Chapter 9

815 26 14
                                    

A/N: Short UD. Filler lang to. Please bare with me. AFTER THIS CHAPTER? PREPARE YOUR TISSUES. BWAHAHAHA. :D

Nakasakay na sila ngayon sa eroplano patungong Hongkong. Hindi maiwasan ni Julie na hindi mapakali dahil katabi nya lang naman si Ethan ngayon at malagkit ito kung makatingin sakanya.

Napabuntong hininga nalang siya.

"April 8 palang ngayon, dalawang buwan. Hay! Sa June 8 pa ang balik ko?? Huhu. Si Elmo ko!!!" sabi ni Julie sa isip isip nya.

Ipipikit na sana nya ang mga mata nya ng biglang magsalita si Ethan.

"Julie are you okay? Kanina ka pa bumubuntong hininga dyan ah?"

Hindi maiwasan ni Julie na mainis, hindi ba naman alam ni Ethan na sya ang dahilan kung bakit hindi mapakali si Julie ngayon?

"Gusto ko na kasing umuwi..." napakunot naman ng noo si Ethan.

"Eh hindi pa nga tayo nakakaalis sa boundary ng Pilipinas eh." Naiinis na sabi ni Ethan.

"Tapos hindi pa pala ako nakapagpaalam kila Maqui, Stephanie, sa Triplets" sabi ni Julie na parang ngayon lang talaga nya naalala ang mga kaibigan nya.

"Sino yung mga yun?" interesadong tanong ni Ethan.

Ngumiti si Julie sakanya.

"Kaibigan namin ni Elmo, yung si Maq siya ang bestfriend ko. Tatawagan ko nalang sila mamaya pag dating natin dun...." Malungkot na saad ni Julie.

"Elmo na naman..." nakasimangot na sabi ni Ethan.

"Sir Ethan, boyfriend ko po iyon, malamang po nagtanong kayo at si Elmo po na boyfriend ko ay ang buhay ko kaya kung ano hong itanong nyo sakin malamang sa malamang po ay may koneksyon si Elmo doon..." medyo naiinis na paliwanag ni Julie.

Natahimik naman si Ethan ng dahil doon.

--

Samantala....

"What did you say fafa Elmo?? Gumora si Julieta ng di nagbababush sa amin? Like seriously?"

"Oo nga Mokong, bat ganon naman? Nagtatampo na ko sa bestfriend ko ah? Isang araw lang kaming di nagkita may ganyang ganap na pala..." nagtatampong saad naman ni Maqui.

"Tsss. Iingay nyo." Sabi naman ni Josh.

"Napano nga ba Elmo?" inip na saad ni Jake.

"Bilisan mo..." sabi ni Jem.

Tinawagan silang agad ni Elmo matapos umalis ni Julie, naalala kase ni Elmo na hindi pala alam ng mga kaibigan na umalis ito.

"Ganito kasi yan..." kinwento ni Elmo lahat ng nangyari kahapon.  Habang nagkkuwento siya hindi naman mapigilan na hindi mag'react ng mga kaibigan nila.

"Omg si Juls ahh? May Ethan?? May Umeeksena? May Jasmine ulit?" malanding sabi ni Stephanie.

"Pinaghintay ka talaga ni Julie? At tsaka ano ba yan Elmo, bakit nakiipagkaibigan ka nanaman kay Jasmine? Muntik na kayong maghiwalay ni Julie dati dahil sakanya. Dumistansya ka muna amigo.." pangangaral ni Maqui.

"Hindi ko alam Maq, pero iba ang pakiramdam ko kay Ethan, hindi maganda. At kung kay jas naman? Believe me, nagbago na siya Maq. But I still need to stay away from her, hiling ni Julie eh."

"Dapat lang Elmo, baka naman mamaya gapangin ka nanaman nun..." sabi ni Jake.

Sa kalagitnaan ng pag-uusap usap nila biglang nagseryoso si Jem sa sinabi niya...

"Elmo, iba ang pakiramdam ko base sa kwento mo. Magpakatatag ka. Hindi si Ethan ang magiging problema mo.."

Biglang sabi ni Jem kaya naman napatingin ang lahat sakanya.

"What are you trying to say Jem?" tanong ni maqui.

"Oo nga di ko gets, eh sino palang magiging problema ni Elmo?" tanong ni Stephanie.

"Naiisip niyo ba ang naiisip ko Jake at Josh?" tanong ni Jem sabay naming tumango ang dalawa.

"Guys, just tell me..."

"Si Julie. Si Julie ang magiging problema mo Elmo. Siya..." sabay sabay na sabi ng triplets.

The Broken VowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon