Chapter 38

1K 36 4
                                    

A/N: COMMENT :)


"Elmo! Please, iwanan mo si Julie sa akin ka nalang. Ako nalang ang mahalin mo..."

Napalingon ako..

Si Janna...

-

Mababakas mo ang gulat sa mukha nilang lahat ng makita nila si Janna.

Mula sa pagkagulat ay napalitan ang kay Julie nang inis at galit.

Kaya naman agad nilapitan ni Julie si Janna at binigyan ito ng isang malutong na sampal...

*PAK*

"Ang kapal ng mukha mong babae ka para sabihan mo si Elmo na iwanan ako, sino ka ba ha? Isa ka lang naman sa extra sa storya ng buhay ko. Wag kang masyadong umepal..."

At muli niya pa itong ginawaran ng isa pang sampal...

"Julie! Stop that. You don't have to slap her, may sakit siya Julie please lang kumalma ka..."

"Kumalma!? How can I calm down if this bitch is asking you to leave me and be with her in front of me. How can I Elmo?"

"Juls, enough! Let's talk later baby okay? I'll talk to her first..."

At tsaka na binalingan ni Elmo si Janna...

*PAK*

Nagulat ang lahat ng makatikim si Elmo ng sampal kay Janna..

"Bakit Elmo? Bakit si Julie pa rin? Bakit!!!?"

"DAHIL SIYA LANG ANG MAHAL KO!"

Sigaw ni Elmo na nakapagpatahimik sa lahat...

"Im sorry Janna for making your life like this pero wala akong magagawa, si Julie lang talaga. Now if you need help dahil dyan sa karamdaman mo, Im very much willing to help you..."

"But all I need is for you to stay with me..."

"And I can't do that....Janna please, kung mahal mo ko pakakawalan mo nako..."

Unti unting lumapit si Janna kay Elmo and God knows kung gaano kagustong hatakin ni Julie palayo ito...

"Uhmm.J-jan-uhmm"

Pilit itinutulak ni Elmo si Janna dahil bigla nalamang siyang sinunggaban ng halik nito. Para namang nabato si Julie sa kinatatayuan niya dahil sa nangyari.

"Hoy Julieta, KILOS dyan!"

"Bes, yung fiancé mo. NARARAPE NA. DALI MO!"

"Tangina Julie, dali. Galaw galaw dyan...."

Para namang natauhan si Julie nang marinig niya ang sabi ng mga kaibigan niya...

Agad-agad lumapit si Julie at hinablot ang buhok ni Janna kaya't napakalas ito..

Hindi na alam ni Elmo ang gagawin dahil nagsasabunutan na ang dalawa...

Nakapaibabaw si Janna kay Julie at pinagsasampal ito...

"OMG!!! ELMO SI JULIE!!!..."

Nanlaki ang mata ni Elmo sa nakita niya...

Agad-agad niyang hinila palayo si Janna kay Julie...

"J-Julie.... I'll bring you to the hospital...."

Nanginginig ang kamay ni Elmo na hinawakan si Julie..

"W-why?"

"Juls, dugo!"

Napatingin si Julie sa legs niya at nakita niyang may umaagos na dugo doon, matapos noon ay nawalan na ito ng malay...

The Broken VowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon