Chapter 22

839 31 7
                                    

"He's alive Julie. Buhay siya!...."

"He's alive Julie. Buhay siya!...."

"He's alive Julie. Buhay siya!...."  

Paulit-ulit itong tumatakbo sa isipan niya...

Malungkot siya dahil tinago ito sakanya pero sa kabila nun ay masaya na din siya dahil buhay pa si Elmo. Buhay pa ang lalaking tunay niyang minahal at mahal pa rin niya hanggang ngayon...

"Julie? Julie..." tawag pansin sakanya ni Maxene.

"Ate, paano?" gulat pa rin na tanong ni Julie.

"It's a long story Jules..."

"OMG!!!! Buhay si Fafa Elmo. Buhay siya!!!" tili naman ni Steph.

"Yes, he's alive. Buhay na buhay siya..."

"Pero, bakit hindi siya nagparamdam samin sa loob ng dalawang taon?" medyo may lungkot na tanong ni Jem..

"He's been in a coma for more than 6 months, matagal bago siya nagising and it took him more than a year bago siya tuluyang makarecover at makalakad ng maayos, he's been through a lot..." medyo may halong lungkot na sabi ni maxx.

"Sorry, If ngayon ko lang nasasabi ito, pero since alam ko na miss na miss niyo na siya, mamayang gabi. May party sa bahay, We're all expecting you to come lalo ka na Julie..."

"He's here?" tanong ni Julie.

"Otw pa lang yun... Oh pano? See you mamaya ahh?" sabi ni Maxx tapos ay bumaling ito kay Julie...

"Jules, lalo na ikaw. Gusto ka nilang Makita to say thank you. Pinapunta pa nila ako dito kase they're expecting na dadalaw ka nga ngayon kay Elmo, pero Jules mamaya kase ano si----"

"Pupunta po kami ate..." pagputol ni Julie sa sinasabi ni Maxx.

Nginitian lamang siya nito at pagkatapos noon ay niyakap siya nito at umalis na...

Pagkaalis ni Maxx ay nag-unahan na naman sa pagtulo ang mga luha ni Julie...

Tumingin siya kay Maqui..

"B-bes, He's alive. Buhay siya Maq, buhay siya..." masayang sabi ni Julie kahit na siya'y umiiyak.

"Oo nga bes, matutuloy na rin sa wakas ang lovestory niyo. Sana happy ending na talaga siya this time..." kinikiliig na sabi ni Maqui.

"Miss ko na kaya ang JuliElmo..." sabi naman ng baklang si Steph..

"Miss na ng lahat ang JuliElmo, ano ka ba..." sabi ni Maqui..

--

7 pm na, at saktong nakadating na sila Julie sa mansion ng mga Magalona...

"Nervous?" sabi ni Maq.

"Yes, sobra..."

"No need Jules, after this night you'll be happy na ulit bes..." 

"Sana nga maq..." sabi ni Jules.

"Oy tama na ang drama, tara na..." sabi naman ni Stephanie.

Matapos noon ay bumaba na sila ng sasakyan at pumasok na sa Mansion...

"Goodevening po..." bati ni Julie.

Namiss niya ang mga ito. Na'miss nya ang pamilya ni Elmo.

Agad namang lumapit sakanya si Pia.

"I miss you anak..." sabi nito sakanya... at tsaka pa bumulong ng.."Thank you sweetie, for saving my son..." sabi ni Pia sakanya.

Alam na niya kung ano ang tinutukoy nito.

Nginitian na lamang niya ito.

Bumati pa sa kanya ang ibang mga Magalona, at lahat ito ay nagpasalamat sakanya. Kung hindi tango ay ngiti lamang ang sinasagot niya sa mga ito.

Maya maya pa ay....

"Ma'am andyan na po si Ser ilmu..." sabi ng katulong nila.

"Ay nasan na inday?" tanong ni Pia.

Bumilis ang tibok ng puso niya...

Para siyang natatae na ewan...

"Hi Family!!! I'm home!!!!" sigaw ni Elmo pagpasok na pagkapasok nito.

Sinalubong naman siya ng mga Magalona.

Habang silang mga magkakaibigan ay natulala lalo na si Julie.

Hindi niya inaasahan na makikita niyang muli ang mga ngiti ni Elmo.

Napatingin naman sa kanila si Elmo.

Nginitian sila nito at dumako naman ang tingin nito sakanya.

Saglit itong napahinto, pagkatapos ay ngumiti ulit sakanya.

"Hi..." sabi nito..

Naiiyak na siya. Hindi galit sakanya si Elmo.

Lahat ay nakatingin lang sakanila.

"Mom, sino po sila?" biglang tanong ni Elmo.

Bigla silang naguluhang lahat. Nagkatinginan sila Maqui at Si Steph at ang mga kambal.

Ang saya ay napalitan ng pangamba...

Hindi sila kilala ni Elmo?

"Son, they are yo---"

"Hun, are you bringing my phone?" pasok ng isang magandang babae at kumawit pa ito sa braso ni Elmo.

Nasaktan si Julie sa nakita niya.

Ano'ng nangyayari? Bakit hindi sila matandaan ni Elmo at sino ang babaeng yun?

Tinignan ni Elmo ang babae tapos ay nginitian pa ito at hinalikan sa sintido matapos niyang akbayan.

"Andun sa bag ko hun, let's ask Inday later. Mamaya mo na kunin ha?"

Tumango lamang ang babae at ngumiti sakanya..

"Sino po siya tita Pia?" si Maqui na ang nagtanong para kay Julie.

Dahil nakikita niya at alam niyang hindi na kayang magsalita pa ng bestfriend niya.

Si Elmo ang sumagot para sa babae.

"Uhm, hello sa inyo. She's Janna Eris Valderama. My soon to be wife..." at tsaka ito hinalikan ni Elmo sa labi.

The Broken VowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon