Chapter 32

1.1K 25 6
                                    

A/N: Sorry to keep you waiting. Enjoy!! And by the way, who knows how to make a book cover? Message me please. I need you para sa cover ng new story ko. Thanks! :D


Sila ngayon ay tahimik na nakahiga lamang.

Si Elmo ay nakahiga sa isang malapad na bato habang si Julie naman ay nakahiga sa may dibdib ni Elmo. Kapwa na sila may mga saplot.

Bukod sa mga ingay na dulot ng mga paniki sa kweba ay ang paghinga lamang nila ang madidinig mo.

"Baby..."

"Hmm"

"Do you still love me as much as you love me before?"

At tsaka tumingala si Julie kay Elmo.

Sa totoo lang ay kanina pa nya naiisip na itanong yun kay Elmo, sa totoo lang kasi ay nababagabag talaga siya.

"No"

Bigla naming napabalikwas ng bangon si Julie at malungkot na tinignan si Elmo.

Nginitian lamang siya ni Elmo at tsaka muli siyang kinabig upang yakapin.

"I don't love you just like how I loved you before, dahil mas mahal na mahal pa kita ngayon..."

Pinalo naman ni Julie ang dibdib ni Elmo at tsaka na ito yumakap...

"Pinakaba mo ko, bwiset ka!"

"Brutal ka pa din hanggang ngayon..."

At tsaka sila nagtawanan, maya maya pa ay tumingala si Julie kay Elmo.

"Elmo, baby. I just want to say sorry. Sorry for all the pain that I've caused you before. Sorry kasi ang tanga tanga ko back then. Sorry sa lahat..."

"Shhh. You don't have to say sorry. Alam mo? Kahit ano yatang kasalanan ang gawin mo sakin, ikaw at ikaw pa din ang mamahalin ko. I don't honestly care if you broke your vow several times, cos no matter what happens, it will still be you..."

At tsaka siya hinalikan ni Elmo sa noo.

"Pero paano na si Janna?"

Ngayon ay napaisip na si Elmo..

Sa totoo lang ay hindi niya rin alam, basta ang alam niya lang ngayon ay mahal na mahal niya si Julie.

"Sasabihin ko sakanya lahat, ipapaliwanag ko na ikaw pa rin ang mahal ko."

"Pero baka magalit siya Elmo, paano kung hindi sya pumayag?"

"Papayag siya Julie, mabait si Janna. I promise you, okay? Listen to me, when we get back to Manila, dun ako hahanap ng magandang tyempo para sabihin kay Janna na ikaw pa din ang mahal ko..."

Nakita ni Elmo na worried pa din si Julie kaya hinawakan niya ang mukha nito at iniharap sakanya..

"Hey, don't worry. Kailan ko ba sinira ang vow ko sayo? Never diba? So trust me on this Julie..."

Nakangiting sabi ni Elmo. Hindi naman mapigilan ni Julie ang mapangiti.

Nacute'an kasi siya kay Elmo.

She nodded and gave him a smack..

"I love you, forever...."

"I love you too, and ever..."

And they sealed it with a kiss.

"Nasan na ba kasi si Elmo?"

Ngayon ay paikot ikot na si Janna sa kwarto nilang dalawa ni Elmo.

Mula kasi ng tumakbo ito kanina ay hindi na niya ito nakita.

Kanina pa niya ito hinahanap mula ng umalis ang kuya niya..

Yes, after nung nangyari kanina ay nagpasya na rin si Ethan na umalis, alam kasi nito na hindi pa siya handang Makita ni Elmo.

"Hun,.."

Niyakap agad ni Janna si Elmo pagkapasok na pagkapasok pa lamang nito sa kanilang kwarto.

"Hey, why are you crying?..."

Kumakalas si Elmo sa yakap ngunit ayaw naman siyang bitawan ni Janna sa halip ay yumakap pa ito ng mas mahigpit sa kanya...

"None....."

"Hey, Hun? Bakit ba? Tumingin ka nga sakin..."

At unti-unti namang nakaalis si Elmo sa yakap ni Janna.

"Now, bakit ka umiiyak?"

"Na-natatakot ako.. Natatakot ako na baka si Julie na ulit ang mahal mo, ngayong tanda mo na ang lahat..."

"Shh.. Janna. Don't overthink things okay?"

At tsaka hinawakan ni Elmo ang mukha ni Janna.

"I love you, okay? Mahal kita Janna..." at tsaka pa niyakap ni Elmo si Janna.

Alam niya na pinapaasa niya ang dalaga na hindi niya ito iiwanan para balikan si Julie, pero hindi naman kaya ni Elmo na Makita itong nasasaktan ng ganito.

Mahal niya rin si Janna. Nagkataon nga lang na mas mahal niya si Julie.

Naisip ni Elmo ngayon na kailangan niyang paligayahin si Janna at ibigay ang pagmamahal na deserve nito bago man lamang siya tuluyang magsabi dito ng totoong nararamdaman niya..

"I love you too Elmo and I can't afford to lose you. I'd rather die, than to see you in Julie's arms...."

The Broken VowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon