-CHAPTER 07-
Nagkulong ako sa bahay ng hihigit sa isang linggo. Hindi ako lumabas kahit na inaya ako nila papsy na tingnan ang halaman. Madalas ang ginagawa ko lang ay magtext kay Ella at ang idukmo ang mukha ko sa unan. Inisip ko na baka kailangan ko lang ng pahinga kaya ganun. Baka sobrang stress lang ako sa mga tambak na school works last last week. Kaya pinili kong magkulong sa kwarto. Hanggang sa nawala na sa isipan ko ang nangyari.
"Baby, don't forget mamaya ah? Ikaw ang gagawa ng graham."
"Opo!"
Sigaw ko kay kuya na nagsalita mula sa pintuan kong nakasara. 24 na pala ngayon, handaan na. Mamayang alas dose eh Pasko na. Ayos! Kailangan eh i-enjoy ko ang sarili ko mamaya. Sapat na siguro ang pahinga ko.
Hapon na, tumayo na ako at nag-ready na para sa noche buena mamaya. Bumaba ako ng kwarto at bumulaga sa akin ang isang kusinang punong-puno ng mga rekado at containers.
"Kuya A, papsy. Mukhang busying busy kayong dalawa ah?"
"Siyempre naman baby! Ikaw din, gawin mo na ang menu mo."
Bilin sa akin ni papsy. Sinuot ko na ang apron tsaka ginawa na ang dessert. Habang ginagawa ko 'yun eh nakikisabay rin ako sa indayog ng pang-Paskong kanta. Ang saya talaga tuwing Pasko, parang napakabanayad, napakapayapa, parang ginawa para magsaya ang lahat.
Lumipas pa ang mga oras hanggang sa mag-alas onse na. Handa na ang lahat sa lamesa, nakakulay pula na kaming tatlo nila papa, mas gumanda pa sa pandinig namin ang musikang nanggagaling sa speaker, naka-Santa hat na rin kami. May mga torotot na rin sa mga bibig namin.
"Ngayon ang hangad ko na sana eh maayos pa rin ang kalusugan ni kuya at ni baby. Sana maayos pa rin ang pag-aaral ni baby at ang trabaho ni kuya. I-guide Mo sana kaming palagi."
Yumakap kaming dalawa ni kuya kay papsy. Hay, ang sarap sa pakiramdam. Tumingin kami sa orasan, 11:30 na. Ilang minuto na lang Pasko na. Kainan na!
"We wish you a merry Christmas, we wish you a merry Christmas."
May nangangaroling. Medyo malakas na rin ang mga tugtugan ng kapitbahay. Lumabas kaming dalawa ni kuya tsaka nakita ang mga musmos na batang may kanya-kanyang hawak na tansan na ginawang tambourine at latang ginawang drums. Bigla ko tuloy naalala ang kabataan ko.
"We wish you a merry Christmas and a happy new year!"
Iniabot ko ang barya tsaka sila nagpasalamat. Isasara na sana namin ni kuya ang pinto nang may mapansin kaming isang lalake na nakaupo sa tapat namin.
"Oh baby, si Matt 'yun 'di ba?"
Tiningnan kong maigi, bigla akong kinabahan.
"Bakit nasa labas siya? Eh parang ang saya nila sa loob ah? Halika tawagin natin."
"Ha?"
Magsasalita pa sana ako kaya lang nakalapit na si kuya kay Matt kaya sumunod na lang ako. Inhale, exhale. Gaya lang nung dati Kendi.. gaya lang nung dati.
"Ah Matt, bakit nasa labas ka?"
Tanong ni kuya kay Matt. Nasa likod lang ako ni kuya at nakikinig sa kanilang dalawa.
"Ah goodevening sir. Wala ho, nagpapahangin lang. Oy Science."
Ayos, balik sa Science. Mas komportable ako.
"Oh. Bakit andito ka?"
"Sinabi ko na 'di ba? Nagpapahangin lang ako."
"Okay fine. Tara na kuya."
BINABASA MO ANG
Pusong Teenager
Roman pour AdolescentsMga pusong unang umibig. Unang umasa. Unang nawasak. Unang umiyak. Unang nasaktan. Unang iniwan. Mga teenagers na inaakalang alam na kung ano ang ibig sabihin ng salitang 'pagmamahal'. Mga minsan nang umasa sa wala. 'Yung mga taong nagselos pero w...