Chapter 24

818 28 5
                                    

A/N: Pabebe chapter lang bago tayo umiyak ulit. Hahahaha. #SpoilerAlert

Nasa sasakyan sila Julie ngayon at pauwi na sila sa condo ni Maq, napag-usapan kase nila na doon nalang sila matulog.

Lahat sila ay tahimik ngayon. Marahil ay bothered dahil dun sa sinabi ni Elmo.

Hindi naman maiwasan ni Julie ang mapangiti, dahil aminin man nya o hindi.

Kinilig siya sa mga katagang binitawan ni Elmo, na kahit pala may amnesia na ito, nagre'react pa rin ang puso nito kapag nakikita siya.

"Julie, may pag-asa pa..." natigil sa pag-iisip si Julie nang marinig nyang nagsalita si Maqui.

"Ha?" takang tanong naman niya.

Tumingin sakanya ang kaibigan niya at ngumiti ito sakanya.

"May pag-asa pa na maging kayo, na magkabalikan kayo..." naguguluhan man ay curious din naman si Julie sa nais iparating ni Maqui.

"Maq, what are you talking about?"

"Juls, don't you get it. Ang ibig sabihin ni Maq ay pwede pa kayo ni Elmo..." sabat naman ni Steph.

"Pero may Janna na siya..."

"Pero sayo naman boto si tita Pia...." Sabat ulit nito.

"Stephanie, hindi madali ang iniisip niyong magbalikan ulit kami ni Elmo, nakikita ko kung gaano niya kamahal si Janna na kahit pa yata bumalik ang ala-ala niya ay si Janna pa rin ang pipiliin niya, lalo na dahil pag nangyari yun maalala nya rin lahat ng sakit na binigay ko sakanya dati..." malungkot na pahayag ni Julie.

"Pero Julie, yung epekto mo sakanya eh, nandun pa din..." sabat ni Jake.

"Hindi ko na alam guys, hindi ko na alam. Basta ang alam ko masaya ako ngayon dahil alam kong hindi pala talaga siya patay...."

"Oo, at kaya hindi siya namatay dahil sabi daw ni Papa God, kailangan mo pa daw bumawi sakanya..." sabi naman ni Maqui.

Sasagot na sana si Julie, nang bigla namang mag'ring ang cellphone niya.

"Oh, sagutin mo na yan, sumabog pa yang iPhone9 mo...."

Tinignan niya kung sino ang caller, tsaka siya nagtaka.

Number lang kase ang nakalagay.

"Hello? Julie?"

"Yes? Hello, who's this?" medyo may pagtataray na sagot niya.

"Hey, Julie. This is Elmo. Haha, uhm mom gave me your number..."

Nung malaman niya kung sino ang caller ay biglang bumilis ang tibok ng puso niya..

"Ohh, E-Elmo, w-what is it?" pagkasabi niya ng pangalan ni Elmo ay napatingin naman sakanya ang mga kaibigan niya at binigyan siya ng nakakalokong ngiti.

"Uhm, kase Julie, mom forgot to tell you daw, she was supposed to invite you and your friends tomorrow, kase we're going out of town, pupunta kami sa Palawan bukas kase dun ice'celebrate yung birthday ni Janna sa friday eh, eh bukas na pupunta dun, maybe you can come with us? Para narin mas makilala ko kayo..." mahabang sabi ni Elmo.

Nalungkot si Julie nang malaman na para kay Janna pala ang bakasyon na iyon pero wala na siyang magagawa dahil gusto niyang makasama si Elmo ay magiging masokista muna siya.

"S-sige..."

"Ayun! Thanks Juls. Anyway, we'll be staying there for 5 days, tomorrow since Monday palang naman relax lang hanggang Wednesday tapos Thursday is the preparation for Janna's birthday, Friday nga kase yung birthday nya...."

Nagseselos siya sa naririnig na para kay Janna lahat, naisip na naman tuloy niya na siya dapat ang sinu'surprise ni Elmo ngayon.

"Sige Elmo, anong oras bukas?" tanong na lamang niya dahil wala yatang balak si Elmo na ilihis ang topic. Puro nalang kase ito Janna. Janna. Janna! Naririndi na siya.

"4am Juls. Punta nalang kayo ng mansion, we'll going to ride our private plane. Anyway, are you guys on the way? Ingat kayo ah? I need to go na." sabi nito.

Medyo napangiti naman siya...

Ang bipolar niya lang ngayon.

Letche kasi si Elmo.

"Okay elmo, I'll tell them, thank you..."

"No worries, basta ikaw. Ingat ka Julie ah? I'll see you tomorrow, kikilalanin pa kita ulit. I'm excited to see you Juls, I don't know why. Hahaha. Sige na, ba-bye. Ikaw na mag'end ng call pretty missy..." sabi nito sakanya.

Napatawa naman siya.. Kaya mas lalong nagtinginan sa kanya ang mga kasama niya.

"okay okay, don't worry Elmo, you'll get to know me even more. Sure, sure. Bye..." then with a heavy heart she ended the call.

Pagkapatay na pagkapatay niya ng tawag ay binatukan naman siya agad ni Maqui.

"Sana nilubos mu na sinabihan mo na din ng "I love you baby", malanding to tawa tawa pa...." natawa naman siya dahil sa inasal ng kaibigan.

"Wag mo kong tawanan Julie Anne, ang bipolar mo na ah? Letche ka baka mamaya baliw kana pala diyan dahil kay Elmo. Jusmeng babaeng to. Ano ba sabi ah?" biglang sabi naman ni Maqui.

Natawa naman si Stephanie dahil ditto.

"Haha, ayos ang segue natin Maq ah? Hahahaha. Teka Juls, ano ngang sabi?" pangungulit din ni Bakla.

Nginitian sila ni Julie...

"Pack your things guys, out of town daw bukas sabi ni Elmo..."

The Broken VowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon