ko.

"Did I hurt you? Did I do something wrong?" I slowly raised my eyes to meet his worried face. I thought he's smart but he's acting like a fool this time.

"You don't know?" I mocked him. His face got shock-stricken by hearing my tone. Padabog kong inalis ang mga kamay niyang nakahawak sa akin at yumuko. Naglakad na ako palabas sa kwarto niya at iniwan siya ro'ng tulala. Pagkasara ko no'ng pinto ng kwarto niya ay napa-buntong hininga ako. Ang bigat sa pakiramdam na hindi ko mailabas kung ano 'yong totoong nararamdaman ko. Gusto kong sabihin sa kaniya na nasasaktan ako pero natatakot akong malaman ang katotohanan. Ignorance is a bliss afterall.

When I already calmed myself, I opened the door to my room. Naabutan ko si Phoenix na nakahiga sa kama ko. Nagsalubong ang kilay ko habang pinapanood siyang paglaruan ang apoy mula sa fireplace. Pinapapaputok niya ang mga 'yon na parang maliliit fireworks.

"Ano 'yan?" Tawag ko sa atensyon niya. Agad siyang napalingon sa akin at ngumiti. Lalong kumunot ang noo ko nang makita ang kulay violet niyang labi at mata.

"Hey!" Bati niya sa akin at naupo. Lumapit ako sa kaniya at iniabot ang salamin.

"Look at your lips and eyes!" I excitedly told her. She look at her reflection through the mirror. Her eyes widen.

"Anong nangyayari?" Nag-aalala niyang tanong sabay lingon sa akin. Naupo ako sa tabi niya at tinanggal ang botang suot ko.

"That's normal. Side effects 'yan no'ng gamot mo, remember?" Sagot ko.

"Ah. Akala ko mamamatay na ako eh," pagbibiro niya. I faced her and pointed at the fireworks she's making.

"What's that?" I asked her. She immediately giggled.

"Unlike you, I can't produce fire. But I can control them. Eh wala akong magawa habang hinihintay ka kaya ayan, pinaglaruan ko na lang ang apoy," kwento niya. Hinila niya ang kumot ko at ibinalot sa katawan niya. "Ang lamig-lamig kasi rito eh. Nakakasawa ring ginawin."

Lumapit ako sa kaniya at kinapa ang ulo niya. May kaunting sinat pa siya. "Ano bang gusto mo kung ayaw mo ng malamig?"

"Hhmm... Gusto ko ng climate change," sagot niya na nakapagpahagalpak sa akin. As in sobrang lakas ng tawa ko. Nagtataka naman siyang nakatingin sa akin habang mangiyak-ngiyak ako kakatawa.

"Tinatawanan mo ako?" Tanong niya na lalong nakapagpatawa sa akin. I tried to calm myself while wiping some of my tears. Ang babaw ko. Siguro sobrang malungkot lang ako nitong mga nagdaang araw.

"You know what? Back in the normal realm, climate change is actually our biggest problem. You know global warming?" Sagot ko sa kaniya nang medyo kumalma-kalma ako.

"Global warming? Sounds nice to me," inosente niyang sabi na muli na namang nakapagpahagalpak sa akin.

"The problem with climate change is that the world was once cold, right? Katulad dito sa Nevada kunwari. Sobrang lamig di ba? Tapos unti-unting umiinit 'yong klima. So 'yong mga hayop na nabubuhay sa malamig ay unti-unting namamatay dahil nauubusan sila ng pagkain or hindi nila kayang mabuhay sa mas mainit na klima. May mga hayop at mga tanim na nauubos at isa 'yon sa mga problema ng normal realm ngayon na wala pa ring solusyon," pagpapaliwanag ko sa kaniya with matching awkward hand gestures.

"But that won't be a thing here in Ipena. Alam mo bang hindi naman malamig ang Ipena dati?" That piqued my interest. I urged her to go on and she did.

"Before, when the fire descendants were still reigning, there is no such thing as winter. Tama lang ang klima at wala pa ang Nevada noon. Naging malamig lang ang Ipena nang maagaw ng mga ice descendants ang trono," kwento niya. Woaw. I didn't know that.

Elemental MonarchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon