Chapter 03

43 4 0
                                    

-CHAPTER 03-

"Eh ma'am wala naman pong ginawang masama etong si Kendi eh. Pinagtanggol niya lang po ang sarili niya."

Katwiran ni papa nang sabihin ng math teacher ko ang nangyari kahapon. Si papsy talaga.

"Ah hindi po papsy, may kasalanan din po ako sa nangyari kasi po pumatol pa ako."

"That's my point sir. Kung hinayaan na lang po sana netong si Kendi ang pang-aasar ni Matt eh sana po ay hindi na lumaki pa."

Napatingin ako kay papsy. Kaming tatlo lang ang nandito sa guidance office. Wala pa rin si Matt at ang magulang niya. Narinig ko ang usapan nila kagabi. Siguro hindi na 'yun sisipot.

"Good morning ma'am."

Napalingon kaming tatlo nila papsy sa pagbukas ng pinto. Biglang tumayo si papa at nakipagkamay sa tatay ni Matt. Iniwas ko ang tingin ko sa kanila dahil na rin sa hindi inaasahang pangyayari kagabi. Tama kayo, ang pamilya Mijares ang bago naming kapitbahay. Nakakainis 'no?

"Oh pare! Anong ginagawa mo dito?"

Tanong ni papa sa tatay ni Matt. Oo nga pala, magkakilala nga pala sila kasi simula nung isang araw pa silang nag-uusap. Sinulyapan ko ng kaunti si Matt at nakayuko lang siya habang ang dalawang kamay ay nakapatong sa tuhod niya.

"Eh pare pinatawag ako ng teacher netong si Matt eh. Ikaw pare bakit andito ka?"

"Eh ganun din nga ako pare eh. Ay siya nga pala eto si Kendi, bunso ko."

Pinatayo ako ni papsy tsaka pinagmano.

"Ay siya nga pala, eto naman si Matt pare, bunso ko din."

Nabigla ako sa ginawang pagtayo ni Matt at pagmano kay papsy. Agad naman siyang bumalik sa pagkakaupo. Grabe! Napaka-intense naman ng kaganapan dito sa loob.

"Ah ma'am, nasan na nga po pala 'yung nakasagutan ng anak ko kahapon?"

Tanong ni Mr. Mijares. Umupo na siya kasabay din ng pag-upo ni papa. Ano kayang magiging reaksyon ni papsy 'pag nalaman niya?

"Ah actually sir. I want you to meet Kendi Gonzalo. Siya po 'yung nakasagutan ni Matt kahapon."

Nakita ko ang dahan dahan na paglingon sa amin ng papa ni Matt. Pati na rin ang paglingon sa akin ni papsy. Mukhang ako ata ang maiipit dito ah.

"Baby, bakit ano bang nangyari kahapon at nagsagutan kayo netong anak ni tito Gino mo?"

Tito Gino? tss. Kailan ko pa naging tito ang papa ni Matt.

"Ah.. ganito po kasi 'yun papsy. Kahapon po eh pinagtawanan ako ni Matt dahil lang sa salitang 'sensya'."

"Ikaw kasi! Binibigay ko na sa'yo 'yung quiz mo sa Math ayaw mo pang tanggapin. Hindi naman sana magkakaganon kung nung una pa lang hindi ka na nag-de-daydream."

"Hoy! Hindi ako nag-de-daydream. Inaaral ko 'yung mga formulas sa Math. At andun ka bigla sa harap ko't aalaskahin ang isang simpleng salitang binitawan ko!"

Napatayo na ako habang nagsasalita. Siya rin ay napatayo na rin at palapit nang palapit sa akin habang nagsasalita.

"Bakit ikaw ininsulto mo ako ah? Ang sabi mo sa akin kahapon panget ako, aba bakit maganda ka ba? Itsura mo! Takte ka!"

"Hoy! Gaya ng sabi ko kahapon. Hindi ko sinabing maganda ako, ang sinabi ko hindi ka gwapo. Isa pa, totoo naman 'di ba?"

"Hoy ka din!"

"Takt--"

Napahinto ako sa pagsasalita nang biglang magsalita si ma'am April.

"That's what I'm talking about sir. Masyado pong makatwiran ang mga anak ninyo. Wala pong gustong magpatalo."

Pusong TeenagerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon