Chapter 19

750 20 3
                                    

"Guys, thank you sa tulong niyo ah?" sabi ni Elmo

It's Saturday night and lahat sila ay pagod pero lahat sila ay makikita mong masaya.

Lahat ay tumulong sa pagpe'prepare ng biglaang kasal nila Julie at Elmo.

"No problem son, basta para sainyo ni Julie..." sabi ni Pia.

"Oo nga naman fafa Elmo..." tumawa naman sila sa sinabi ni Stephanie.

"Oh so pano? This will be the set up, my kumare and kumpadre will stay at Elmo's condo. They'll be with Julie and Julie's sisters..." pag-aayos ni Pia sa kung saan tutuloy ang lahat ngayon..

"Then Maqui, Stephanie and Triplets, you'll stay at Maqui's condo right?"

"Yes po tita" maqui said.

"Oh right, then Elmo, uwi ka sa bahay son. We need to bond cos tomorrow you'll be a family man na..." malungkot na sabi ni Pia.

"Yes po mom, Ikaw talaga hahaha." Natatawa naman sila dahil sa ka'oa'yan ni Pia.

"So settled na guys? I'll see you tomorrow sa wedding naming ni Elmo..."

"Mauna na po kayo sa car mom, may sasabihin lang po ako kay Julie..." sabi ni Elmo

Tinukso muna sila ng mga ito na gusto lang nilang magsolong dalawa bago sila iniwan ng mga ito...

Nang sila nalang dalawa ay agad na yumakap si Elmo kay Julie.

"Baby..." sabi ni Elmo.

Yumakap din sakanya pabalik si Julie..

"Sus, landi mode ka nanaman Elmo ah..." pang-aasar ni Julie.

"Bakit baby? Bawal ba?" tapos ay nag'pout si Elmo.

"Hindi naman baby, ang sakin lang after this day you can make landi to me naman na forever ahh?" sabi ni Julie.

Natawa naman si Elmo sakanya.

"Oh bakit ka tumatawa?" tanong ni Julie

"Ang conyo mo kasi baby..." tsaka pinisil ni Elmo ang ilong ni Julie.

"Hey, mana lang ako sayo. And ikaw ah? Nakaugalian mo na talagang pisilin yan ilong ko, pag yan pumango" sabay hampas ni Julie kay Elmo..

"Ano ka ba baby, kahit na wala ka pang ilong mahal pa rin kita..." hinampas naman ni Julie si Elmo..

"Bolero ka talaga, alam mo? Tara na. Naghihintay na sila satin o, and I'm sure na pagod na rin silang lahat kaya tara na..." sabi ni Julie.

Tsaka niya pa kinagat ang ilong ni Elmo.

"Ouch.."

"Ayan, kada pisil mo sa ilong ko kagat naman kapalit. Hahaha" tsaka na tumakbo si Julie

Pero bago pa man ito pumasok ng sasakyan nila ay kumaway ito kay Elmo.

"See you tomorrow afternoon baby, wag mo kong iindyanin ah? I love you..." tsaka siya nag'flying kiss kay Elmo.

"Hinding hindi baby... I love you too..." at nagflying kiss din si Elmo kay Julie..

Nakangiting pinanuod ni Elmo na pumasok si Julie sa sasakyan nila..

-

"Saya natin anak ah?" si Jonathan ang ama ni Julie.

"Opo pa, sobra..."

"Halata nga sa ngiti mo anak" pang-aasar ni Marivic.

"Ihhh mama naman po ehh."

"Hahaha, ang anak namin, ikakasal na..." medyo malungkot na sabi ni Jonathan.

"Papa, kahit naman po ganon di ko naman po kayo kakalimutan..." paglalambing ni Julie..

"Alam namin anak..."

"Uhm pa, matutulog muna po ako ah? Medyo napagod po kase ako ng sobra, gisingin niyo nalang po ako pag nasa condo na po tayo ni Elmo..." paalam ni Julie.

"Sure anak..."

Matutulog na sana si Julie nang may matanggap siyang text...

"Ja, I need to see you now. Meet me at *********. I will wait for you. Come here or else....."

Kinabahan si Julie sa natanggap niyang text, iisang tao lang naman ang tumatawag sakanya ng "JA"...

"Pa, pakihinto po yung kotse. May nakalimutan lang po akong bilhin, mauna na po kayo sa condo...."

The Broken VowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon