20• Strawberry Farm

5 0 0
                                    

CHAPTER TWENTY

MAAGA pa lang, may kumakatok na sa pinto ng kwarto ko. Napuyat ako kagabi kakaisip sa naging conversation namin ni Blaze nang ihatid niya ako rito sa kwarto ko kagabi. Matapos kong sabihin ang sagot ko, pumasok na ako sa loob at pinagsarhan siya ng pinto.

The room is quite expansive. It actually looks like my room back in Southville. Speaking of Southville, napanaginipan ko si Vincent at Paris kagabi. Nagpakasal daw sila. Kumusta na kaya ang Southville? Namimiss ko na siguro talaga sila kaya napapanaginipan ko na.

Napatayo ako nang lumakas ang katok sa may pinto. Ang sakit ng ulo ko kasi kulang ako sa tulog. I slowly sauntered towards the door and was greeted by Blaze's furious face.

"What the? Kagigising mo lang!?" Bulyaw niya sa akin. Bigla tuloy nagising ang diwa ko. Ano ba 'yon? Bakit ba naninigaw 'to?

"Good morning?" Nagtataka kong sagot sa kaniya. He closed his eyes in exasperation and walked away. He left me here dumbfounded. After a while, Phoenix showed up with a huge smile.

"Good morning!" Masaya niyang bati sa akin. Napangiti ako dahil nakakahawa ang mawalak niyang ngiti. This is what I need; a positive greeting, not a grumpy face.

"Good morning, Phoenix!" Pumasok siya sa loob ng kwarto ko at inilibot ang paningin sa loob. Namamangha siyang napalingon pabalik sa akin.

"This is your room? Para ka na talagang prinsesa!" Maiyak-iyak niyang sabi sa akin. Agad namang napakunot ang noo ko.

"Ano ka ba? Mas gusto ko na lang maging katulong kaysa magpanggap na ka-alyado ni Blaze," natatawa kong sagot saka isinara ang pinto.

"Magpanggap na ano?" Naguguluhan niyang tanong. Oh, I forgot to tell her.

"Nevermind. So, anong gagawin natin ngayong araw?" Tanong ko saka lumapit sa vanity table at nagsuklay.

"Oh, yeah. Our beloved prince commanded me to help you prepare. Kasama ka raw sa breakfast kaya bilisan na natin." Nagmamadali niya akong hinablot at hinila papasok sa banyo. "Bilisan mong maligo. You only have twenty minutes."

I sighed before closing the door. Mabilis akong naligo at paglabas ko ay may nakalabas nang damit sa may kama. Phoenix grabbed me again and handed me a bag where my undergarments are.

"Magbihis ka na," utos niya saka tumalikod. Good. Seems like she knows about privacy, unlike that arrogant prince. Dali-dali akong nagbihis no'ng damit na nasa kama ko.

"Ehem! Okay na," tawag ko sa kaniya nang masuot ko ang napili niyang damit. She chose a lavender dress that lies two inches below my knee. It has buttons and is long sleeves. Phoenix turned to me and scanned me.

"Perfect! Ayusin natin konti. Lagyan natin ng belt wait lang." Muli siyang nagkalkal sa armoire pero wala siyang nahanap na belt kundi isang corset. She smiled evilly to me. Oh no.

"You're not gonna put that on me, right?" Kinakabahan kong tanong. But man, she shook her head while still smiling. Lumapit siya sa akin at isinuot sa akin ang corset.

"Breathe in," utos niya. Agad ko naman siyang sinunod. Nang maikabit na niya iyon ay halos hindi na ako makahinga. Hindi pa man ako nakakapag-adjust ay hinila na niya ako paupo sa harap no'ng salamin at sinimulan akong ayusan. Habang ginagawa niya ang trabaho niya ay ikinu-kwento ko sa kaniya ang mga nangyari kahapon no'ng busy silang ayusin ang mga gamit namin sa kani-kaniya naming kwarto.

"Hey, tomorrow is our last day here in Granja. Dahil mukha namang malapit kayo ni Prince Blaze, pwede mo ba akong ipaalam? Kasi balak kong magpunta sa strawberry farm eh," pakiusap niya sa akin. Naka-pout pa siya. Paano ko naman ito matatanggihan eh ang cute-cute niya?

Elemental MonarchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon