Chapter 16

746 24 8
                                    

A/N: Again, filler lang po ito, so sobrang igsi po nito. :)

"Kriiiiing....Kriiiiiiing....Kriiiiing"

Nagising si Julie sa tunog ng alarm clock niya.

Minulat niya ang mata niya at kumurap kurap muna bago tuluyang bumangon.

Tumingin siya sa salamin at nakita niyang mugto pa rin ang mga mata niya.

Pilit niyang isinisiksik sa utak niya ang lahat ng nangyari kahapon, napabuntong hininga siya ng maalala niyang sa isang iglap ay sinira niya ang walong taong relasyon nila ni Elmo.

Minabuti niyang pumunta na si CR upang maligo, dahil plano niyang puntahan si Ethan sa unit nito ngayon, balita niya kase ay nakahanap ito ng bagong unit na matitirhan, unit daw iyon ng kapatid ni Ethan.

Matapos ang mahigit dalawang oras ay natapos ding mag-ayos si Julie.

Pinilit niyang ngumiti...

"Julie, tandaan mo. Pinalaya ka na ni Elmo. Kailangan mong gawin ngayon ay ang maging masaya...."

Matapos noon umalis na si Julie papuntang unit ni Ethan...

--

JULIE's POV

Papunta ako ngayon sa unit ni Ethan, kailangang sabihin ko sakanya ang magandang balita na pinalalaya na ko ni Elmo at pwede na kami.

Siguro iisipin niyo na selfish ako, pero wala nakong pakialam. Mahal ko si Ethan, siguro naman tama lang ang ginawa ko na piliin yung taong tunay na makakapagpaligaya sakin diba?

*Ting*

Lumabas nako nang elevator at naglakad papunta sa unit ni Ethan.

Kakatok sana ako ng Makita kong bukas ang pinto ng unit ni Ethan.

Hindi na ko nag-abala pang kumatok, pumasok nalang ako. Alam kong siya lang naman ang tao dito.

Nang makapasok ako ay nakita kong wala naman sa sala si Ethan, naisipan kong puntahan siya sa kusina.

Naglalakad ako papuntang kusina ng may marinig akong boses ng babae.

Wait? That voice seemed familiar....

Para kumpirmahin ang hinala ko, sumilip ako and I'm shocked to see her here.

What is she doing here? B-bakit? Magkakilala sila ni Ethan?

Lalapitan ko sana sila ng biglang magsalita ang babae.

"Ethan, oh baby. Good job. Ang galing mo talaga, mahigit isang buwan lang minahal ka na agad ni Julie Anne? Akalain mo yun malandi rin pala ang babaeng yon..." sabi nung babae.

T-teka? A-anong ibig sabihin nila?

"Ano ba talagang plano mo? Bakit gusto mo silang maghiwalay? Siguro naman papakasalan mo nako niyan dahil hiwalay na sila?" napaiyak ako sa sagot ni Ethan.

P-pinlano nila to? Ikakasal sila?

"Oo Ethan, papakasalan din kita, pero you have to make sure na sirang sira na talaga silang dalawa, then after that, kahit saan at anong oras pa baby, I'll marry you..."

"Bakit ba galit na galit ka kay Julie?"

"Dahil siya ang mahal ni Elmo, dahil minsan sa buhay ko, pinamukha niya saking hindi ako karapatdapat kay Elmo, ngayon? Sino sa amin ang hindi karapatdapat? Siya na nakipagsex sayo habang boyfriend pa niya si Elmo?"

Nasasaktan ako sa naririnig ko. B-bakit kailangan niyang gumanti? B-bakit si Ethan pa?

Nakita kong napatiim bagang si Ethan..

"Tapatin mo nga ako, hanggang ngayon ba mahal mo pa si Elmo? Sagutin mo ko Jas..."

The Broken VowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon