Chapter 20

913 28 7
                                    

It's the day of their wedding and everyone who's close to them are all excited.

"Moe, anak kumalma ka nga dyan. Dadating si Julie ano ka ba..."

Ngumiti lang si Elmo kay Pia para itago ang kabang nararamdaman niya.

Nananalangin siya ngayon na sana ay sumipot si Julie, hindi pa rin kase nya maiwasan ang mangamba, lalo na at medyo sariwa pa sakanya ang nangayri month ago...

Napansin naman ni Stephanie na kinakabahan si Elmo kaya naman nilapitan niya ito at tinap ang balikat nito.

"She'll come moe, she'll come.." bulong ni Stephanie kay Elmo.

"I know..." sabi ni Elmo..

Simple lang ang kasal na magaganap.

Ang mga imbitado lamang ay ang mga kaibigan nila na sila Maqui na siyang Maid of Honor, si Stephanie, ang triplets, at ang pamilya ni Elmo at Julie.

Nasa simbahan na ang lahat maliban kay Julie at Maqui,

Lahat ay hindi na mapakali....

Makalipas ang ilang minuto ay narinig na nila si Frank na sumigaw...

"Andyan na ang bride..." dali dali na nag-ayos ang lahat at sila'y pumwesto na...

--

"Ang ganda mo talaga bes..." sabi ni Maqui kay Julie.

Nasa sasakyan pa sila ngayon dahil nagsisimula palang ang pagmamarcha..

Nginitian lamang siya ni Julie...

"Thank you bes..." matapos noon ay lumabas na sila ng bridal car.

"Excited ka na ba bes? Maya maya lang magiging Mrs. Magalona ka na..." sambit ni Maqui.

Julie nodded.

"O-Oo naman, s-sino ba namang bride ang hindi excited d-diba?"  nauutal na sabi ni Julie.

"Teka? Why are you stuttering?"

"W-wala Maq, I'm just nervous. Tama, ninenerbyos lang ako...."

Maya maya pa ay, hudyat na para si Julie ang maglakad, pagbukas na pagbukas pa lamang ng pinto ay napanganga ang lahat dahil sa taglay na ganda ni Julie.

Automatic na napangiti si Elmo ng Makita niya ang kanyang bride.

Nang malapit na si Julie ay napansin ni Elmo na umiiyak ito, naisip ni Elmo na marahil ay sa sobrang saya kaya ganon na lamang kung umiyak si Julie.

Tulad ng nakagawian, nagmano si Elmo sa mga magulang ni Julie at ganun din si Julie kay Pia....

Ngayon ay nakaharap na sila sa Pari...

Excited si Elmo dahil alam niyang minute nalang at magiging Mrs. Magalona na rin ang babaeng pinapangarap at pinakamamahal niya.

"Good morning ladies and gentlemen." Panimula ng pari.

"We are gathered here to witness the union of Julie Anne and Elmo Moses..."

Nagsimula na nga ang pangangaral ng pari, at ito na ang pinakahihintay ng lahat, ang pagsasabi nila ng "I DO"

"Do you Elmo Magalona, take Julie Anne San Jose to be your lawfully wedded wife?" tanong ng pari kay Elmo.

Ngumiti si Elmo at tumango tango pa kasabay ng pagsabi ng...

"Yes father, I DO"

Lumingon ang pari kay Julie at siya naman ang tatanungin nito.

"Do you Julie Anne San Jose, take Elmo Magalona to be your lawfully wedded husband?" tanong ng pari kay Julie.

Lahat ay naghihintay sa  sagot ni Julie, habang si Julie naman ay nakatangang umiiyak lamang.

Naalala niya si Ethan at ang pinag-usapan nila kagabi...

Ang tahimik na iyak ni Julie ay napalitan ng hagulgol...

"Again, do you Julie Anne San Jose take Elmo Magalona to be your lawfully wedded husband?" paguulit ng pari sa tanong.

Lahat ng nasa loob ng simbahan ngayon ay kinakabahan.

Ang pamilya nila ay hindi alam kung bakit ganon ang reaksyon ni Julie pero ang magkakaibigan ay nagkatinginan na lamang...

Hinawakan ni Elmo ang braso ni Julie ngunit nagulat ang lahat ng tabigin lamang ni Julie ang kamay ni Elmo.

Tumingin si Julie kay Elmo....

"I-Im S-sorry... I can't marry you Elmo, S-si Ethan ang mahal ko..." sagot ni Julie

Isang sagot na dumurog sa puso ng lahat ng nasa simbahan.

"N-no J-Julie, y-you can't do this to me..."

"Im sorry elmo, pero yun ang totoo..."

"How can you do this to me? I have given you all my trust Julie. Why? I hate you. Galit ako sayo! Galit na galit ako sayo. Sinira mo lahat Julie! Wala kang kwentang babae..." sigaw ni Elmo habang ito ay umiiyak na.

Lahat ng nasa simbahan ngayon ay hindi makapaniwala sa nasaksihan nila...

"Nakakapagod kang mahalin Julie, nakakapagod..." matapos nun ay tumakbo na si Elmo palabas ng simbahan habang si Julie naman ay napaupo nalang.

Nagulat si Julie nang lapitan siya ni Maxene...

*PAK*

"That's for hurting my brother, my brother who have given you all. Yung kapatid kong minahal ka ng higit pa sa buhay niya. Malandi ka,..." at tsaka sinabunutan ni Maxene si Julie.

Nagkagulo na sa simbahan...

Sila Maqui ay umaawat lang....

Umalis na ang mga Magalona para sundan si Elmo...

"Bakit mo nagawa yun anak?" sabi ni Marivic.

"Hindi ko gusto yun Ma...." Tanging nasabi nalang ni Julie bago siya nawalan ng malay...

--

Mabilis ang takbo ng sasakyan ni Elmo, wala siyang pakialam kung over speeding siya, hindi rin niya alam kung saan siya papunta...

Umiiyak siya, at nanlalabo ang paningin niya pero wala siya paulit ulit na naririnig kundi ang sinabi ni Julie kanina...

"I-Im S-sorry... I can't marry you Elmo, S-si Ethan ang mahal ko..."

"I-Im S-sorry... I can't marry you Elmo, S-si Ethan ang mahal ko..."

"I-Im S-sorry... I can't marry you Elmo, S-si Ethan ang mahal ko..."

"I-Im S-sorry... I can't marry you Elmo, S-si Ethan ang mahal ko..."

"I-Im S-sorry... I can't marry you Elmo, S-si Ethan ang mahal ko..."

Paulit ulit itong tumatakbo sa isip niya, hanggang sa hindi niya namalayan na may kasalubong pala siyang truck, hindi na niya alam kung anong gagawin, hinang hina na siya, pero pinilit niyang iliko ang kotse niya at sa di inaasahang pagkakataon ay bumunggo ito sa pader.

Wasak at nayupi ang harapan ng sasakyan ni Elmo.

Siya ay duguan at hinang hina na. Nanlalabo ang paningin niya. Hindi niya na alam kung anong nangyayari.

Ang nasa isip niya lang ngayon ay ang iniwanan siya ni Julie.

Bago siya tuluyang mawalan ng malay ay may rebulto ng babae siyang nakita...

"Sabi ko sayo Elmo, pag bumalik ako at sirang sira ka na ng dahil sakanya, aangkinin na kita..."

Sabi nito...

Sa huling pagkakataon ay binigkas ni Elmo ang pangalan ng babaeng pinakamamahal niya, ng babaeng sumira sa kanya...

"J-julie Anne" at tsaka na siya nawalan ng malay.

"Hindi Elmo, Ako si Janna, Janna Eris Valderama ang babaeng mamahalin mo ng higit pa sa pagmamahal mo sakanya..."

The Broken VowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon