Chapter 25

821 32 3
                                    

"Okay kids, this will be our room assignment for our 5 days of stay here..." anunsyo ni Pia.

Yes, nandito na sila ngayon sa Palawan.

Hindi mapigilan mapalingon ni Julie at pagmasdan ang lugar na ito.

Napangiti siya ng mapait nang maalala niya ang mga ginawa sakanya ni Elmo dito 2 yrs ago.

"Maxx and Saab, you'll stay at room 201, Frank and Triplets room 202, Julie, Maq and Steph room 203 and Elmo and Janna room 204, clara, ark and I will stay at room 205. Are we all set now?" tanong ni Pia sa kanilang lahat.

Gusto sanang sumigaw ni Julie ng "NOOOOOO!!!!" dahil si Elmo at Janna ang magkasama sa kwarto kaso naalala niya, wala nga pala siyang karapatan...

Kaya nanahimik na lamang siya at pasimpleng tumango na lamang sa tanong ni Pia.

"Uy, bes. Tara na! Nakaakyat na ang lahat, tulaley ka pa din dyan. Wag kang magalala katabi lang naman natin ng room eh, sabihin ko nalang kay Elmo sumigaw ng rape kapag ginapang siya nung babaeng yun..."

Sabi ni Maqui habang hinihila na sya paakyat.

"Baliw ka talaga Maq...." Tanging nasabi na lang niya.

--

Nandito sila ngayon sa may cottage na kinuha nila at ibibigay na muna ni Pia ang mga gagawin nila para sa lunch nila ngayon, napag-usapan kase nila na magluluto sila ngayon.

"Okay kids, so this will be our assignment...." Panimula ni Pia.

"First – Maqui,Saab and Maxx will fix the grocery items that they will buy..."

"San kami bibili ng grocery dito mom?" tanong ni Maxx.

"May store dun, turn right then diretcho then turn left then you'll see it..."

"Okay..." sabay sabay na sagot nila Maqui, Saab at Maxx.

"Okay, next. Frank and Triplets, you'll make fire okay?..."

Frank and the triplets just nodded.

"Stephanie, just take care of my bunso's" Pia said, referring to Arkin and Clara.

"Moving on, Julie and Elmo will do the fishing..." sabi ni Pia habang nakangiti.

"Then Janna, sweetie help me here sa pagluluto okay?" sabi ni Pia.

"But Tita, bakit di nalang po kami ni moe ang mag fishing?" takang tanong ni Janna.

Napayuko naman si Julie.

"Kilala ko kasi si Julie anak, no offense meant ha? Di kase marunong magluto si Juls...." Sabi ni Pia habang medyo humahagikgik pa..

Nagkatinginan naman lahat, except for Elmo and Janna because they all know na Julie's one of a hell good cook.

Back then, when Julie and Elmo's still together kasi, Julie used to cook for the whole Magalona family pag may oras ang dalaga.

Mukhang natuwa naman si Janna sa sinabi ni Pia dahil akala nito ay pinupuri siya ng nanay ng boyfriend niya kaya agad agad siyang tumango.

"Okay tita..." siyempre, gusto niyang magpa'impress.

"Okay guys, move now. Chop Chop..." sabi ni Pia with matching gestures pa...

--

"Julie, marunong ka bang mag'fishing?" tanong ni Elmo.

Nakasakay sila ngayon sa isang de'motor na Bangka at si Elmo ang nagpapatakbo nito.

"Okay lang, tinuruan mo ko eh..." tila huli nan g maalala ni Julie yung nasabi niya.

"What did you say?" tanong naman ni Elmo.

"Ahh, sabi ko Moe, lumampas na kako tayo dun sa allowed na part lang nitong beach, ayan oh. We just crossed the line..."

May tali kasi doon sa dagat na iyon kung hanggang saan lang sila pwede, masyado na kasing malalim pag lumampas pa sila doon.

"Ah ganun ba? Hmm, okay lang yan. Dito mas madaming fish eh..." sabi naman ni Elmo.

Hindi na tumutol pa si Julie.

Huminto na si Elmo at inaayos na nito ang mga gagamitin sa pangingisda.

Habang nangingisda sila ay nagkwentuhan sila dahil na rin sa kulit ni Elmo ay hindi na rin maiwasan sagutin ni Julie ang mga tanong nito.

"Julie, gusto kitang mas makilala pa. kasi feeling ko, malaki ang naging parte mo sa buhay ko dati eh. Gusto kong ipaalala mo sakin Julie, kung sino ka nga ba sa buhay ko bago pa man ako nagka'amnesia. Please Juls?" pakiusap ni Elmo.

Si Julie naman ay nabigla, hindi niya alam ang sasabihin niya sa binata.

Pero naisip niya na ito na marahil ang tamang panahon para ipagtapat na niya dito ang lahat lahat...

"Elmo, When we were 15, you and I are Ahhh, Oh my gosh what's happening?" gulat na sambit ni Julie.

Bigla nalang kaseng lumakas ang alon.

Dali dali namang nagpunta si Elmo sa manibela at sinusubukang ibalik na ito sa Pampang dahil lumalakas pa lalo ang alon at dumilim na ang kalangitan.

"Shit, please move. Holy jeez... Ayaw gumana Julie..." lumingon si Elmo kay Julie at nakita niya itong nakayap sa sarili. Halatang natatakot.

Agad agad niya itong nilapitan..

"Hey, Jules. Why are you crying?" tanong ni Elmo.

"I-Im *sniff* afraid of thunderstorms and lightning..." sagot ng dalaga at mas lalo pa itong umiyak..

"Shhh. Stop crying. It's okay I'm here baby..."

Nagulat naman si Julie sa huling salitang narinig niya kay Elmo.

"W-what did you say?"

"I said baby, while you we're crying kase may nag'flash na naman sa utak ko, I think I was 17 yrs. Old nung time na yun and I'm comforting someone, blurred siya eh. Takot din sa kulog at kidlat..." sabi ni Elmo.

Napaiyak siya ng maalala ang pangyayaring yun.

Siya yun, siya yung babaeng tinutukoy ni Elmo..

"Hey? Bat ka lalong umiyak? Come on Juls. Sorry okay? Sorry, kase ito ako, walang magawa at hinahayaan nalang tangayin tayo ng malalakas na alon. I'm sorry. But I promise you, you'll be safe with me.. "

At tsaka siya niyakap ng binata...

Na'miss niya ito, kaya yumakap siya pabalik ditto habang hinahayaan nilang tangayin sila ng malalakas na alon.

Ayos na siya, ang mahalaga kasama niya ang taong mahal niya, kasama niya si Elmo.

The Broken VowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon