Chapter 30

1.2K 37 9
                                    

A/N: Next Chapter is in Private! Follow me to read or see the external link.


"Happy birthday Janna...." Sabi ng bagong pasok...

"E-Ethan?" sabay na sabi ni Julie at Elmo...

Napatingin ang lahat sa bagong pasok...

"Kuya..." at tsaka tumakbo si Janna papunta sa kuya niya.

"Hey, Baby Sis, what's the matter? Why are you crying?"

"Valderama!!" napatingin naman lahat ngayon kay Elmo.

Including Ethan himself.

"Nandito pala ang lalaking sumira sa buhay ko, ang lalaking paulit ulit na ipinamukha sakin na pangalawa lang ako pagdating sa pagmamahal ni Julie, ang lalaking dahilan kung bakit muntik na akong namatay. Anong ginagawa mo dito ha? Nandito ka ba para sirain na naman ang buhay ko? Tangina! Wala ka ng sisirain dahil sirang sira na!!!!" sigaw ni Elmo.

"E-Elmo please listen to me pare...."

"Wag mo kong mapare'pare gago!" at nagulat nalang ang lahat ng makita nilang sinugod na ng suntok ni Elmo si Ethan.

"Putangina mong gago ka!!! Mamatay ka na!!! Demonyo ka! Animal ka!!!!" tuloy tuloy na sabi ni Elmo habang tuloy tuloy din ang suntok na ibinibigay niya kay Ethan...

Hindi naman nanlalaban si Ethan.

Tinatanggap niya ang galit ni Elmo, dahil paniwalaan man ng lahat o hindi, nagsisisi siya. Sising sisi siya.

Pero wala na siyang magagawa, nangyari na at ginawa niya lang iyon dahil mahal na mahal niya si Jasmine.

Si Jasmine, na iniwan siya para sa ibang lalaki.

"Elmo!!!!!! Tama na!!!! Please!!!! Baka mapatay mo pa ang kuya ko!!!" sigaw ni Janna

At tsaka na ito umiiyak ng umiiyak.

Para namang natauhan si Elmo nang marinig niyang umiiyak si Janna.

Tumayo na si Elmo at tinapunan ng matalim na tingin si Ethan.

Si Janna naman ay agad tumakbo sa kuya niya upang alalayan ito.

"Nandito ka ba para bawiin si Julie? Si Julie na iniwan ako nung mismong kasal namin para lang sayo? Sige Malaya ka! Kunin mo na sya! Wag na kayong magpakita pagkatapos...."

Aalis na sana si Elmo nang magsalita si Ethan...

"E-Elmo, *hkkk* h-hindi ka iniwan ni Julie para sakin, maniwala ka... *hkkk* iniwan ka niya nun dahil tinakot ko siya na papatayin kita kapag nagpakasal siya sayo. Patawarin mo na siya Elmo..."

Napahinto si Elmo sa narinig, at muli ay tumingin siya kay Julie....

"Yan man ang katotohanan, hindi na niyan maibabalik ang katotohanang hindi na kami pwede ni Julie Anne. Hindi na niyan maibabalik ang katotohanang nasaktan ako ng dahil sainyo...."

At tsaka na tuluyang umalis si Elmo....

Kanina pa paikot ikot si Julie, pagkaalis na pagkaalis ni Elmo ay sinundan niya agad ito pero hindi na niya ito naabutan.

Inabot na tuloy siya ng gabi sa paghahanap dito...

"Nasan ka na ba Elmo..." sabi ni Julie sa kanyang sarili.

Tapos ay napansin niyang nasa bandang cave na pala siya.

Babalik na sana siya upang sa iba maghanap ng may marinig siyang sigaw mula sa loob noon.

"AHHHHH!!! MGA WALANG HIYA KAYO!!!! BAKIT NGAYON PA!!!" sigaw ng nasa loob.

Kinutuban si Julie na si Elmo iyon kaya naman kahit natatakot siya ay pumasok parin siya..

Pagkapasok niya ay naglakad lamang siya ng konti at nakita niya nga si Elmo.

Si Elmo na ngayon ay nakaupo sa isa sa mga bato sa loob ng kweba...

"E-Elmo..." nag-e'echo ang boses niya.

Nag-angat naman ng tingin ito at gulat na gulat ng Makita siya nito ditto...

"J-Julie..." sabi ni Elmo...

Hindi na napigilan ni Julie ang sarili niya at tumakbo siya papunta kay Elmo.

Hindi na niya iniisip na baka madapa pa siya dahil sa mga bato bato dito sa loob ng kweba ang alam niya lang ay gusto niyang mayakap ang binata...

"Elmo!!! Im sorry. Sorry. Sorry Sorry...." Paulit ulit na sabi ni Julie nang mayakap na niya si Elmo,.

Si Elmo naman ay gulat na gulat.

He has to admit it, he missed Julie's touch. He missed julie's hugs and he missed Julie herself. Everything about her...

And he has to admit na si Julie parin talaga. It's still her that he loves the most.

Sa dami nang nangyari eto siya nakayakap na din kay Julie...

"Shhh, stop saying sorry baby. Nangyari na, wala na tayong magagawa para baguhin yun pero may magagawa pa tayo para magsimula ulit..." sabi ni Elmo at napatingin naman sakanya si Julie.

"Y-you mean?" at hindi na natapos ni Julie ang sasabihin niya ng bigla na lamang siyang hinalikan ni Elmo.



A/N: SPG part next UD. Below 13, please don't read the next update. It's detailed. HAHAHAHA.


The Broken VowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon