Chapter 27

742 25 3
                                    

"Elmo, halika dito dali, tignan mo oh..." sigaw ni Julie habang pinapakita ang isdang nahuli niya.

Nginitian lamang siya ni Elmo kaya naman nagtaka siya. Kanina pa kasi ito mukhang matamlay.

Kanina ay sumikat na ang araw, kaya ngayon ay hinihintay na lamang nilang mahanap sila nila Pia.

Lumapit kaagad si Julie kay Elmo dahil nag-aalala talaga siya para sa binata, kagabi kasi ay labis siyang inalagaan nito.

"Moe, are you okay? Mukha kang matamlay ahh..." ngayon ay nakalapit na si Julie kay Elmo..

Hinawakan ni Julie ang noo nito at naramdaman niya na sobrang init pala nito.

"OMG moe, ang taas ng lagnat mo. Halika dito dali...." Sabi ni Julie.

"Anong gagawin mo?" takang tanong naman ni Elmo

Nginitian siya ni Julie

"Body heat moe..." sabi ni Julie.

Para namang batang lumapit si Elmo kay Julie at nagpakukob sa yakap ng dalaga.

Bumilis ang tibok ng puso ni Elmo the moment na yumakap siya kay Julie. Hindi niya alam kung bakit pero ang sigurado lang siya ngayon ay naging malaking parte ng buhay niya si Julie.

Makalipas pa ang ilang oras ay naramdaman ni Julie na medyo bumababa na ang lagnat ni Elmo...

"Moe, kailangan kong maluto ung nahuli kong isda...." Bulong ni Julie kay Elmo.

"But how? Wala tayong paglulutuan dito..." sabi ni Elmo.

Humiwalay sa yakap si Julie at tsaka na tumayo.

"Alam mo, may boyfriend ako dati ang galing galing niyang gumawa ng paraan sa mga ganyang bagay kaya na rin siguro natuto ako, kase pagnagbi'beach kami? Siya lagi ang gumagawa ng apoy. Ewan ko ba kung nasan na yung gwapong lalaki na yun...." Sabi ni Julie

Tsaka na ito lumayo upang maghanap ng kahoy.

Napasimangot naman si Elmo dahil doon, hindi niya alam pero bakit nakakaramdam siya ngayon ng selos.

Kaya naman agad agad siyang tumayo at pinuntahan si Julie.

"Oh? May sinat ka pa eh, bat ka tumayo? Upo ka nalang dun moe..."

"No, lalaki ako kaya dapat tinutulungan kita. Hindi yung hinahayaan lang kitang naghihirap diyan..."

"Hahahahhaa..." humalakhak naman si Julie.

Masaya si Julie ngayon, after 2 years ngayon nalang siya nakatawa ulit ng ganito.

"Okay, sabi mo eh. Pero alam mo? Yung boyfriend kong dati na yun? Sobrang seloso...." Kumunot naman lalo ang noo ni Elmo.

Lumayo na ito sakanya at mag-isang naghanap ng kahoy.

Natatawa si Julie dahil sa reaksyon nito, pero syempre mas lamang ang kilig.

"Pero alam mo moe?" sigaw ni Julie.

Lumingon naman sakanya si Elmo.

"Ano na naman?" medyo naiinis na tanong nito.

"He always gets jealous but he's the most understanding person I've ever known. He's the sweetest and the kindest. If I didn't just let him go..." sabi ni Julie sa boses na sapat na para marinig ni Elmo.

Nakita ni Elmo na seryoso si Julie. Hindi niya alam pero bakit bigla nalang siyang kinilig ngayon sa mga sinabi ni Julie. Na para bang sinasabi ito ni Julie sa kanya? Bakit ganon ang nararamdaman niya...

Nginitian sya ni Elmo at sinigawan siya nito...

"Para palang ako yung ex boyfriend mo. Sweet , kind and understanding at syempre, seloso. Hahhahaha..." tumawa si Elmo at nakitawa na rin si Julie sa kanya.

"Hahhaha. Moe ang corny mo..." sigaw ni Julie.

"Ako!? Corny? Ha? Talaga?" sabi ni Elmo habang unti unti itong lumalapit kay Julie.

"Moe, alam ko yan. Stop! May sinat ka pa...." sabi ni Julie pero huli na dahil tumakbo na si Elmo palapit sakanya.

Tumakbo na rin si Julie dahil alam niya na kung anong gagawin sakanya ni Elmo kapag nahuli siya nito.

Kaya naman ngayon ay mukha silang magkasintahang naghahabulan sa isang paraiso na kung saan sila lamang dalawa ang nandito.

"Andyan nako!!!!!!!" sabi pa ni Elmo sa parang pang aswang na boses.

"Hahahaha. Ang pangit mo!!" sigaw ni Julie habang mas binilisan pa niya ang pagtakbo dahil malapit na si Elmo sakanya.

"Ah ganon?" sabi ni Elmo.

"Ayyyy!" tili ni Julie dahil nahuli na siya ni Elmo.

"Sinong pangit at corny ha? Sino? Hahhaha" sabi ni Elmo habang kinikiliti na si Julie.

"Oh my gosh moe, hahahaha. S------toooopppp!" sigaw ni Julie habang tumatawa.

"why would I? eh pinagod mo ko tapos kinutcha mo pa ako? Bully Anne. Tsktsk..." sabi ni Elmo tapos ay mas kiniliti pa si Julie.

"Hahahahahahha. Omg moe. Hahahhaa, No... Ahhhhh!..." sigaw ni Julie.

Patuloy pa ring kinikiliti ni Elmo si Julie ng makarinig sila ng ibang boses kaya napatigil sila...

"Hun...."

Napatigil sila at lumingon sa pinanggagalingan ng boses...

"Janna...."

The Broken VowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon