CHAPTER FORTY-THREE
THEY were all flabbergasted, especially Blaze. His eyes widen and grief suddenly became evident on his face. They are not expecting my answer, are they?
Pagkatapos kong sabihin ang pasya ko, nagpaalam ako at agad lumabas ng dining room. My hands were trembling and I am palpitating severely. I went to the kitchen and boiled some water. Sumandal ako sa may counter at kinalma ang sarili sa pamamagitan ng sunod-sunod na pagbuga ng hangin. Pakiramdam ko ay nasu-suffocate ako.
I will never see him again after the war. So be it. Kung puro sakit lang ang idudulot niya sa akin, mas mabuti pa sigurong hindi na lang kami magkitang muli. I just saved myself from the agony. I saved my life. I wish this decision is for the best.
Nang kumalma ako ay tinimpla ko na ang tsaa at nagtungo sa ikalawang palapag ng bahay. Mayroon doong malaking bintana at kita ang kabuuan ng bukid. Kailangan ko ng fresh air para makapag-unwind. I sipped some tea from the cup while I watch Blaze's guards preparing for their long journey back to Nevada. Some of our farmers greeted them and some even handed them foods.
I unknowingly smiled at how thoughtful they are despite their differences. I want to live in a world where there are no discrimination and injustice. Sino bang may ayaw sa ganoong pamumuhay? 'Yong tipong lahat ng tao ay marespeto at disiplinado.
"Can you still remember when you sneaked inside Nevada to give me the vial of medicine?" Napalingon ako kay Phoenix nang tumabi siya sa akin at biglang nagsalita. Hindi ko namalayang nakalapit na pala siya sa akin dahil preoccupied and isip ko. Nakangiti siya habang nakatingala sa makulimlim na langit. Minsan lang kumulimlim sa Granja. Siguro ganoon nga talaga kalakas ang kapangyarihan ng hari at kaya niyang maimpluwensyahan ang panahon.
"Of course, how can I forget? That was the first time he tried to kill me," I sniggered bitterly and then looked back to the guards below.
"Nang magising ako no'n, nakita ko ang sulat mo at dali-daling umakyat papunta sa dati mong kwarto. Nagulat ako pagkapasok ko dahil naabutan ko ang hari—prinsipe pa siya noon—na nakasalampak sa sahig at nakasandal ang likod sa higaan mo. He was staring blankly into nowhere and drank what's left on the rum you used to clean my wound. Lumapit ako agad sa kaniya at tinanong kung anong nangyari. He showed me a necklace with a snowflake pendant and sullenly said 'she already gave up on me'. And I watched him tear up just because of a necklace," pagkukwento niya. Nagtataka ko siyang tinignan pero nakatingin pa rin siya sa itaas.
"Are you trying to change my mind?" tanong ko sa kaniya. She chuckled before putting her gaze down to peek at me.
"Yes?" hindi niya siguradong sagot. Akala ko ba ay galit siya kay Blaze? "I just thought that you deserve to know it."
I sniggered at her and just sipped some tea from my cup. Muli akong lumingon sa mga guwardiyang nagtatawanan sa baba. Buo na ang pasya ko at wala nang makakapagpabago pa sa isip ko. Ayoko nang masaktan nang paulit-ulit. Tama na 'yon. Ubos na ang luha ko para sa kaniya.
"I was so mad at him when he commanded your arrest and you know that," pagtutuloy niya sa sinasabi niya. Part of me doesn't want to hear what she's about to say but another part of me is dying to know more.
"Pinuntahan ko siya noon at kinuwestyon ang naging desisyon niya; not minding that he's mourning from his father's death. Instead of getting mad at me for being disrespectful and insensitive, he just handed me a blanket and a pillow. Inutusan niya rin akong kumuha ng mga pagkain sa kusina at sinabing ibigay iyon sa iyo. Kahit nagdadalamhati siya ay ikaw pa rin ang inaalala niya."
