CHAPTER THIRTEEN
MAAGA akong nagising kinabukasan. Kahit tinatamad akong bumangon, tumayo pa rin ako mula sa higaan ko at naghanda para sa okasyon ngayong araw. I would accompany my boss to this general assembly.
"Why are you wearing that stupid uniform?" Bungad niya sa akin pagkapasok na pagkapasok ko sa kwarto niya. Nagtataka naman akong napatingin sa suot ko. Ano bang dapat kong isuot? Eh di ba alipin niya ako?
I looked back to him and he's still on his bed. Hindi ko na lang pinansin ang tanong niya at dumiretso na sa banyo at nag-igib ng tubig para punuin ang bathtub. The spoiled prince want his warm bath every morning. This became my routine since I started serving him.
Paglabas ko, nakahiga pa rin siya sa higaan niya. Ano bang trip nito? Sabi ni Queen Fiona kagabi, kailangan maaga siya kasi maagang darating ang mga members ng Royal Council.
"Your highness, the bath is ready," I stated. He just looked at me with his sleepy eyes. Nagsimula na akong mag-ayos. Kasama rin ito sa routine ko; ang pag-aayos ng kwarto niya habang naliligo siya. Natapos na akong magwalis ay hindi pa rin siya tumatayo sa higaan niya.
"Kung hindi po kayo tatayo ay baka lumamig na po ang panligo ninyo," walang kagana-gana kong paalala sa kaniya. Ang tamad niya. Ako nga inaantok din eh. Ikaw ba naman maghugas ng sandamukal kagabi.
"Fine." And then he trudged towards the bathroom. Napapailing na lang ako habang pinapanood siya. Nang makapasok na siya sa banyo ay itinuloy ko na ang paglilinis.
While arranging his things on the vanity table, my eyes caught the mirror. I stopped on my track and stared at my own reflection. I smiled when I saw the snowflake pendant hanging on my chest. This is the necklace he bought me yesterday. Anyway, ang ganda ko kahit puyat hhmph!
"I know you would like that."
"Ay santong kabayo!" Nabitiwan ko ang walis na hawak ko dahil sa gulat. Bigla ba naman siyang nagsalita mula sa likod ko. Hubad pa ang pantaas niya at tumatagaktak ang tubig mula sa puti niyang buhok.
"Santong kabayo?" Natatawa niyang tanong. I immediately averted my eyes from him. "Oh come on! You've been dressing me for days now and you still can't look at my body?"
Napalunok ako bago ko muling ituon sa kaniya ang tingin ko. When I was in Cambridge, I never really cared about looking at someone's body. But in the Philippines, they seem to be allergic of skin-showing. So I adapted that allergy and now, I can't even look at a naked guy.
Tinulungan ko na siyang isuot ang kaniyang royal garments. He even asked me to comb his hair, which I did without complains. He likes his hair parted in the middle. Habang inaayos ko ang buhok niya ay nakatitig siya sa akin kaya naiilang ako.
Matapos no'n ay huminga siya nang malalim at ngumiti sa akin. Nanlaki ang mga mata ko nang hawakan niya ang magkabilang pisngi ko at inilapit ang mukha niya sa akin.
"Thank you for coming to my life," he uttered with a wide grin. My heart started beating anomaly. What in the bloody hell is he doing!?
Binitiwan niya rin naman ako agad at naglakad na palabas ng kwarto niya. Huminga ako nang malalim at pilit pinapakalma ang sarili. He sounded like a guy who's in love. And I hate it! I don't want to get my hopes high for nothing. Ayokong umasa.
