Chapter 12

9 2 1
                                    

-CHAPTER 12-

[Kendi]

"Pwede kaya akong manligaw?"

"Manligaw? As in manligaw ng pusa?"

"Ken ken naman eh."

"Manligaw, flowers, chocolates. Ganun."

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko. Manligaw? Ano daw?

*blag*

"M-matt?"

"Pinsan, bakit mo naman ginawa 'yun?!"

"Huwag mo kong tawaging pinsan hayup ka!"

"Matt!! Ano ba?! Bwiset kayo!"

"Papayag ka na manligaw 'yang mokong na 'yan?!"

"Ano?!"

Ano bang sinasabi niya? Bigla bigla na lang susulpot at mananapak. Ano bang problema niya?

"Matt. Gusto mo rin si Ella?"

"Ha?"

Ibig sabihin gusto rin ni Matt si Ella? Balak kasing manligaw ni Philip kay Ella at nagpapaalam siya sa akin. Ibig sabihin kaya nanapak si Matt kasi nagagalit siya? Argh! Ang gulo.

"Ha? Anong si Ella?"

"Kay Ella ako manliligaw. Gusto ko siya. Ikaw rin?"

"Ha?"

"Matt, gusto mo rin ang bestfriend ko?"

Ang tagal bago sumagot ni Matt. Ewan ko pero gusto kong marinig sa sana hindi. Parang may part sa loob ko na sana hindi ang isagot niya. Ano ba Kendi? Ano ba?

"Ah.. o-oo."

Iniwas ko ang tingin ko sa kanila at paglingon ko eh nakita ko si kuya.

"Baby, saan ka pupunta?"

"Uwi na tayo kuya."

Inakbayan na ako ni kuya tsaka naglakad na kami paalis.

"Ken ken wait.."

Huminto kami at lumingon sa kanila.

"Ikaw ang saksi sa labanan naming dalawa."

"Okay. May the best man win."

Pinilit kong ngumiti tsaka humawak sa bewang ni kuya at inaya siyang umuwi.

---

[Matt]

"Pwede kaya akong manligaw?"

Nakaramdam ako ng galit sa sinabi ni Philip. Kaya lumapit ako at sinapak siya. Hindi pwede.. hindi niya pwedeng ligawan si Science lalo pa't hindi ko pa nasasabi na gusto ko siya. Sagabal talaga 'tong hayup na 'to eh.

"Matt, gusto mo rin si Ella?"

"Ha?"

Ha? Anong Ella? 'Yung si Rodriguez? Bestfriend netong si Science? Eh akala ko ba si Kendi ang gusto netong si Philip? 'Yun ang sabi sa akin ni kuya Aaron.

"Matt, gusto mo rin ang bestfriend ko?"

Tiningnan ko si Kendi na nakatingin sa akin at tila naghihintay ng isasagot ko. Patay! Ano ba 'tong napasok ko? Anong sasabihin ko? Sasabihin ko ba na akala ko kasi sa kanya manliligaw si Philip. Bahala na.

"Ha? O-oo."

Bwiset, bwiset talaga! Ako? May gusto kay Ella? Malabo naman eh. Mas okay na 'yun kesa naman sabihin kong sa kanya ako may gusto.

Pusong TeenagerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon