Chapter 35

1.1K 33 0
                                    

A/N: Love you guys.


Nandito na sila sa Manila ngayon, matapos ang nangyaring sagutan sa pagitan ni Julie at Janna ay napagpasyahan na nilang umuwi na muna.

Si Elmo ay nandito sa condo ni Julie Anne ngayon para kausapin ang dalaga dahil sa totoo lang ay hindi siya natuwa sa inasta nito.

 "Julie why did you do that? I told you to wait until we arrived here in manila."

"What's the difference moe? It's just the same, you'll still end up breaking her heart. That's the perfect time to say what we really have..."

"Perfect time? Julie naman. You ruined everything, ngayon galit na galit na si Janna..."

"What's the big deal if Janna's mad at you ha? Bakit ayaw mong magalit siya sayo? Umpisa palang Elmo, kahit anong plano pa ang gawin mo imposibleng hindi sya magalit sayo..."

"Hindi mo kasi naiintindihan eh Ju—"

"Then make me understand! Why do I feel like you don't want her to get mad at you not just because of guilt but because of you, being a selfish jerk? Mahal mo pa din ba sya Elmo? Dahil hindi ako pwede ng ganito. Ayaw ko ng may kahati..."

Lumapit na si Elmo kay Julie at ipinaharap ito sakanya...

Makikita mo ang galit at lungkot sa mata ni Elmo...

"After all those sacrifices that I have made for you, ngayon mo pa pagdududahan ang pagmamahal ko sayo? Isa lang naman ang hinihingi ko Julie eh, ang ibalato mo na sakin ang pagsasabi nun kay Janna. Alam kong sa huli, Oo kahit na ano pang gawin ko masasaktan ko pa din siya pero alam mo kaya ko gustong ako ang magsabi sakanya dahil gusto kong kahit papaano ay maibsan ko ang sakit na yun..."

"Elmo..."

"Pero wala eh Julie, sinira mo. Hindi mo ba kayang panghawakan ang sinabi ko sayong ikaw ang mahal ko? At babalikan kita? Bakit Julie? Now tell me, who's being selfish here? Sino sa atin?"

"S-sorry..."

"Sorry na naman Julie. Minsan nakakasawa ding madinig ng paulit ulit yang sorry mo. Nawawalan na kasi siya ng meaning para sakin. Paulit ulit na lang din kasi..."

At tsaka na tumalikod si Elmo at tuluyan na itong umalis.

Napaupo na lamang si Julie sa sahig at tuluyan na siyang umiyak..

"Ang tanga mo Julie. Ang tanga tanga mo..."

Paulit ulit na sabi nito sa sarili niya...

*Kriiing...Kriiing....Kriiing*

Maya maya ay narinig ni Julie na tumunog ang cellphone niya.

Dali dali siyang tumayo sa pag-aakalang si Elmo 'yun kahit na alam niya namang medyo malabong mangyari 'yun dahil alam niyang may tampo ngayon sa kanya ang binata...

Napabuntong hininga siya ng makita niya kung sino ang caller...

Walang gana niyang sinagot ang tawag..

"Hello Maq?"

"Oh? Bat ganyan ang boses mo ha?"

"Maq, pwede bang pumunta kayo dito sa condo ko ngayon. Kailangan ko kayo..."

"Oo na sige na.. Pero si Stephanie lang ang maisasama ko ha?"

"Eh yung triplets?"

"Kasama ni Elm—"

"Talaga!? Kasama sila ni Elmo ngayon? Maq itanong mo kung nasan sila dali..."

"Oh? Bat bigla naming sumigla ang boses mo dyan?"

The Broken VowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon