CHAPTER TWENTY-NINE
KINAGABIHAN ay hindi ako lumabas ng kwarto ko para kumain ng hapunan kasama ang Royal Family. I didn't left my room since Phoenix found me crying on the floor this afternoon. I don't have any energy to face anyone at the moment.
Phoenix immediately grant my favour. Nagpadala siya ng sulat sa headquarters para sunduin ako rito bukas nang umaga. Tinulungan niya rin akong mag-impake ng mga gamit ko.
Buong gabi akong umiiyak sa may higaan ko. I only got one or two hours of sleep. I woke up really early the next day. I prepared myself for the journey. Hindi ko na inabala pa si Phoenix na tulungan ako dahil natutulog pa siya. Nang magsimulang magliwanag ay kinuha ko ang bag na pinaglagyan ni Phoenix ng mga gamit ko at lumabas na ng kwarto.
I went through the dark hallways. Some of the maids were already doing their jobs and some greeted me a good morning which I returned in a really unpleasant way. Hindi kasi ako makangiti. Ni hindi ko nga maidilat nang maayos ang mga mata ko eh. Namamaga kasi kakaiyak ko kagabi.
Dumiretso ako sa may main hall papunta sa giant double door. Mapayapa naman akong nakalabas sa kastilyo. My curly hair that I forgot to comb flew in different directions when the cold breeze of the morning whipped to me. Even the cold can't numb the pain I am feeling right now.
Nang palabas na ako sa gate ay hinarang ako ng mga guwardiyang nagbabantay. Iniharang nila ang kanilang spear sa harap ko at tinanong kung saan ako pupunta.
"The prince don't want to see me anymore," I told them. The guards looked above and nodded. Then, they removed their spears in front of me. Wala sa sarili akong napatingin din sa taas kung saan sila tumingin at nagsisi kung bakit ko pa 'yon ginawa.
The prince is standing at the balcony, wearing his feathered white coat while looking down on us. When our gazes met, I felt my heart shrank. Just by the mere image of him could make me feel a pang inside my chest. He's just staring at me with his cold and blank face. So he's letting me go now.
Nagsimula na akong maglakad palabas ng Nevada. While walking on the snow-covered pavement, I am hoping he would stop me. Hindi ko alam pero gusto kong pigilan niya ako. Kahit man lang sana tawagin niya ang pangalan ko o pahintuin niya ako. Pero hindi nangyari 'yon. Nakarating na ako sa kinaroroonan ni Flint nang hindi lumilingon. For the last time, he disappointed me.
"Ayos ka lang ba, Insan?" Bungad ni Flint sa akin. Agad akong yumakap sa kaniya at kahit na papano ay naibsan nang kaunti ang sakit at pagkadismayang nararamdaman ko. Maybe I don't really belong in Nevada.
"Magiging maayos din ako," sagot ko sa naging tanong ni Flint at tinapos ang yakap. Kahit kailan talaga, napakagwapo ng pinsan kong 'to.
"I-kwento mo sa akin ang lahat pagdating natin do'n," sabi niya saka hinaplos ang ulo ko. I smiled at him and nodded. Sumakay na kami sa karwahe. Ako lang mag-isa rito sa loob kasama ang mga gamit ko dahil siya ang kutsero. Habang nasa byahe ay nakatulog ako nang mahimbing. Kulang nga kasi ako ng tulog kagabi kaya ngayon ako bumawi.
Nagising ako nang may mangalabit sa akin. I slowly opened my eyes and I was greeted by the bright light coming from outside. I felt the warmth of the sun and I know we're already in Granja. I didn't know that the smell of land could be this relaxing.
"Gising na, Aurora. Nandito na tayo," dinig kong sabi ni Flint. Nag-inat muna ako bago ako sumunod sa kaniya. Napangiti ako nang makita ang malawak na taniman sa harap no'ng three storey na headquarters namin. Tago itong lugar na ito dahil napalilibutan ito ng kakahuyan. I missed this place so much.
